MALAKI NAGAGAWA NG MALIIT NA BAGAY

Narinig ko na ito ng maraming beses pero hindi masyado mabigat ang dating sa akin kung kaya winawalang bahala ko lang. kasi nga naman papaano magiging malaking bagay ang isang maliit eh maliit nga di ba? Hindi lang yan pwedeng marinig sa mga radyo o mapanood sa TV kundi take note nabasa ko pa ito sa isa sa mga traditional book na kung tawagin ay “TAO” or The Way na kung saan sinasabi na ang sumulat at nagtipon ay isang matanda na si Lao Tzu. If my memory serves me right sabi doon na “small things accomplish big tasks” parang ganun ang sinasabi. Nagiging ideal na sa akin ito paunti-unti at nito ko nalang naappriciate ng buong-buo ang prinsipyo o thinking na ito habang nililinis at inaayos ko ang aking kwarto, napaka gulo at dumi na kasin ng kwarto ko at talagang kinakailangan ko ng pagtuonan ng mahaba-habang oras para maayos ang mga bagay-bagay kahit papaano, kaya nitong day-off ko ay pinagpaliban ko munang mag-training sa gym ng umaga.

Habang nagaayos ako ng kwarto napapatanung ako sa sarili ko na paano dumumi at gumulo ng kaganito ang kwarto ko at naisip ko nga na pinagpapaliban ko kasi na ayusin at linisin ang mga datiy kakaunti pa lang, tinatamad na itago sa tamang taguan ang mga lens na camera at mga charger ng telepono at video cam, pinagpapalibang punasan yung mga alikabok na dulot ng sand storm hangang yung mga pagpapaliban ng mga maliliit na bagay na iyon ay dumating ang araw na isa ng malaking sagabal na nagiging perwisyo.

Hindi lang natin pansin ang beneposiyo ng mabubuting malililiit na gawain gayon din ang di mabuti. Not unless kung magsusuri ka at magbabalik tanaw ng maigi. Yung simpleng isang stick ng sigarilyo sa umaga, hapon at gabi matapos ang tatlong taon di mo isipin ito pala dahilan kung bakit madali kang hingalin at yung simpleng pag inom ng tubig kesa sa softdrinks ay magugulat ka na iyon pala dahilan kung bakit magaan ang iyong pakiramdam palagi.

Minsan siguro yung mga tinatawag na taong tamad ay hindi dahil sa talagang ayaw nilang gumawa, kundi siguro ang sistema ng kanilang pag-iisip ay sinisimulan nilang tignan sa malalaking mga gawain para matapos ang isang proyekto o goals, kaya nga naman bakit mo pa papagurin ang sarili mo lalo na kung ang hamon para maikasatuparan ang isang gawain ay nangangailangan ng maraming salapi, talento at oras na gugugulin, nakaka stress nga naman.

Sa kalabigtaran naman yung mga taong masisikap at masisipag ay tinatyaga nilang gawin ang mga bagay kahit paunti-unti kahit maliit lang hangang sa ang law of leverage ay pumasok na. Minsan sila pa nga ang nagugulat sa kanilang narating at magkwekwento na dati sila ay ganito o ganyan kaliit lamang. Kahit sa pagpapalaki ng katawan o pagpapayat hindi mo kailangan na buhatin ang isang daang kilo o tangalin kaagad lahat ng matatamis na pagkain sa iyong menu, lahat yan ay paunt-unti lang.

Iba naman yun sa proscrastination hah! Kasi hindi naman ibig sabihin na okay lang na ipag-pabukas mo lagi, dahil alam naman natin na walang mangyayari sa ganitong style. Yun pang testingin mo kung gaano kalalim o kabigat ang kaya mo at sa ngayon ay yun ang pag-igihan mong gawin o gamitin tapos maging responsible ka na pakiramdaman kung dapat ka na bang magdag-dag o magbawas. SA huli ikaw parin ang Boss at masusunod kung kailan at hangang saan.

Ang ROCK BOTTOM dito ay hindi ideyal na stilo ang mga pwersaan o paspasan, although may mga pagkakataon na kailangan natin at nararapat pero hangat maari magpahinay-hinay tayo ngunit kalakip rin nito ang pagiging maagap.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: