PAANO IWASAN YUNG BLOGGERS BLOCK

Kapag ang blog mo ay hindi mo maisabit sa ibat-ibang usapin dito sa buhay sa mundo, ito ang marahil na magiging dahilan kung bakit ka mauubusan ng ideya kung ano ang iyong isusulat. Pero kung masyado namang malawak o walang payak na direksyon ang iyong blogsite ay ganun rin ang impact nito, baka naman malunod ka sa pagiisip kung alin ang iyong pagtutuunan ng pansin.

Tira lang ng Tira

Ito yung isa sa mga kawikaan ng mga Filipino na kung saan ginagamit nila sa ibat-ibang usapin sa buhay tulad ng trabaho na ibig sabihin kumayod ka lang ng kumayod at huwag magreklamo, o di naman kaya ginagamit din ito sa mga pagkakataon na may opurtunidad na dumating at minsan lang mangyari, “tira lang ng tira” ibig sabihin ay sulitin mo ang mga sandali… pero sa usapang blog para sa akin nais kung ipabatid ay isulat mo kung ano nararamdaman mo, baguhin mo yung gusto mong baguhin, oo maaring may mga negatibong opinyon kang maririnig pero at least kahit papaano nalalaman mo kung nasaan ka… kung malayo ka pa ba sa pinupuntirya mong posisyon o malapit na…

Sa totoo lang kasi ang pag-sulat ay therapeutical, mabuti ito sa kalusugan ng tao… kung kailangan natin magpapawis para ilabas yung mga kapaki-pakinabang na hormones o tunawin yung mga taba ay kapareho rin nito ang pag-sulat, sa pagsulat inilalabas natin yung mga saloobin na nakakabigat o di kaya naeexpress natin ang ating kaligayahan, binabawasan din nito yung mga tanung na walang malinaw na sagot o di kaya mga pag-aalinlangan.

Sa tingin ko kapag kaming mga writers ay di
nakapag-sulat ay pakiramdam namin may parte sa
buhay namin yung nawala at kapag itoy hindi napalitan
ng isang hilig o gawain ay maaring di maging mainam yung magiging epekto sa aming buhay.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: