KEH VEGETARIAN KA O HINDI MAMAMATAY KARIN

Good news! Sa panahon natin ngayon marami na yung mga taong nagiging mas maalaga sa kanilang katawan. Nariyan yung bawas ng kanin, tamang ehersisyo at balanseng gulay at karne. Pero may mga tao rin na nagsasabing mas mainam daw kung puro nalang gulay ang kakainin ng tao, medyo mahirap talaga kung sa una pero sabi nila in the long run ay mahusay ito.

Para sa aking personal na karanasan, sinubukan ko ring mag vegetarian or frutarian ng isang buwa o mahigit pa at masasabi ko na mainam talaga sa katawan kung magagawa mo na halos ang buong diet mo ay puro gulay at prutas lalo na kung walang softdrinks at puro tubig lang, ang una kung napansin ay yun maaliwalas ng kaisipan at magaan na pakiramdam. Syempre medyo mas madali kang magutom at pag medyo kulang ang iyong kinain ay mabilis kang mang-hina. Gusto ko talaga na ipag-patuloy ang ganitong buhay pero aaminin ko na nasanay rin ako sa karne lalo na yung pritong baboy. Hindi naman sa di ko kayang alisin sa menu ko yung karne, kasi appealing naman ang benefits na makukuha ko kung walang karne sa menu ko, nariyan yung low risk daw sa sakit at weight loss. Pero tanung ko sa sarili ko bakit ko ba gagawin ang ganitong sakripisyo sa pagbabago? Para ba maging maayos ang kalusugan? Bakit? Ibig bang sabihin yung mga kumakain ng karne eh hindi maayos ang kalusugan? Well I doubt.

Sabi ko sa sarili ko kung gagawin ko ito para mapangalagaan ang aking katawan ay masasabi ko na hindi ako kumbinsido sa magiging kapalit na hinihingi ng ganitong uri ng pamumuhay… yung buhay na walang karne… Kasi hindi naman ibig sabihin kapag gulay lang ang kinakain mo ay magiging immortal ka na… mamamatay ka rin.

Wala akong isyu sa mga taong Vegetarian ang akin lang sinasabi ko sa artikulong ito ang punto vista ng mga taong tulad ko na kaligayahan ang kumain ng karne… Kahit ano pa ang sabihin natin totoo na masarap kumain ng grilled steak, crispy pata, sisig, bulalo, inihaw na baboy at lechong baboy. Sabi nga walang nakakaalam kung kelan at ano tayo mamamatay so kung ganoon ibig sabihin walang matibay na kasiguraduhang mabubuhay ka nga talaga ng mahaba kapag di ka kumain ng karne.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: