GINAGAWA KO BA GUSTO KO?

Para sa akin kung mayroong paulit-ulit na tanung tayong dapat itanung sa ating sarili ay isa na rito yung pamagat ng artikulong ito.

Ginagawa mo ba gusto mo???

Minsan tinigil natin ang tanung na ito dahil sa maraming mga kadahilanan. Nariyan yung natatakot manghinayang, mag-sisi at ang mas malala ay ayaw humarap sa katotohanan…

Kahit na ba sa tingin mo ay ginagawa mo na ang gusto mo walang masama at itanung mo parin ito sa sarili mo dahil hindi mo alam baka yung akala mo na nagpapaligaya sa iyo noon ay hindi na pala ang magpapaligaya sa iyo ngayon.

Hindi naman kaagad-agad na tamang maging kasagutan ang “palitan” ang isang gawain kung sakaling maramdaman mo na hindi mo na gusto ang ginagawa mo…

Halimbawa nalang sa pag-susulat, matagal din akong namahinga at nagpatumpik-tumpik sa paglalathala ng mga sulatin, masasabi ko na parang nawalan na ako ng pipigaing punto vista na ibabahagi sa mga dumadalaw sa blog na ito pero kamalaunan napagtanto ko na masyado ko kasing pinipilit na mag-focus ang atteensyon ko sa FACTS OF LIFE which is the truth is marami pa pala akong pwedeng isulat na halos kapareho rin ng tema nito kung kaya gumawa ako ng PAGE para sa BUHAY EMPLEYADO kasi from the past years mas marami akong nakakalap na kaisipan o aral-aral sa buhay ng tao na kung saan napulot ko ito sa pagiging empleyado ko. Kaya eto na ulit ako masasabi ko na gusto ko na ulit ang ginagawa ko, hindi ko maiisip ang temang BUHAY EMPLEYADO kung hindi ko pinagtatatanung ang sarili ko kung gusto ko pa ba ang ginagawa kung pag-bloBlog dahil kung hindi baka until now matumal parin ang pag-popost ko sa Blog na ito.

Hindi lang buhay blogero maging buhay empleyado, buhay Tatay, buhay kolehiyo o anong klaseng buhay ka ngayon mainam na maitanung mo sa sarili mo kung GUSTO MO PA BA ANG GINAGAWA MO???

Huwag matakot, maaring sa una hindi ka magiging kumportable sa mga magiging sagot pero I am sure the path is correct…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: