ANG NAKAKALITO SA UGNAYAN NG PAG-IBIG AT ATENSYON

Marami ng nagtanung kung ano ang pag-ibig at narinig narin natin na ang pag-ibig ay mabuti, mapagbigay at walang halong masama atbp. Pero noon may nabasa ako na ang pag-ibig ay may malaking kaugnayan sa attensyon…

Maipapadama daw ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng attensyon… ang isang tao o bagay na binibigyan mo ng attensyon ay siguradong itoy iyong mahal. Ganun kasimple tignan yung isang scenario ng pag-ibig pero may isa pang sitwasyon ng pag-ibig na medyo kumplikable at sa pagiging komplicable nito maaring maligaw tayo o maguluhan sa ating nararamdaman.
Halimbawa nalang sa buhay empleyado, hindi mahirap intindihin na kaya nagtratrabaho ang mga tatay na katulad ko ay para may magamit na pang-gastos sa pang-araw-araw na panga-ngailangan ng pamilya niya, pero kung ang mangyayari ay mawawalan na ng panahon ang isang Ama para sa kanyang anak, lumalabas na hindi niya ito ganoon kamahal, alam ko na may hindi sasangayon dito dahil paano nga naman magkakaganoon iyon? eh di ba nga kaya ka nagtratrabaho ay para sa kanila? para matustusan ang pangangailangan? Pero teka ano nga ba pangangailangan ng isang pamilya?

Kuryente
Tubig
Internet
Transportation
Pagkain
Shelter
chichiria
budget for shopping
budget for travel
Education

How about attention? I mean how about love? of course everybody will agree on that but the question is ano ba ginagawa natin para matustusan ito?

Hindi lang ito basta applicable sa Parent child relationship but also to couples relationship… kaya nga kung minsan marami yung nasisira sa long distance relationship dahil sa relasyon malaki yung factor nung physical na attensyon, ngayon kung sa parte na iyon ay hindi ka nakapag deposito ng sapat na pondo sa huli di malayong mabankrupt ito at tuluyang magsarado ang inyong pagtatambalan.

Kaya yung sacrifice at being passive ay malaking banta sa lahat ng relasyon.

Sa sakripisyo para sa akin hindi ito ideal kasi nga in order to love others you must love your self first, of course there are times that sacrificing is a good choice pero dapat piliin natin ito kung talagang ito nalang ang dapat piliin at hindi gawing prior option.

Sa being passive, hindi ko ito sinasang-ayunan kasi dito nagsisimula yung pagiging un-appriciative ng bawat tao sa loob ng relation mapa magulang-anak o nobyo-nobya.
ETO YUNG NAKAKALITONG SCENARIO
Ginagawa mo yung isang bagay dahil mahal mo yung isang tao, binibigay mo ang attensyon sa iba tao/bagay para makuha mo ang isang bagay para mapagamit mo sa totoong mahal mo. Pero kamalaunan yung totoong mahal mo ay hindi na nararamdaman na mahal mo nga siya, pero alam nyo na ginagawa mo/nyo ito dahil importante kayo sa isat-isa pero sa kabila ng malinaw na logic na iyon nakakaramdam parin yung totoong mahal mo na parang in some way you dont love him/her. Nakakalito ba?

Ganito yan e, ibahin natin ang kwento…
Halimbawa isa kang hardinero at may dalawa kang paso isang pula at isang asul. Gusto mo yung pasong kulay pula na mataniman ng isang uri ng halaman na mamahalin… let say halimbawa rosas… pero bago mo magawa iyon kailangan mo ng pera, ngayon ang isa sa naisip mo ay magtanim ng isang uri ng halaman sa asul na paso at yung halaman na iyon kapag tumubo o namunga ay siya mong ibebenta at yung napag-bentahan ay gagamitin mong pambili ng mamahaling halaman na itatanim mo sa pula na paso. Lahat naman tayo alam na kapag nagtanim ka kailangan mo ng oras, effort o sa madaling salita ay attensyon sa pagtatanim, kailangan mo yang alagaan. Ngayon fast forward natin, ito at namunga na ang asul na paso at ang pulang paso ay wala paring naitatanim, at ngayon tatanungin ka sino sa dalawang paso ang mas importante sa iyo? yung pula o asul? Kung isasagot mo ay yung pula papano nasabi iyon eh hindi mo naman ito nabigyan ng attensyon o pag-aalaga? at ngayon kung sasabihin sa iyon na tigilan mo na ang pag-aalaga sa asul na paso magagawa mo bang tigilan ito? maaring sasabihin mong hindi kasi may goal ka na maibenta yung halaman para sa pulang paso.

 

Dito nagkakaroon ng kalituhan sa mga relasyon lalo na kapag sangkot yung topic na goals at trabaho. Minsan mahirap intindihin na mahal ka nga pero wala naman sila sa tabi mo, pero dapat na malaman mo na maaring mayroon lang silang misyon na tinatapos na kailangan nilang matapos para mapunan nila ang responsibilidad niya sa iyo. kumbaga baka kailangan lang nilang makabenta sa asul na paso para yung napagbentahan na iyon ay magamit sa iyo o sa inyo.
ETO YUNG TWIST

Meroon rin naman kasing storya na may mga inibig na yung asul na paso at para sa kanila nawala na yung interest na taniman pa yung pulang paso. Kaya lang ang tanung ko sa mga nagmamay-ari nung asul na paso ay para saan nyo gagamitin yung bunga ng asul na paso?

kumbaga yung iba tuluyan na silang na-inlove sa kanilang profession o titulo pero tanung ko lang saan nila gagamitin yung mga nakamtan nila sa kanilang titulo? kumita ng maraming pera? saan mo gagamitin ang pera? hindi magagamot ng pera kapag nag-iisa ka lang at alam mo na ang mga taong nasa paligid mo ay naririyan lang dahil sa binabayaran mo sila. O baka naman gusto mo lang mag-lingkod sa bayan? pero paano mo magagawa yun kung sarili mo ay hindi mo maalagaan? lahat tayo kailangan natin ng iibigin at umiibig keh mapa magulang, nobyo-nobya, anak, kaibigan, pinsan etc.

 

Pero minsan talaga nangyayari na mas mainam nalang na mahalin mo yung asul, kasi nga yung pula bumigay na… pero hindi naman ibig sabihin tapos na ang lahat dahil maraming pulang paso sa mundo. Yun nga lang hanapin mo yung taste mo.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: