HINDI AKO SI

Una sa lahat hindi ako si Bob Ong, hindi ako si PAPA JACK hinding-hindi rin naman ako Francis M wannabee…

I would say na nagkataon lang lahat siguro…

Linawin ko lang rin na hindi dahil sa ayaw ko kay Bob Ong or Papa Jack or even to the master rapper Francis M. I respect all of them on their fields at natutuwa ako na may mga Filipinong umaangat sa mga ganitong larangan… Although hindi pa ako nakakabasa ng libro ni Bob Ong dahil noon kasi tight ang aking budget sa pamimili ng libro at hindi na umabot ang pera ko matapos kung bilin yung 33 ways of War ni Roberte Greene. Si Papa Jack naririnig ko na ang pangalan niya, actually minsan ngang nag-share ng quotes ang misis ko na siya nagsabi. Francis M naman syempre lahat naman ng Pinoy in some way “like” siya hindi lang dahil being photographer, rapper, father, host, actor, artist but most of all as a good person.

Pero kung hindi sila ang ginagaya ko o mga taong major na naka-impluwensya sa akin eh sino? kasi lahat naman tayo in some percent of motivation ay driven by inspiration… so again the question is Sino?

Subukan kung sagutin…

Yup meron akong mga taong ina-idol o mga taong nag-impluwensya sa akin… actually marami sila pero i’ll just limit it as much as possible para hindi naman masyadong mahaba.

Pook not Papa Jack

Sabi ng iba yung mga banat ko raw about relationship, pag-ibig and sex is may kahawig kay Papa Jack, take note “kahawig” lang pero hindi kapareho. Most of my ideas about the said topic came from a forumer named “Pook” punta kayo sa SoSuave.com try to search the name Pook at makikita ninyo ang kanyang mga post’s but these days mukhang wala na siya at naglaho nalang bigla.

Dr. Wayne Dyer not Bob Ong

Actually as far as I know Bob Ong is kinda self-help kind of guy in Philippines. Nung nalaman ko na may ganoon na palang pinoy ay natuwa ako. Kasi talagang ume-elevate na yung level ng mga Filipino. But honestly most of my Self-help insights came from many Self-help Foreign Guru like Dr. Wayne Dyer. Marami sila actually nariyan sila Anthony Robbins, Nap Hill, Steve Pavlina, Jim Rohn, Stephen Covey, Og Mandino, Brian Kim at maraming-marami pang iba…

KRS-One not Francis M.

Mula nung nalaman ko kung ano at bakit may Hip-Hop I began to love the culture since then. Syempre I will not deny the fact that Idol ko si Sir Kiko pero the reason why I gone way too far, to the point na gumawa na ako ng sarili kung rap songs (kahit heram lang yung ibang beats) is driven by senior Emcee’s tulad ni KRS-One. Actually marami sila but as of now I would say KRS-One is like Dr. Wayne Dyer of Hip-Hop. But again, FM has a major part as my inspiration why I love to be an EMCEE.

Actually ipopost ko ito sa aking (Who’s) Rocky Rivera Page pero sa pakiramdam ko mas okay kung ipapabliang ko ito sa aking mga blog para sa mga blogista.

My Rock Buttom is this… Let us not Judge too quick, kasi may mga tao na maaring magkapareho hindi dahil sa may ginagaya sila kundi “nagkataon” lang which is hindi malayong mangyari…

Believe it or Not!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: