BAGO KA MAGPAKAMATAY BASAHIN MO ITO…

Kung binabasa mo ang artikulong ito ay marahil kung hindi sa may balak kang magpakamatay ay maaring dumating rin sa punto ng buhay mo noon na suko ka na sa mga responsibilidad at hamon ng buhay, at nagpapasalamat naman ako dahil buhay ka pa katunayan ay binabasa mo nga ito ngayong artikulo ko at hindi itinuloy ang balak na pag-tsugi sa sarili.

Kapag naiisip ko yung ideya na pagpapakamatay, hindi dahil gusto ko kundi dala ng curiosity ay naaalala ko yung taong ikwinento ni Anthony Robbins sa kanyang libro na kung saan may tao siyang sinasabi na naaksidente sa eroplano, halos naparalisa ata ang kalahating katawan at nasunog ang buong katawan. Sa iba parang katapusan na ang ganitong scenario pero sa madaling pagsasalay-say ang taong iyon ay muling bumangon sa buhay at nagkaroon pangang magkaroon ng mataas na katungkulan sa politika.

SAbi ni Tony Robbins nasa tao lang daw talaga kung papaano tignan ang mga sitwasyon sa buhay… kumbaga yung iba na tinatamaan ng malaking problema inaakala nila na katapusan na ng lahat pero ang iba para sa kanila simula pa lang…

Alam mo hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa artikulo na ito, hindi ko alam kung kaninong storya ang huhugutin ko para maging basehan at makumbinsi ka na kalimutan ang planong pagpapatiwakal…

Ang akin lang sana bigyan mo pa ang sarili mo na manatili dito sa mundo, pwede ka namang tumakbo at tumalikod sa hamon o problema kung sa tingin mong hindi ka pa handa pero huwag yung pagpapakamatay…. Suggestion lang ha… bakit hindi kaya yung lakas ng loob mo na bawian ang sarili ng buhay ay gamitin mo ang lakas ng loob na iyan para solusyunan ang problema mo? Gamitin ang lakas ng loob na iyan para tangapin ang katotohanan? Katotohanan na maaring nabigo ka, katotohanan na maaring naging pabaya ka, katotohanan na Tao ka lang.

Marami ang nagpapakamatay dahil daw sa kahihiyan, sabi sa isang libro o artikulo na nabasa ko mas hindi matatangap ng tao ang kahihiyan at mas kaya pang bawiin ang buhay…. How ridiculous is that! Pero pansin ko parang totoo…

Uulitin ko, hindi ko alam kung ano ang eksaktong kalagayan mo pero tulad mo rin noon nakaharap rin ako ng mga mabibigat na suliranin, siguro nga mas mabigat ang dinadala mo ngayon at maaring totoo na napaka bihirang tao ang nasa kalagayan mo kung kaya hindi mo rin alam kung ano ang gagawin mo pero ang akin lang Pare o Mare! Bago mo tuluyang i-shutdown ang katawan mo ay subukan mo munang mag CTRL+ALT-DEL at baka mula doon baka magawaan mo ng solusyon para maayos yung bug mo sa iyong program sa buhay.

Walang halong biro pero sana wag muna ngayon, madaling magpakamatay pero mahirap mabuhay ang sabi nila pero posibleng mamatay ka habang nabubuhay ka  yung tinatawag na living dead, hindi yung zombie kundi yung buhay ka pero parang wala lang, sinasayang mo yung oras sa mga bagay na hindi mo naman gusto… pero wala pa akong naririnig na nagsasabing nabuhay habang patay pa siya…

Kung ako ikaw sana hwag ka munang sumuko… dito ka muna, and may prayers and hope I share to you…

Live life!

God and Rocky Love’s you

One Response to BAGO KA MAGPAKAMATAY BASAHIN MO ITO…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: