Dear Kabataan

Kung ang edad mo ay 23 years old pababa para sa iyo ang sulat na ito…

Kamusta na ang buhay? Ako nga pala si Rocky Rivera, pwede mo akong tawaging Kuya, Tito o Tatang dipende kung anung taon mo ito mababasa. Ano na ba mga uso ngayon? lumilipad na ba mga kotse? hehehe…
ano na bang edition ng iPhone meroon ngayon?

Anyway napasulat ako sa iyo dahil gusto ko lang sanang mag-iwan sa iyo ng ilang tip tungkol sa buhay para ng sa ganoon sa edad mong 30 years old ay hindi ka magsisi sa mga panahon mo nung bata ka pa, kasi sabi ng Tatay ko madaling tiisin ang sakit pero hindi ang pagsisisi….

so kung interesado ka ay eto sisimulan ko na para matapos na ng maaga…
DI BALE NG GAWIN MO ANG BAGAY NA AYAW MO BASTA WAG KA LANG TUMAMBAY!

Nung kabataan ko sabi nila tamad daw ako pero sa totoo lang ang dahilan kung bakit mas gusto ko lang naka higa at mag playstation ay dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, wala akong dahilan para ma-inspired, wala akong idea kung ano ang purpose ko sa buhay…. buti nalang talaga at mahusay mag-push ang Mama at Papa ko sa akin at nakumbinsi nila akong makapagtapos ng pag-aaral at maghanap ng trabaho… Sa totoo lang ayaw ko ang eskwelahan kasi naboboring ako pero dahil nga sa hindi ko alam pa kung ano gusto ko sa buhay ay tinyaga ko na ito para may magawa. Ganoon rin ang pagtratrabaho, actually hindi naman ako magugutom pero dahil nga nakakatamad sa bahay at panay ang pagpapayo sa akin ng mga magulang ko ay eto nag-Saudi ako. Binalik tanaw ko kung siguro tumambay lang ako noon eh malamang ngayong mag te-Thirty years old ako ay ang laki ng pag-sisisi ko sa buhay. Kung hindi mo alam kung ano gusto mo pang gawin sa buhay ay mainam yung magbasa-basa ng mga libro, article o manood ng mga pelikula at makinig sa mga impormasyon na sa tingin mo ay makakatulong at higit sa lahat kumuha ka ng kahit na anong gawain keh ayaw mo yan o gusto mo basta ang importante dapat may gawin ka kasi madalas kapag gumawa ka ng bagay na ayaw mo o di mo gaano kursunada doon mo maiintindihan ang sarili mo kung ano ba talaga ang tunay mong gustong gawin sa buhay mo.
AYOS LANG NA MATALO KA

Sa buhay huwag na huwag kang matatakot na MATALO, huwag na huwag mong gagawing dahilan kung bakit mo hindi masundan ang iyong mga pangarap dahil nangangamba ka na baka matalo ka.

Hindi ko sinasabing sadyain mo na MAGPATALO, iba yun! ang ibig kung sabihin ay kung makaranas ka ng pagkatalo (na siguradong mangyayari yun) ay imbis na ituring mo itong kapintasan o kahihiyan ay gamitin mo itong isang kayamanan… maaring tanung mo ay paano iyon? Aminin natin sa ating mga pagkatalo o pagkakamali ay may mga aral tayong nakukuha, actually maraming aral tayong pwedeng matutunan, may mga kasabihan nga na nagsasabing TALO KA TALAGA KUNG SA PAGKAKAMALI MO AY WALA KANG NATUTUNAN pero kung meroon o marami eh hindi mo masasabing talo ka.

Para ngang ang lagay ay mas marami ka pang natutunan sa mga pagkakamali, pero hindi naman nga nito ibig sabihin na sadyain mong magkamali dahil may kasabihan nga na pwede ka namang matuto sa pagkakamali ng iba ngunit kung sakali na dumating ang sandali o pagkakataon na ikaw naman ang magkamali o magkulang o dios por santo ay magkasala imbis na itoy pasinungalingan o pagtakpan ay manapa itoy tangapin mo na nagkamali ka, yakapin mo ang iyong mga limitasyon, patawarin ang sarili at mula sa mga ito maintindihan ang mga dapat mong maintindihan.

Huwag ka masyadong magdididikit sa mga taong takot matalo kasi ang tunay na matatapang ang tunay na mahuhusay o magagaling lagi itong naghahahanap ng paraan kung papaano pa sila magpapaunlad. Kung hindi ka natatalo at walang hirap ang pagkapanalo sa iyo, marahil hindi ka na lumalago at hindi ito magandang sinyales.
ITANUNG MO MUNA KUNG ANUNG URI KANG TAO MAGIGING, KESA SA GAANO KALAKI ANG IYONG KIKITAIN…

Keh usapang empleyado o negosyo lagi mong tandaan na unang-una mong itatanung sa iyong sarili na kung sakaling pasukin mo ang isang trabaho o business ay anung uri ka kayang tao magiging? Maaring mahirap matukoy yung saktong uri ng pagkatao ka magiging pero at least magkaroon ka ng ideya kung ano… Ngayon kung para sa sarili mo hindi mo trip ay huwag mo ng ituloy ang hanap buhay na iyon. Hindi ko sinasabi na kung masama o mabuti ang trabaho ay pasukin mo o hindi, ang pinaka punto ko dito ay kung sa pakiramdam mo hindi mo kursunada o di ka kumportable sa ideal na pagkatao na kakalabasan mo ay mainam na hwag mo ng pasukin dahil sa huli ang importante ay kaya mong dalhin ang sitwasyon dahil kahit gaano pa ito kamisirable pero kaya mong dalhin ay magagawa mo itong patinuin ngunit kahit gaano katino ng iyong destinasyon pero ikaw ay irritable sa pagdadala ng uri ng buhay ay hindi malayong mapasama ka.
IKAW LAGI ANG RESPONSBALE KAHIT SAAN MO TIGNAN

Huwag kang maniwala sa iniisip mo na kung kaya ka naririyan sa partikular na sitwasyon mo ay dahil sa ibang tao. Kung ano ka man ngayon o kung ano man ang meroon ka ay dahil pinili mong mapunta riyan. Kung gugustuhin mo ay makukuha mo, madalas ng bukang bibig iyan ng marami, ito ay totoo at ito ay hindi isang kayabangan o kasakiman. Kung mataba ka ngayon yan ay hindi dahil sa masarap magluto ang Nanay mo, kung wala kang trabaho ngayon maaring mahirap ang magkatrabaho pero hindi parin iyon sapat na gawing dahilan, tandaan mo lagi na kung ano man ang gusto mo sa buhay ang unang-una mong titignan o tatanungin ay ang iyong sarili, hindi ang laman ng iyong pitaka, hindi ang batas ng mga mahal mo sa buhay o ano pa man, lagi mong lilinawin sa sarili mo kung bakit ka naririryan sa kasalukuyan mong kinalalagyan, yan ba ay parte ng plano mo o basta nalang napunta ka riyan ng walang kamalay-malay.
KUNG KAYA MONG MAGKA-ANAK NG MAAGA SIGE LANG

Medyo weird ang payo na ito pero sa totoo lang sa panahon ngayon ang buhay ng tao ay paikli ng paikli, naiisip ko kung mag-aanak ako ng mga bandang 30 years old palang ay kinukwenta ko ang aking edad eh parang masyado na akong nalalayuan sa edad namin ng anak ko, nagkaroon ako ng anak sa edad na 26 yrs. old kahit maaga-aga eh parang nalalayuan parin ako sa agwat namin mag-ama, pero ang Erfat ko at ako parang mag tyuhin lang ang agwat ng edad eh paano ba naman kasi 17 yrs. old palang ang Tatay ko nung maging anak ako. Pero cool ang may anak ng maaga yun nga lang ang malaking hamon dito ay dapat ang lalake at/o babae ay handang magpaka-magulang, hindi ko naman sinasabing full pledge na Tatay at Nanay dahil base sa mga obserbasyon ko dapat kaya paring balansehin ng mga young parents ang buhay magulang at buhay kabataan dahil kung hindi bibigay at bibigay din sila.
PAHALAGAHAN MO ANG IYONG PAMILYA

Ang Nanay, Tatay mga kapatid atbp. lahat sila subukan mong mapakisamahan ng maayos, tulungan mo sa abot ng makakaya dahil sa huli dapat pamilya parin ang magtutulungan, magdadamayan at magmamahalan.
HUWAG MONG GAWING BATAYAN ANG OPINYON, SAGOT O SINASABI NG IBANG TAO PATUNGKOL SA KUNG ANO DAPAT MONG GAWIN SA BUHAY MO… MAKINIG KA SA SARILI MO!

Isa sa mga challenges ng kabataan ay yung mapagbigyan lahat ng mga suhestyon ng matatanda.
Kasi kapag nagawa nga naman nila ito ay may papuri o di kaya ay magagandang salita ang maririnig nila.
Kala mo maliit lang na bagay pero sa isang bata malaki ang ibig sabihin nito dahil para sa kanya
parang sinasabi nito na AYUS YANG GINAGAWA MO! PAGPATULOY MO LANG! ang mag kabataan naghahanap ng
mga ideyal na pwede nilang gawing modelo sa buhay, bukas ang isip sa mga payo, suhestyon o gabay
mula sa mga taong iniidulo nila.

Pero pagdating sa kung ano ang dapat mong gawin sa iyong buhay ang dapat mo lang pakingan ay kung
ano ang sinasabi o napagdesisyunan ng sarili mo. Hindi ko sinasabi na balewalain mo ang mga opinyon o payo ng mga mahal mo sa buhay, dapat pahalagahan mo ang mga ito pero tandaan mo ang mga iyon ay opinyon at payo hindi isang utos na dapat mong literal na sundin kundi ang mag iyon ay mga impormasyon na dapat mong isama sa iyong pagtitimbang bago ka gumawa o magpataw ng desisyon. Makinig ka sa sinasabi ng iyong sarili, habang nakikinig ka rito lalong matututunan mo kung paano mo ito mapakiramdaman o mapakingan.
WALA NG SASARAP PA SA BUHAY NA MAPAYAPA AT MALINIS NA KUNSENSYA…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: