PAANO DESISYUNAN ANG PAG-EEXIT

Nakapagsulat na ako ng halos ganitong uri ng artikulo noon, pinamagatang “Hangang Kelan?”
Tinatalakay dito kung papaano mo masasabing hangang kelan ka ba magtratrabaho bilang isang OFW.

Pero sa pagkakataon na ito gusto ko lang ibahagi sa inyo ang mga pamamaraan na nakalap ko sa loob ng anim na taon kung papaano dinesisyunan ng mga taong nakilala ko kung papaano nila dinesisyunang mag-exit.

Bakit kelangan pang alamiin kung papaano pag-desisyunan ang pag-eexit? simple lang para hindi mag-sisi sa huli…

Karamihan naman ng nakilala ko nagpadala
sa bugso ng damdamin kaya umexit. Actually
AWOL ang tawag dun pero ganun pa man ang masasabi ko lang sa ganoong paraan ay “poor”
kind of decision making. Pwera nalang kung
may mga pangyayaring hindi mo inaasahan at kailangan mo talagang bitawan ng ganun-ganun nalang ang pagtratrabaho sa gitnang silangan.

Pero considering na walang ganoong kabigat na isyu at tila nasa mga palad mo nakasalalay kung dudugtungan mo pa ba ang  panahon mo sa Arabia ang tanung papaano ba ang diskarte para matiyak mo sa iyong sarili na “pwede” ka na ngang kumalas sa kasalukuyan mong kumpanyang pinagtratrabahuhan.

Dito sa Saudi sa totoo lang kung mahihinayang ka sa kumpanya na pagtratrabahuhan mo halos 90% ay baka ayaw mo nang kumalag sa pagkakatali bilang isang empleyado. Kahit pa sabihin mo na nakapagpatayo ka na ng mga bahay, nakapagtapos ang lahat ng iyong mga anak o kapatid madalas hirap parin ang mga mangagawa dito talikuran ang hanapbuhay nila…

Kasi nga naman nasanay na sa buhay dito, isa pa kumpara sa isang bilango, pag nakalaya na sila halos disconnected na sila sa buhay doon sa Pinas. Kaya imbis na hagilapin na makapag-adjust mas gusto pa ng nakakarami na bumalik nalang dito ulit sa Saudi kasi dito nga alam na nila kalakaran ng buhay isa pa kumikita pa sila na malamang sa malamang hindi nila kikitain sa Pilipinas.

“ITS ALL ABOUT MONEY!” Whether you like it or not or Aminin mo man o hindi…

Nanghihinayang tayo sa kikitaing salapi kapag umalis na tayo sa Bansang ito.

Kung dito kaya mong makabili ng mga iphone 4 or iphone 5 sa loob ng dalawang buwan na pagiipon eh baka sa Pinas magdalawang taon mo itong pag-ipunan.

Sabi ng iba kung nakakakwentuhan mahirap daw kasi magbitaw ng pera sa Pinas ng basta-basta lalo na kung wala kang malinaw na pinagkukunan ng pang-gastos.

SO PAANO NGA BA DESISYUNAN NA MAG-EEXIT KA NA?

Simple lang at yan ay nakadepende sa sagot mo sa dalawang katanungan.

Una sa lahat tanungin mo muna sarili mo kung na-achieve mo na ba yung mga goals mo kung bakit ka nag-Saudi?

Pangalawa Handa ka bang mag-downgrade ng lifestyle at ng iyong buying-power capacity?

Kung parehong “OO” or “YES” ang sagot mo sa dalawang katanungan ay ano pa ang hinihintay mo? isulat mo na ang iyong resignation letter at ipasa na kaagad sa iyong AMO. DAhil kung totoo nga ang iyong sagot ay malaki ang kumpyansa ko na hindi mo pagsisisihan ang desisyon mong umexit na, siguro may kaunting panghihinayang pero para sa akin mas importante na huwag pagsisihan dahil ang panghihinayang ay kayang ibale-wala kung mas matingkad ang kaligayahan at kuntento ka sa iyong kalagayan doon sa iyong kinabukasan.

Ngayon kung alin man sa dalawang tanung na nasa itaas ang may sagot ka na “NO” or “Hindi” dito ka na magiisip ng masin-sinan. Actually mahaba-habang usapan ito pero ang pagtatapusan ng usapan ay simple lang… hindi ka pa handa umexit…

Maaring nakuha mo na ang mga layunin mo kung bakit ka nag-Saudi pero hindi ka naman handa na mag-downgrade ng buying-power mo eh sigurado ako na magsisisi ka sa huli…

Ano po ba ibig kung sabihin sa buying-power? ibig kung sabihin dyan eh yung kakayanan mo na makapag-waldas ng pera. Tulad nga ng sinabi ko kung dito sa Saudi eh dalawang buwan o isang swelduhan lang eh kaya mo ng makapag bitaw ng pera para makabili ng mga kapritso sa buhay halimbawa sa pagbili ng iphone 4 or iphone 5 pero pag-uwi mo sa pinas dapat na asahan mong maaring bago ka makabili ng mga ganitong telepono ay baka abutin ka ng isa o dalawang taon bago mag-bitiw ng malaking pera para sa mga ganitong bagay.

Ngayon may iba naman na willing sila na mag low power factor sa buying power nila pero aminado sila na hindi pa nila nakakamit ang mga pinupunterya nilang mga proyekto o layunin kung bakit sila nag Saudi.

Sa ganitong sitwasyon kung wala rin lang na matinong makukunan ng ipangtutustos sa pangangailangan at para makamtan ang mga target mo sa buhay ay malinaw na ilang buwan lang ay pagsisihan mo kung bakit ka umexit. Pwera na lang nga kung may lilipatan kang iba na sa tingin mo ay mas mahusay sa kasalukuyan mong pinapasukan.

Personally, sa tingin ko mahihirapan akong sagutin ng OO yung number two question, which is yun ang nakikita ko na problema rin ng maraming OFW noon at ngayon kung bakit hindi namin maiwan-iwan ang pangingibang bansa para magtrabaho.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: