IBAHAGI MO ANG IYONG KAHIHIYAN

Sabi nila tunay mong tangap ang buong pagkatao kapag kaya mo nang maibahagi ang mga nakakahiyang sandali sa buhay mo.

Marami akong mga nakakahiyang sandali pero lahat yun kaya kung maimanage or kayanin. Pero ang isa sa mga hindi ko makaya ay yung pag-gawa ko ng isang kantang wala talaga sa tono and imagine isa pa itong rap song. Na kung saan ayon sa iba ay mas madaling sabayan dahil nakatutok ka lang sa tyempo ng tugtog.

Ang tinutukoy kung kanta ay yung “Masarap Paring manirahan sa Pinas”  kaya ko naman ito ina-upload sa youtube ay para mawala yung doubt ko na baka makagawa ako ng pangit na kanta so ayun kahit hindi pa pulido sa sarili kung panlasa ay pinakawalan ko na sa internet na kung saan maraming mga posibleng makapanood nito. Actually that time para sa akin maganda ang dating nung kanta, kung papakingan mo naman ng maigi ay talagang may sinasabi ang awitin na iyon, pero syempre tayong mga tao mas una nating naririnig yung mga beats at effects ng boses.

Ganun pa man marami akong mga pinagpapasalamat nung nai-upload ko ang kanta na iyon. Dahil dun mas lalong lumawak yung pang-unawa ko sa mga producer ng kanta… Mahirap gumawa ng kantang papatok sa masa kasi tsambahan lang pero masarap at madali lang gumawa ng awitin kung ang iyong layunin ay nakatuon sa pagsisiwalat mo ng iyong nararamdaman… Dito ko lalong naappriciate kung bakit sinabi ni Kristo na JUDGE NOT! kasi maaring yung isang awitin na masakit sa ating pandinig pero kung itutuos ay tayo pala ay hindi tunay na nakikinig sa kabuuan ng awitin.

May mga kanta na akala natin puro ingay pero naghahayag pala iyon ng kalayaaan o di naman kaya may mga kantang ang sarap sa tenga akala mo love song pero unfaithful na kanta pala.

Sabi nga ni Tupac noon

“Dont just bob your head to the beat, LISTEN to what it say’s”

Nung una akala ko sinasabi lang nya yan para makinig tayo sa kanta nya… pero kamalaunan napag-alaman ko na yung salita na madalas mong marinig hindi mo namalayan na ito na pala ang tinatangap ng subconciouse mind mo at ito narin ang magiging likas mong paniniwala…

 

Kaya nga Tanung ng iba sa isang kanta ano importante sa iyo? yung tugtog ng instrumento o yung sinasabi ng liriko?

Aaminin ko na may mga kanta akong wala sa tono pero matibay at kasing liwanag ng araw ang mga liriko ko.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: