HINDI LAHAT MAKAKAPANSIN SA IYO

Ang artikulong ito ay hindi lang para sa mga kapwa ko manunulat
ngunit maging sa lahat ng tao sa ibat-ibang larangan.

Kahit gaano ka pa kagaling, kasikat, kahusay, kagwapo o
kaganda meroon at meroong mga tao ang hindi ka kilala o di kaya
ay papansinin ka…

Sa mga manunulat at blogista… itoy pakingan… ang pangunahin nating layunin kung bakit tayo sumusulat ay hindi para mapansin lang kundi para sana maging instrumento tayo na daluyan ng katotohanan, pag-asa at pag-ibig.

Masarap ang maging sikat, ang makilala ka o di kaya ay hangaan
Pero hindi mo dapat ikadismaya kung may mga taong
hindi nakakaintindi sa mga sinasabi mo, kung may mga
taong hindi sang-ayon sa mga ideya mo at kung may mga taong
hindi ka kilala… Malaki ang daigdig na ating ginagalawan
lahat tayo ay pwepwedeng hangaan at maging tagahanga o maging
pangkaraniwang nilalang lamang..

Sa larangan ng sining itoy hindi mundo ng pasikatan
o pataasan ng ihi… keh sa pagkanta, pagsulat, pag-guhit,
pag-sayaw o pagrarap ang layunin nito ay maihayag ang
iyong sarili, maging ikaw, maging malaya, magbahagi at
mabahagian ng pag-ibig. Ang Sining, sa kahit na anung larangan
ay dinadaluyan ng maigting na pag-ibig, depende nalang
kung ano ang iibigin mo… kapayapaan o karahasan.

One Response to HINDI LAHAT MAKAKAPANSIN SA IYO

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: