Palit LAPTOP mula DELL INSPIRON PAPUNTANG MACBOOK PRO

Isa sa mga pinagkaabalahan ko nitong mga nakaraang lingo at buwan ay ang sanayin ang aking sarili sa pag-gamit ng MACBOOK PRO laptop, bale ang laptop na ito ay ginawa ng MACINTOSH na mas madaling makilala sa pangalang APPLE, sa kanila nangaling yun cellphone na iPhone at ganun din yung iPad.

Tulad ng inaakala ng marami ay hindi madaling mag-ari ng MACBOOK na laptop dahil mahirap makakuha ng mga softwares program nito na kung saan ay medyo sasangayon ako dito.

Pero kung meroon ka namang pagkakataon na makapag-internet ay wala ka na gaanong pupublemahin dahil ang isa sa kagandahan dito sa Apple product ay marami kang forums na pwedeng makuhanan ng impormasyon kung papaano mo reresolbahin ang isang publema patungkol sa iyong MACBOOK PRO, isa na nga dyan yung tungkol sa mga softwares halimbawa ay kung saan ka makakapag-download ng libreng softwares na counter part ng MS Office.

Nakakapanibago yung trackpad ng MACBOOK PRO kasi kung ikukumpara ko yung DELL INSPIRON ko ay masasabi ko na may kalayuan ang pagkakaiba, isa dito yung tinatawag na GESTURES, ano ba yung GESTURES? ito yung porma ng iyong mga daliri kung papapaano mo kakalabitin yung trackpad, kung tatlo, apat o limang daliri ba dahil sa bawat form or gestures may mga shortcuts kang magagawa sa MACBOOK PRO na kung saan sa tagal kung gumagamit at nagpapalit-palit ng mga laptop at netbook ay wala pa akong nararanasang ganitong ka-cool na specs…

Pagdating sa screen display ay talagang hands down ako sa MACBOOK PRO from being vibrant, alive, sharp, clear and most of all yung accuracy ng kulay ng bawat litrato na kung saan sa mga pag-eedit at pag-eenhance ko ng mga litrato ay talagang para sa akin ay importante. Kung pagblo-blog ang pinaka layunin mo sa pagbili ng laptop siguro para sa akin ay MACBOOK ang pinaka swak na iyong ariin, kasi sa mga blogger importante yung screen display at keyboard, syempre yung processor dapat mabilis rin, yung akin ay i7, screen is 15 incher.

Sa mismong Operating System naman nito ay masasabi ko na kung ikaw ay isang average user ng laptop ay wala ka na sigurong iba pang hahanapin maliban nalang sa pagdodownload mo ng mga video players dahil sa standard OS ng MACBOOK PRO ay limitado ang mai-pleplay mong uri ng video.

May mga kaibahan rin sa keyboard operations maging sa functions ng mouse or trackpad. Sa MACBOOK ay hindi uso yung right click kundi yung double finger na click, walang “Cut” sa MACBOOK PRO kundi Copy and Paste lang talaga. Astig yung print screen ng MACBOOK PRO, di tulad sa WINDOWS 7 or below version pag nag-print screen ka ay lahat ng screen talaga ang maka-capture mo pero sa MACBOOK may mga pagpipilian ka, kung gusto mo yung mismong window lang, pwede rin yung maliit na bahagi lang ng screen o di kaya nga yung buong screen.

Sa mismong hardware, keyboard, trackpad at yung kabuuang laptop ay solve na solve ako sa porma at pulido ang pagkakagawa. Limitatdo lang siya sa mga ports like USB na dalawa lang ang saksakan, wala siyang HDMI at yung kanyang microphone plug ay kailangan mo ng booster device para magamit mo yung external mic na nais mong gamitin.

Dati sabi sa akin ay mas simple daw gamitin ang MACBOOK na kung saan hindi ko sila ma-gets kung papaanong madali? kasi namulat na tayo sa mga Window base computer edi di ba dapat mas madali yung kinamulatan mo pero nitong nakabili na nga ako eh ngayon ko na-gets na oo nga mas simple siya pero medyo hindi ko pa matantya kung papaano ipapaliwanag sa salita…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: