ANG AYOKO SA GRADING SYSTEM

Bakit nga ba ang hirap sundin yung kasabihang “past is past?” paano kasi kinder garden palang tayo ay itinatak na sa isipan natin na…

You are measured by your past!

Hah? Panu yun?

Oh di ba? Tuwing magbabago ang taon at tataas na ang level mo sa elementarya at Highschool di ba nag-iiba-iba ng SECTION? May Section 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 % ^ & ??????

Pag matataas ang grado mo aba dito ka sa section 1 o sa 2 pero kung hindi dun ka sa mababa na section o di kaya sa tig-double digit.

Gusto nating matuto yung mga bata na huwag maging materialistic or mata-pobre pero tignan natin kung anu yung epekto nung school sistem natin. Ang isang estudyante ay otomatikong nahuhusgahan sa marka na kanyang natatangap. Para bang may psychological scar yung mga grado, tipong dala-dala mo na ito habang nag-aaral ka, kapag nakakuha ka ng mababang marka sa math eh yun na ang magiging kakilan-lan mo at parang wala ka ng karapatang mag-bago. Alam ko na ang layunin ng grado eh mamonitor ang performance at makita ng bata ang kanyang sitwasyon at malaman niya kung ano ang mga dapat baguhin o gawin at sana nga ganito ang maging takbo ng sistema.

Hindi lahat ng may gradong 74 sa class card ay mahina ang ulo kung minsan o madalas ang mahina ay yung nagtuturo. Hindi malayo na sumablay yung nagtuturo sa maraming mga estudyante kasi tayong mga tao ay may ibat-ibang natural ways para matuto, may mga taong madaling maka-pick-up thru sounds or verbal instruction, may mga mas comportable sa visuals or combination ng visual at verbal. Hindi madali sa taong comportable sa verbal na mag-aral o turuan sa pamamagitan ng visual methods, kumbaga para bang gusto mung turuan yung taong kumportable sa tagalog na wika pero pilit mo naman siyang ini-ingles.

Hindi masa-satisfied ng isang guro ang bente, trenta o mahigit pa sa kwarentang estudyante sa iisang silid. Dahil tayong mga tao ay may ibat-ibang interes, kung magkukuwento o magtuturo ang isang guro sa mabagal na paraan, maraming aayon dito kasi madaling sundan pero marami rin ang di-sasang-ayon dahil sa bagal nito ay naantok sila. Iisang paraan lang magkakakonekta ang mga estudyante yun ay walang iba kundi sa pananakot ng guro na bibigyan ka ng mababang marka kung hindi ka makikisama o magpapangap na nage-gets mo siya.

Para sa akin ang pinaka overated na ratings sa buong mundo ay walang iba kundi ang class-card. Daig pa nito yung mga advertisement sa TV. Kasi ipinapaisip sa atin na kapag mababa ang nakuha mo sa class card it means something is wrong to you, o di naman kaya ay aakalain ng mga tao na napapariwara na ang buhay mo at yung mga may mga nubenta pataas na grado ay talaga namang parang VIP ang trato sa kanila, kasi umaasa sila na ang taong ito balang araw ay magiging mayaman o matagumpay sa buhay.

Kung totoo iyan aber sino ba sa mga kinikilala nating mga matatagumpay na tao ngayon yung may mataas na pinag-aralan at masasabi mong successful sa buhay? YAn ba yung mga taong laging top honor sa eskwela mula kinder hangang kolehiyo?

Si Steve Jobs at Bill Gates di bat mga kick-out sila sa eskwela? Pero hindi ba sila mayaman ngayon? Hindi ba sila pwedeng matawag na matagumpay sa buhay? Obviouse naman ang sagot diba?

Si Einstein sabi nila tanga daw siya pero di bat siya ang isa sa mga tinuturing na Father of Science?

Siguro kung makakaklase mo ang mga taong ito sasabihin mo noon eh wala silang mararating, pero the truth is this… most of the so called successful rich and famous people in the world are either no formal education, self-educate or kick-outs. Eto pa matindi… guess who!? ang kanilang mga ala-lay? Mga taong nagtapos sa matataas na eskelahan at may mga matataas ring grado. ….WOW di ba?

Ang sa akin naman ay hindi ako kontra sa mga class card or transcript na iyan dahil kahit papaano nakakatulong yan para maging sistematiko ang mga pagproproseso sa pagpili ng mga qualified na empleyado pero panawagan ko lang sa mga kapwa ko, isipin nating hindi malilimitahan ng mga gradong ito ang kapasidad pangtao natin, itoy isang papel lang na kung saan nakasulat ang ilang opinyon ng mga tao at hindi natin tiyak kung papaano nila ito sinukat, kahit kailan wag nating hayaang maging balakid ito ng ating pagtitiwala sa sarili at mga pangarap sa buhay.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: