Ang issue nung mga humahanga at hinahangaan…

Mabigat sa kalooban kapag nakakadisapoint ka ng tao

at lalo na kung yung taong iyon ay isa sa mga humahanga sa
iyo, yung tipong ikaw ang inspirasyon nila, yung nagmomotivate
at nagbibigay ng pag-asa pero isang araw madidiskubre nalang
nila ang mga kahinaan mo…

..makikita mo sa kanilang mga mata
at mararamdaman mo ang pagkabuwisit na para bang akala
nila ay niloko mo sila dahil sa buong pagkakakilala nila
sa iyo ay para atang malayo sa nakikita nila sa kasalukuyan.

Para sa mga taong may mga humahanga keh artista, youtube sensation, freelance artist, blogger atbp. tandaan natin na kahit gaano man tayong kasikat o kahit marami na tayong taong napasaya, nabigyan ng pag-asa o napahanga hindi maiaalis ang katotohanan na tayo ay tao parin… Meroon tayong mga kakulangan, mga kakulangan na pwede mong punan dahil kailangan at meroon namang mga kakulangan tayo na hindi na natin binigyan ng pansin na punan dahil sa ating pagkakaintindi ayon sa ating pamumuhay ay hindi gaano kailangan bigyan ng kahalagahan.

MAy mga pangangailangan tayo na maaring importante sa atin pero hindi gaanon importante sa iba. Halimbawa nalang sa pansarili kung karanasan para sa akin hindi gaano importante ang math at mas appealing sa akin yung taong may sense of humor or highly conscious pagdating sa mga paniniwala, para masabi ko na madali kung makakasundo ang taong ito, samantalang may ibang tao na mas importante sa kanila na dapat mahusay ka sa matimatika at hindi gaano importante kung highly or low consciously aware ka na tao para makasundo niya. Imagine kung magkakatagpo kami ng taong ito hindi malayo na isipin niya o isipin ko na hindi kami madaling magkakasundo nito, hindi dahil sa may publema ang bawat isa sa amin kundi magkaiba lang kami ng basehan….
Ganun ang madalas na nagiging isyu sa mga humahanga at hinahangaan
ang mga humahanga sa mga tao na hindi nila nakakasama ng personal o malapitan
ay madalas na nakakagawa sila ng mga paniniwala sa kanilang isip na marahil malayo sa katotohanan nung taong hinahangaan nila. Sa mga artista at manunulat nalang, madalas kung minsan yung mga artistang gumaganap na super hero sa mga pelikula ang inaakala natin ay para silang santo, although mabait naman talaga sila siguro pero tulad din nga ng sinabi ko ay tao lang rin ang mga iyan, napapagod, naiinitan at umiinit ang ulo at kung sakali na matchambahan mo na low bat na sila ay hindi malayong hindi ka na nila mabigyan ng karampatang pansin na kung saan kung minsan at madalas sinasabi nating suplado o suplada sila.

Sa mga manunulat ay ganun rin, tulad ko nalang, madalas na mga isinusulat kung artikulo ay positibo, pag-ibig, pag-asa at purpose of living pero may mga parte rin naman ng buhay ko na inaamin ko na may kakulangan ako o di kaya kahit isinusulat ko ang pagiging positibo sa buhay ay may mga pagkakataon din ako na nahuhulog sa pagiging negatibo, pero hindi ibig sabihin nito na hindi totoo ang mga sinasabi ko dahil tulad nga ulit ng nasabi ko ang tao ay creature of growth and improvement, kung nahuhulog man ako minsan sa emosyong pagiging negatibo ay mas lumalawak naman ang kaalaman at pagkakaintindi ko kung ano relasyon ng negatibo at positibo, nakakatuklas ako ng mga bagong kaisipan at kaalaman paano timbangin at manatili doon sa puntong pagiging positibo sa buhay. Ngayon kung huhusgahan ako ng mga tagasubay-bay ko dahil lang sa maiksing parte ng pangyayari sa aking buhay ay para sa akin ay hindi ata patas o makatarungan.

Isinusulat ko ang artikulong ito hindi lang para magpaliwanag kundi para rin magkaroon ng ideya ang mga mamababasa kung ano ang dalawang uri ng punto vista meroon ang mga taga-hanga at hinahangaan. Dahil sa totoo lang hindi mo naman kelangan maging artista o laman ng balita sa TV at Dyaryo para masabing sikat ka. Maari sa eskwelahan, barangay, opisina o pamilya ninyo sikat ka. Wag mong maliitin iyon dahil lahat tayo ano man ang estado sa buhay nakaka-apekto tayo sa buhay ng ating kapwa, nagsisilbi tayong modelo at huwaran sa kanila, yun nga lang ang tanung eh nakakabuti o hindi ka bang huwaran? pero nasa tumitingin narin iyan at nasasakanya kung ano gagawin niya pero tayo ay dapat ding maging maingat dahil may kasabihan nga na nagsasabing kung ano itinanim mo ay ito rin ang iyong aanihin kaya maging mapagmasid at alamin hangang sa abot ng iyong makakaya kung ano ba ang iyong tinatanim at maging maliwanag sa iyo na ito ba ang gusto mo ring anihin?

Sa mga humahanga naman tandaan natin na madalas kung minsan tayo ang gumagawa ng ating mundo, ano man ang mga inaakala natin ay hindi natin dapat ikasama ng loob sa isang tao kung hindi man tugma ang kanyang totoong pagkatao kumpara sa inaakala natin. Pasalamat tayo at inangat tayo ng kanyang inspirasyon at pagpasensyahan natin o di kaya’y tulungan natin siyang makaahon kung sakaling may mga limitasyon siya sa buhay.

 

Ang minsang hinahangaan

Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: