Ano dapat gawin sa mga taong mahilig mang-sisi (How to manage blame game)

Bukod sa basketball, soccer, boxing o volleyball isa na sa sikat na laro ay yung blame game…

Kung ang basketball, footbal o baseball ay pang amerikano, ang soccer pang european ang blame game ay pang buong mundo…

Kalat yan! kung ang basketball makikita mo na may naglalaro sa kalsada ng tondo at kung ang soccer naman ay pang malawak na bukirin or stadium ang blame game anywhere pwede mong laruin, actually sa ayaw mo man o hindi kasali ka sa larong ito.

Paano nga ba laruin ang Blame Game?

Naku napaka simple lang nyan! Humanap ka ng isang isyu, alamin mo kung sino-sino ang mga konektado sa pangyayari at mula doon simulan mong magturo kung sino sa palagay mo ang nagkamali, dapat yung mga konektadong partido o departamento ay hindi pumayag na manatili sa kanilang nakaturo yung sisi kung hindi lalabas na sila ang dahilan ng isyu at kapag nagka-ganoon sila ang talo.

Saan ba pwedeng laruin ang Blame game?

Pwede sa tahanan, relasyon nyong mag nobyo o nobya, sa eskwelahan, pwedeng pwede yan sa trabaho at maging sa politika pwe-pwede rin!

Nakakatuwang basahin o isipin pero alam mo na may ganitong nangyayari sa buhay natin. Sa trabaho ko dapat marunong ka na i-manage ang blame game kapag alam mong ang mga tao na ka-deal mo ay gustong maglaro nito.

Sa totoo lang sa tagal ko ng nilalaro itong Blame Game wala pa akong taong nakitang nanalo… kasi ang larong Blame Game ay laro yata ng mga immortal, walang katapusang debate, pagkukumpara at pagpapaikot ng mga lohika sa isat-isa. Siguro palakasan lang kayo ng risistensya kung sino yung mapagod na magsasagot yun ang talo pero kapag nakapahinga ulit yung kabilang panig panigurado reresbak yun at yung niresbakan ay magiging alangan. So kung iisipin mo its not about quality of reason or logic and mostly its not about a desire to know what is the truth! But its all about the EGO.
Wala namang taong gustong masisi pero may mga taong mahilig mang-sisi. Alam naman ng lahat na hindi okay yung ganun pero bakit nga ba may mga taong ganito? Simple lang ang sagot nito para sa akin yun ay dahil hindi nila matangap yung responsibilidad at posibilidad ng mga ideyang solusuynan para sa mga bagay-bagay at isyu.

isa pang tanung… na kung saan para sa akin ang sagot sa tanung na ito ay napaka-importanteng maging malinaw sa kanino man para ng sa gayon ay hindi siya mapangibabawan ng takot dahil “baka masisis sya”

una sa lahat linawin muna natin ang ilang katanungan tungkol sa sisi or blame…

Ano ba mangyayari sa iyo kung sakaling matalo ka sa blame game, yung tipo bang ikaw na halos ang itinuturo o sinisisi ng lahat…

Una dapat laging maging malinaw sa iyong isip na ang “sisi” ay isang paratang… maari na may mga ibidensya o dahilan silang masasabi pero bago ito mapatunayang tunay ay dapat muna dumaan sa mga paglilitis… Hindi ganoon ka-simple ang paglilitis o pagsusuri sa isang argumento, kasi minsan nagkakatalo tayo sa mga interpretasyon, maaring para sa iyo masama yung ginawa niya samantalang para sa kanya ay likas lang ang ganoong gawain… malalim at dapat maingat ang paglilitis o pagsusuri bago mo bigyan ng hatol ang isang argumento, kaya nga naiintindihan ko na ngayon kung bakit may kabagalan ang batas kung minsan, ito ay para talagang matuoos kung ang argumento ay siyang tunay, syempre mabilis dapat malutas ang isang kaso kung may mga validong ibidensya na nagpapatunay na ang isang akusasyon ay tunay…… Ang haba ano? ibig lang nitong sabihin madalas ang mga blame ay hindi tunay o pwede rin namang kung minsan ay totoo pero para dito mo ibatay kung ano ang tama ay masasabi ko na mapangahas na gawin itong batayan.
Madalas akong masisi tulad ng marami, madalas o minsan mas masipag pang mang-sisi yung ibang tao kesa sa ako ang mang-sisi sa sarili ko, para ngang mas apektado pa sila sa kalagayan ko!😀 May mga ganitong tao, ewan ko lang kung kaya ba sila nagkakaganoon ay dahil sobrang pag-aalala nila sa akin o dahil nakikita nila ang sarili nila sa sitwasyon ko…

Simple lang naman ang dapat mong gawin kapag may nangsisisi sa iyo, yun ay WAG MAGPA-APEKTO…

Ganun lang! ayus din kung minsan papatulan mo at makikipagdebate ka para mabaling sa iba o palayo sa iyo ang sisi pero yung pakikipagdebate ay parang cherry on top lang ng ice cream kasi may kasabihan nga sa ingles na…
“Even you won on argument, that doesent mean you convince the man” something like this yung pagkakatanda ko…
So yung magpapaluwag talaga sa damdamin mo ay hindi yung pagkapanalo mo sa debate kundi yung desisyon mo na huwag magpa-apekto…

Sabi nga diba na huwag mong gawin sa kapwa mo kung ano ayaw mong gawin sa iyo..

Ngayong nalaman mo na kung ano dapat gawin kapag sinisisi ka ay dapat mo ring maintindihan na walang mangyayari kung ikaw naman ang mang-sisisi. Maari na magmumukha kang may alam sa una pero kamalaunan malalaman ng iba o ng sarili mo mismo kung meroon ka nga ba talagang “alam”…
Isa pa wala akong alam na problemang nalutas dahil nangsisi… Nag-expose ng mga katiwalian marami akong napanood sa TV at dahil sa kanilang pag-eexpose nagkaroon ng aksyon pero hindi ito angkop sa kategorya ng “paninisi” kundi mas pasok ito sa “pag-babalita”.
So yun lang ang pinaka Rock Bottom ng artikulong ito… WAG MAGPA-APEKTO!!!

 

 

 

 

 

 

One Response to Ano dapat gawin sa mga taong mahilig mang-sisi (How to manage blame game)

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: