BHART SMOOTHEE ONE

Dati inilathala ko ang Peoples Future na grupo ng mga EMCEE na kung saan sila ang isa
sa mga naging inspirasyon ko na talagang ang pagiging isang artist ay hindi dumidipende sa mga mamahaling gamit, bigating managers, bongang recording studio o matibay na estasyon sa Telebisyon dahil sa tingin ko ang nais nilang sabihin ang unang-unang importante ay sundan mo kung ano ang sinasabi ng puso mo.

Sa pagkakataon na ito gustong bigyan ng ROCKYRIVERA.WORDPRESS.COM ang isang rapper na talaga namang magpapatunay na hindi hadlang ang pagiging mahirap para gawin mo kung ano ang gusto mo sa buhay.

Ang tinutukoy ko ay si Israel Velarde na pinalayawan namin noon na Bhart dahil sa buhok niyang gupit Bhart Simsons noon, pero ngayon mas kilala na sya sa Rap Name niyang Bhart Smoothee One.

Kababata ko si Bhart masasabi ko na katulad ng mga naging kaibigan kung kabataan sa tondo noon ay hirap rin sila sa buhay, pero ang kakaiba lang sa kanya maging sa kanyang mga kapatid ay mararamdaman mo na puno parin sila ng pag-asa sa buhay.

Sa tingin ko di nila gaano ginagawang malaking isyu ang pagiging mahirap dahil kahit ganun pa man madalas kung nakikitang ine-enjoy nya ang kanyang buhay lalo na sa pamamagitan ng musika.

Mahilig sa pag-awit ang pamilya ni Bhart actually yung kapatid niyang babae ay nananalo sa mga paligsaan sa pag-awit at dating naging mahigpit kakumpitensya ni Charice Pempengko sa isang singing contest noon.

Isa si Bhart sa mga nagiimpluwensya sa barkada namin
noon pagdating sa mga musikang pakikingan. Sya yung unang nagpahiram sa akin nung recorded tape ng Bone thugs, barkada favorite namin noon yung Back Street boys atbp. Pero noon pa man kapag narinig mo na ang pangalang Bhart isa lang ang ibig sabihin nito “Hip-Hop ang dating”

Year 2008 unang bakasyon ko galing ng Saudi at isa sya sa mga bumisita sa akin sa bahay, may kaunting kainan, pasalubong, kwentuhan at doon nga nasabi niya na ang kasalukuyan niyang pinagkakalibangan ay gumawa ng mga musikang rap na love song ang genre with matching na ang estilo na ginagamit niya ay ang kanyang all time favorite na Bone thugs and Harmony. Nung una wala ako gaano interest na malaman kung ano ba mga buong detalye na pinag-gagagawa niya, basta sinabi ko lang na kung saan sya masaya approve sa akin yun, at tulad nung lagi kung sinasabi ay huwag magpatumpik-tumpik at sungaban kaagad ang mga oppurtunidad na darating…

Year 2011 naging interesado narin akong mag-compose ng rap songs, gusto ko kasi na mailathala sa pamamagitan ng tugma-tugmang awit ang mga sinasabi ko sa blogsite na ito. Kaya binigyan ko ng panahon ang sarili ko na mag-aral at magsalik-sik tungkol sa kung papaano magtimpla ng beats, maghambing ng tugma, alamin kung saan makakakuha ng mga libreng beats at higit sa lahat pinag-aralan ko ang mga buhay-buhay ng mga EMCEE’s at Rappers mapa foreign or locals.

Nung minsan na sinaliksik ko sa youtube ang mga kanta ng kaibigan at kababata ko na si Bhart ay natuwa ako na malamang malayo na pala ang narating niya sa larangan na kanyang pinili. Marami-rami narin ang kanta niyang ginawa, may solo at may collboration na siyang natapos, actually may collab narin kami at balak rin nga sana naming magtayo ng grupong Solis Ghetto Gospel Family ang kaso yung isa naming miyembro na si Basyong Angas ay masyadong busy sa buhay niya ngayon kaya better luck next time….

Hindi nagtapos ng kolehiyo ang kaibigan ko, hindi rin nga  ata niya tinapos ang highschool pero pagdating sa larangan ng Rap masasabi ko na isa siya sa mga hidden asset ng Solis Tondo.

Maaring sa mata ng marami aakalain nilang hangang doon ka nalang kapag tindero ka sa Divisoria. Pero hindi ganoon ang kaibigan ko. Tuwing sasalang siya sa micropono at maglalathala ng mga awitin mararamdaman mo sa kanya yung vibration ng passion and love on what he is doing… I believe he already knew since child what he really wanted to do in his whole life, which is thats not what most people didn’t find yet…

Sa lahat ng mga aspiring EMCEE’s or RAPPERS sana tignan ninyo yung buhay ng kaibigan ko na si Bhart at malaki ang kumpyansa ko na marerealize rin ninyong walang makakapigil sa inyong pangarap kapag namagitan na ang pag-ibig sa gusto ninyong gawin, pag-ibig sa gusto ninyong maging at pag-ibig sa gusto ninyong ibahagi sa kapwa… Para kay Bhart nalaman niya na ang pag-ibig na iyon ay ang musika… Kayo rin sana matagpuan ninyo o malaman na rin sana ninyo kung ano o nasaan ang inyong pag-ibig.

Para sa Utol kong si Bhart, Tol! TWO THUMBS UP SA IYO!!!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: