ANG MGA MANUNULAT AY TAO LANG RIN

Nasabi ko ito para lang sana makapag-ambag ng isang uri ng artikulong susubok magpaliwanag kung bakit minsan may mga naisusulat na medyo malayo sa katottohanan.

Ang mga dyaryo, libro isama narin natin ang magazine at tabloid ay mga materials noon na pinagkukunan ng impormasyon at madalas itoy ginagamit na reference o katibayan sa pag-gawa ng isang istorya, conclusion o argumento.

Kaya hindi malayong maging mataas ang tingin
natin sa mga nasusulat sa dyaryo, libro atbp.
Nakakapanghina minsan na malaman na ang isang libro, dyaryo etc. na pinaniwalaan mong totoo ang mga nasusulat ay mali pala…

Madalas mangyari ito sa dyaryo, akala natin masama ang isang tao pero sa huli hindi pala.
Malalaman mo nalang na ang inaakala mong mabuti
ay masama pala.

Siguro impluwensya ng pera at kapangyarihan
kaya ang manunulat ay kahit labag sa kalooban
nya ay isinulat ang isang imbentong artikulo.

Ituring nating isang lutong pagkain ang mga
libro, dyaryo atbp. babasahin. Take your risk
ika nga, kumbaga sagot mo sarili mo kapag kumain
ka sa labas, sa turo-turo o kahit ba sabihin mo
pang restaurant iyan, hindi natin lubos na nalalaman kung ang mga ginamit nilang sangkap ay malinis o sariwa pa. Kumbaga sa babasahin hindi mo matiyak kung ang artikulo o librong naisulat ay ginamitan ng validong impormasyon o baka kathang isip lamang, kung kayat mas mainam parin talaga yung sariling sikap, sariling kayod sa pagbasa at pagsusuri ng impormasyon, kumbaga sa pagkain iba parin yung lutong bahay.

Kung minsan naman may mga manunulat na sila mismo ay nakakataliwas sa kanilang sinulat, halimbawa yung manunulat tungkol sa kalusugan ay kung minsan makikita mo na siya’y nawiwili sa pagkain ng mga matatabang putahe. Wala tayong dapat ipag-taka kasi kumbaga sa isang Chef Cook may mga pagkakataon na siya mismo hindi nya trip yung niluluto niya.
Sabi nga doon sa rap song ni Loonie… Tao lang…

Kaming mga manunulat keh sa dyaryo, blog o libro may mga pagkakataon na yung mga payo namin ay kami rin mismo ang tumataliwas, minsan naiisip rin namin na ang ideya namin ay hindi angkop sa mga partikular na pangyayari dahil sa mga kakaibang sitwasyon naming dinadanas pero hindi naman ibig sabihin nito ay dapat na kaming husgahan o patigilin sa pag-sulat. Dahil malakas ang pakiramdam ko na hindi lang mga manunulat kundi lahat ng artist kung minsan o madalas kinababadtripan nila ang kanilang sariling mga obra o kinokontra ang mga sarili nilang philosopiya, hindi dahil sa wala silang paninindigan kundi ganun ang buhay, lahat tayo ay expected na magbago keh ang pagbabago na iyan ay pababa o pataas at sa mga pagbabago kung minsan kung ano yung sa panlasa natin dati ay matamis ay pumapait at kung ano yung mapait dati ay tila nagiging masarap…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: