HINDI LAHAT NG TAO MAKAKAINTINDI SAYO NG LUBOS

Isa sa Facts of life ay hindi lahat ng tao ay maiintindihan ka ng lubos. Maaring tatango iyan o aayon pero kamalaunan madidiskubre mo na hindi niya gaano talaga “get’s” yung sinasabi mo.

Bakit ko nga ba ito sinasabi?

Pra ito sa lahat ng tao mapa empleyado, estudyante, negosyante lalung-lalo na kung isa kang artist keh manunulat, artista, singer, rapper, pintor, mang-uukit, manghuhulma atbp.

Kaya huwag mapigilan kung may nais kang sabihin o ihayag at sa tingin mo eh hindi maiintindihan ng marami dahil given na iyan… Ilan bang mga kinikilalang matagumpay na tao ngayon sa kani-kanilang larangan na nung sila ay nagsisimula pa ay maraming hindi nakakaintindi sa kanila kung bakit nila gusto pang ipag-patuloy yung ginagawa nila kahit buhay pa ang kapalit? nahihirapan intindihin ng mga taong nakapaligid sa kanila not until the result came in…
minsan kasi hindi rin madaling magpaliwanag, Madalas kung minsan na may mga gusto tayo pero hindi natin maihayag ng sakto sa salita, kung minsan sobra o kulang.
Bakit nga ba natin kasi kailangan ng taong makakaintindi sa atin? Para makakuha tayo ng suporta o di kaya sa ibang salita ay “Approval”!

Ayos namang kumalap ng suporta at malaman na ang ibang tao ay approve sa kung ano paniniwala o gusto mo pero tandaan natin na ang unang-unang tao na dapat nating makuhanan ng suporta at approval ay ang ating sarili… tayo ba mismo sinosoportahan kung ano ang piniling desisyon o ikinabubuhay natin ngayon? tayo ba mismo ay sang-ayon sa kung anung pinili nating maging sino tayo ngayon sa kasalukuyan? tanung mo sa sarili mo na “ako ba” o ikaw ba approve sa iyo ang mga desisyon mo?

Kung ang sagot mo ay “oo” yan lang halos talaga ang kailangan mo pero kung hindi eh may malaki kang problema.

Kasi kung panay ka nalang nakadepende sa sasabihin o opinyon ng iba kamalaunan mapapansin mo na lang na ikaw mismo ay walang tiwala sa iyong sarili, ikaw mismo pinagdududahan mo ang iyong mga desisyon which para sa akin parang ang lala na ng ganitong sitwasyon.
Mainam na maging paala-ala sa atin ang ganitong kaisipan ng sa gayon ay iwas dismaya o bad trip… hindi ganoon basta lang makaintindi ng lubos o di kaya ay magpaliwanag kung kaya sabi nga sa biblya ay “judge not” dahil kung magkagayon ang sukatan na gagamitin mo ay siya ring gagamiting sukatan pabalik sa iyo… Kaya kung magpapaliwanag ay iwasan yung “assumption” or yung “akala” halimbawa ay yung kaisipan na “akala ko common sense na iyon” pero yun palang common sa iyo ay hindi common sa kanya…

Hindi ko rin naman ibig sabihin na magkaroon ka ng conflict sa lahat, basahin mo mabuti na mayroong salitang “LUBOS” sa huli ang pamagat ng artikulong ito… ibig sabihin maaring may ideya sila kung ano sinasabi mo pero yung mismong nakakaintindi kung bakit mo ginagawa ang ginagawa mo ngayon ay hindi halos lahat ay ganoon.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: