Minsan gusto mo lang sumulat

Minsan gusto mo lang sumulat ng kahit anong napagtripan mo lang, at ilathala ito sa blogsite
na kung saan maaring makita o mabasa ng milyong-milyon na tao.

Nagtanung ako bakit kaya? Kailangan ko lang siguro ng attensyon pero bakit kaya?
Sa mga libro kung nabasa patungkol sa pag-ibig ang sabi ay ang isa sa paraan para mapakita mo ang pag-ibig ay sa pamamagitan ng iyong attensyon. Kaya siguro masarap ang pakiramdam kapag may mga nakikinig, dumadamay o sumasama sa iyo siguro yung epekto noon ay ang tinatawag na pag-ibig.

Sa mga manunulat na katulad ko ramdam namin ang pag-ibig kapag nakakakita kami ng mga comments, kahit pa medyo sablay ang feedback ay maiko-consider parin naming iyan ay magandang pangitain… dahil sabi nga ni Common Sense na isang kilalang Rapper sa America
kapag nakatangap ka ng mga hate reactions sa iyong mga ginawa o isinulat, ibig sabihin lamang nito ay may nakikinig sa iyo, mayroong nanonood….

Nahihiya na nga ako minsan maglathala dahil ilang beses ko na ba sinabi noon na akoy magbabalik na sa pag-blo-blog pero hangang ngayon ay patumpik-tumpik parin… pero sabi ko nga mas ayos na yung patumpik-tumpik kesa sa aktibo nga sa pag-popost pero wala namang laman ang mga artikulong nilathala.

Sa panahon ngayon malaya na ang mga taong ibulalas ang kanilang nararamdaman, dahil nga sa tulong ng internet at blogging.

Ngayon nga mas lalong lumawak dahil naririyan na ang twitter at facebook, kahit ano gusto mo sabihin pwede… Pero syempre iba parin kapag may wordpress ka.

Iba parin kapag talagang nag-bloblog ka. solid at mukhang ginugulan ng panahon kahit na sabihin mong medyo paloko-loko ang nagsulat pero di maitatangi na talaga namang talentado parin yung taong iyon sa pagsulat dahil sino ba ang mag-gugugol ng oras para mag-isip at magtipa sa keyboard para lamang makabuo ng isang argumento o isang pag-uulat.

Hindi ko matandaan kung sinabi ko na ito, pero ganun pa man ay sasabihin ko parin… May mga kapwa tayo na ayaw sumulat kasi hinahabol sila ng kaisipan na kailangan tama ang mga letra at pagkakaayos-ayos ng mga salita. pero sabi ko nga huwag mong isipin iyon, sumulat ka ng naayon sa gusto mo, isulat mo kung ano ang nasa puso mo, keh nakakarimarim iyan ay hayaan mong mailabas ito dahil malaki ang kumpyansa ko na magdudulot ito ng positibong epekto, na kung saan gagaan ang iyong isip, saloobin at maglilinaw sa iyong kaisipan at damdamin.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: