SIMPLE LANG TALAGA BUHAY

Paano ko nasabi? Sa totoo lang hate ko ang ganitong tag-line noon, parang napaka boring ng buhay, parang yung taong nagsasabi ay nanghuhula lang o hindi nakikita ang totoong sitwasyon ng mundo pero eto nga at sa sarili kung pananaw ako na mismo ang nagsasabi sa iyo na simple lang talaga ang buhay at kung may taong magsasabi na hindi simple ang buhay panigurado na siya ang nagbibigay ng dahilan kung bakit hindi ito naging simple. Although ang buhay ngayon ay puno na ng template yung tipong kung pinanganak ka na may kaya eh mag-aral ka, magtapos, magtrabaho at mag-asawa o di kaya mag-mix and experiment ka, kung gusto mo asawa muna bago trabaho o trabaho muna bago aral. Keh mag-aral ka naman o hindi eh mabubuhay at mabubuhay ka yun nga lang ang tanung anung klase ba ng buhay ang gusto mo? Lahat kasi sa atin gusto yung commercialize na buhay yung magara ba, pero sino ba nagsabi na ganoon dapat? Kaya lang wala tayong magagawa kung yung ang naitanim sa ating utak at wala ka ng balak baguhin ito.

Pero sa totoo lang simple lang ang buhay, kung ayaw mo trabaho mo ngayon, edi mag resign ka, kung ayaw mo karelasyon mo edi mag split na kayo, kung ayaw mo na sa ibang bansa edi uwi ka na ng Pinas pero bakit hindi natin magawa? Keh may sagabal yan kung gugustuhin mo magagawa mo. Pero ang totoo nyan hindi naman kahirapan, gobyerno o pasweldo ang pumipigil sa iyo kundi sarili mo.

Kung gusto mo lumigaya madali lang yan edi paligayahin mo sarili mo. Yun nga lang ang hadlang kasi minsan ay ang ating sarili. Talagang part ng pagkatao natin yung “denial” sa una ayaw nating tangapin na talaga lang minsan takot o di kaya hindi pa tayo ganoong ka-kumbinsido na gawin ang isang bagay at ang sama nung denial ay niloloko mo ay hindi ibang tao kundi sarili mo. Ayos lang na tangapin ang kasalukuyang nangyayari na wala ka talaga magawa, dahil wala kang kapangyarihan o salapi, o di kaya naman ay dahil wala kapang sapat na lakas ng loob para suungin ang isang sitwasyon.

Kaya talagang mahalaga yung tinatawag na personal moment ng isang tao, yung mapag-isa, mag-isip-isip at magbulay-bulay para maitune-up mo yung sarili sa tono na gusto mo at kung wala kapang ideyal na tonong gustung tugtugin o  marinig ay ito rin ang mainam na pagkakataon para alamin at pagdesisyunan sa sarili mo na kung ano ba ang pipiliin mo.

Uulitin ko simple lang ang buhay parang 1+1=2 pero kung ano man ung dahilan kung bakit hirap ka na makuha o magawa yung sagot na number 2 eh panigurado ako na ikaw na ang nagbibigay ng kung anu-anong batas na nagpapakublekable para masagot ang tanung na ito.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: