PAANO BA TUMANDA NG MAAYOS

Sa susunod na taong September 2013 ay magtre-trenta na ako at ngayon ko talagang nakikita at nararamdaman kung ano ba yung pakiramdam nung tumatanda. Sabi nila bata pa daw ang 30 years old pero siguro kung ipinanganak ka ng mga taong 1970’s ay oo kasi nung mga panahong iyon ata yung edad na 30 dun ka palang sumisibol pero ngayon ang mga tao ay pa-matured ng pa-matured kung dati eh bata pa yung mag-asawa ng edad na 30 ngayon eh tamang edad nalang iyan o para sa iba ay masyado ng late kasi ang mga tao ngayon edad disisyete anyos pa lang ay nakabuntis o nabuntis na.
ANO PAKIRAMDAM NUNG TAONG TUMATANDA?

Ang nararamdaman ng taong tumatanda tulad ko ay hindi naman takot kundi pag-aalala, nag-aalala kasi baka sa huli saka niya malaman na meroon o marami pala siyang hindi nagawa noong may panahon pa siya. Para sa akin hindi patas ipag-kumpara yung narating nung mga taong ipinanganak noong 1960 sa 1970 o kahit sa mga pinanganak ng 1980’s sa 2000 kasi iba-iba ng mundo tayong ginagalawan sa mga taong iyon. Kumbaga hindi mo maipagkukumpara yung achievement ng cellular phone sa smartphones lalo na sa mga landline na telepono dahil magkakaiba sila ng gamit at mundong ginagalawan noong sila ay naunang nagawa.

Pag tumatanda ka na ay dito pumupukaw sa isip mo yung ideya ng kamatayan, yun bang narerealize mo na “oo nga pala mamamatay rin ako sooner or later” so from there ay papasok nanaman yung “pag-aalala” yung mga tanung na “naging makabuluhan ba ang buhay ko?” sabi ng iba mahirap raw sagutin yung tanung na naging makabuluhan nga ba ang buhay ng isang tao, masasabi kung mahirap kung wala kang payak na pagbabasehan, madalas na ginagamit na basehan ng mga tao ay mga second hand na standards yung tipong dapat bago ka mamatay ay maging mayaman, maging tanyag na ganito o ganyan pero kung tatanungin mo ang iyong sarili na “Sino ba ang nagsabi na dapat ganoon?” at paano ka nakakatiyak na ganoon nga dapat ang mangyari ay sigurado ako maski ikaw ay hindi mo matiyak kung sino at kung nakakatiyak ka nga ba na dapat ay ganito. Pero paano nga ba masasabing makabuluhan ang iyong buhay? Para sa akin ay simple lang, yun ay kung masasagot mo ng buong katotohanan na OO ang dalawang katanungang ito

1) Do you find joy in your life?
2) Do you bring joy to others?
Ang tanung na ito ay mula sa pelikulang Bucket List at ito ang pinili ko na masasabi kung isa sa paraan para madali mong ma-check kung nasasaan ka.

Ngayon subukan kung sagutin ang tanung na PAANO BA TUMANDA NG MAAYOS?

Una sa lahat ay tangapin natin na maaring totoo na kakaunting panahon na nga lang ang natitira sa atin dito sa daigdig pero pwede rin naman na humaba pa, ang importante kung mahaba o maikli ay ma-enjoy natin kung ano man ang naririyan.

MAGING MALINAW SA IYONG BASEHAN

Tulad nga ng sinabi ko sa pauna ng artikulong ito linawin natin sa ating sarili kung ano man ang nasa-isip natin, nalulungkot ka ba sa pagtanda dahil kinukumpara mo ang iyong sarili sa mga bata pa lang ay nakakuha na ng mga material na bagay na kung saan itoy nakuha mo sa edad na medyo matanda sa kanya? halimbawa nalang kotse or sariling bahay at lupa, nakakabilib na may mga ganitong tao pero hindi purke nagkaganoon ay dapat ka ng mang-liit sa sarili mo dahil maraming mga posibleng dahilan kung bakit nagkaganoon, oo pwede na dahil tamad ka o inaalat ka pero pwede rin na sinoportahan siya ng ibang tao o maaring mayroon nga siya noon pero wala naman siya nung meroon ka. Walang masama kung bata o sa matandang edad mo nakuha ang isang bagay pero kung ibabatay mo sa material na bagay para husgahan ang buhay ay para sa akin ay masyadong mababaw.
WALANG MASAMANG MAKIHALUBILO

Isa sa mga misleading na kaisipan ng mga tumatanda ay ihinihiwalay na nila ang kanilang buhay sa mundo, kasi daw pambata lang ang car racing, boxing at ang maki-party-party… pero sino nagsabi ng ganun? wala naman, kung may mga makasalamuha kang taong nang-di-discriminate ay intindihin mo nalang sila dahil kahit ano pa ang edad o tinapos niya ay nakakalungkot mang sabihin isa parin siyang baguhan sa buhay.
WALANG SISIHAN PARA LAHAT MASAYA

Sa mga matatandang nakasalamuha ko halos lahat naman yata sila may mga oppurtunidad na pinalampas o nasayang pero may iba sa kanila na masyadong dinamdam ang pangyayari na iyon at may iba rin naman na hindi nagpaapekto dito. Sa mga matatandang nakasalamuha ko gusto ko yung mga matatandang tumanda at tumatanda ng walang sinisisi sa buhay kasi ramdam ko na yung kanilang kaligayahan ay tunay, nasabi kung tunay kasi flawless ang takbo ng happiness sa kanila walang bumps na yung tipong malalaman mo nalang na meroon pala siyang pait na tinatago dahil sa nakaraang karanasan, naiintindihan ko naman na talagang may mga mapapait tayong nakaraan na ang sugat ay hindi madalaing malunasan, sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko na ang mga masasayang matanda ay mga taong walang pinag-sisisihan hindi dahil sa wala silang nasayang o sinayang na oppurtunidad kundi dahil tangap nila ang kanilang pagkukulang o pagkukulang ng iba sa kanila at lahat sila ay kanya ng pinatawad lalo na ang kanyang sarili.
HINDI LAHAT KAYA NATING UNAWAIN PERO KAYA NATING TANGAPIN

Nung bata pa ako sabi ko sa sarili ko pag malaki na ako I’ll figure-out life! pero ngayon masasabi ko na I guess no one can do that… Parang kamatayan, pwede mo siya mapag-paliban pero hindi mo siya kayang pigilan. Ang buhay ay kaya mo i-enjoy pero hindi mo maikukulong. May mga bagay sa buhay na kaya nating intindihin, may ibang maiintindihan natin ng paunti-unti pero may mga bagay na siguro kailan man hindi natin makukuhang intindihin. Eh ano naman kasi kung hindi natin maintindihan? wala namang masama kung tangapin nalang. Tutal nabuhay tayo dito ng ganun nalang, wala naman tayong kontratang pinirmahan at basta nalang talaga tayong sumulpot dito sa mundo, kung tutuusin ang mabuhay ay isang libreng oppurtunidad, kapag ba ikaw ililibre kailangan mo pa bang halukayin ang dahilan kung bakit ka ililibre? Sapat na siguro ang malaman mo na wala siyang hihinging kapalit at gusto lang niyang maging masaya kayo…
MABUHAY NG MAY SAYSAY

Sa mga nabasa ko ang isa sa mga nagiging dahilan ng mga nagpapatiwakal ay dahil daw akala nila wala ng say-say ang kanilang buhay. Kung minsan kasi iniisip natin ang ating kahalagahan ay nakakapit sa bagay, ari-arian, titulo, physical na katawan o sa isang relasyon. Pero ang say-say ng tao ay sa kung ano ba ang layunin/intensyon niya at ginagawa dito sa mundo. Malakas makakumbinsi na kapag matanda ka na ay limitado na ang mga kaya mong gawin, pero natanung na ba natin kung bakit? di ba’t yung mga bata nga daw ang limitado ang pwedeng gawin? kasi wala pa sa tamang pag-iisip? pero sa totoo lang keh bata o matanda para sa akin pareho lang iyan, kapag gusto mo subukan ang isang gawain na interesting sa iyo eh dapat mong gawin ito. Masarap mapagod kapag naniniwala ka na ang pinagpaguran mo ay may katuturan lalo na kung ang katuturan na ito ay mabuti.
Sa ngayon ito ang mga nakakalap kung mga impormasyon na sa pakiramdam ko ay makakatulong na gabay kung papaano tumanda ng maayos at kung may mga karagdagan man o pagbabago ay umasa kayong ilalathala ko dito mismo sa artikulong ito….

Itutuloy…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: