BAKIT MAHALAGA ANG BAGONG SAPATOS SA BASKETBALL

 

Sa larong basketball isa sa pinaghahandaan ng mga
player ay ang bagong sapatos.

Magtataka ka na bakit may mga sapatos na nagkakahalaga
ng halos P10,000 maaring sa pangalan na nakatatak dito
at masasabi mo rin na ang uri ng kalidad.

Syempre kaya tayo bibili ng sapatos ay dahil una
sa kalidad, kung gaano ito kakumportable suotin, paano
maproteksyunan ang ating paa at syempre pa kung ito
ba ay tugma sa uri ng istilo natin maglaro.
Akala ko noon parang luho ang magkaroon ka ng
bagong sapatos kada liga na iyong sasalihan
na kung saan pwede naman na luma ang isuot.

Akala ko noon parang nagsasayang ng pera yung
mga professional player nung naririnig ko na
yung kanilang mga sapatos ay inusuot lamang
nila ng isa hangang tatlong beses.

Lalo ko ng sinabing “Sobra naman iyan!” noong
napakingan ko at nabasa sa isang artikulo na
si Michael Jordan ay may bagong sapatos kada
laro… ibig sabihin yung isang sapatos
na isinusoot niya ay hindi na niya ulit isinusuot
pagkatapos ng isang laro!

Sabi ko talaga na parang sobra naman iyan!
pero kamalaunan napag-alaman ko na kung iyung
tutuusin ay hindi naman ito luho. Dahil
sa larong basketball na kung saan takbuhan at
talaga naman masasabi mo na malakas maka-upod ng
sapatos dahil sa mga stop and go na kilos.

Tanung mo siguro ay “so ano ngayon kung upod
na ang sapatos?” di bat at nagagamit mo pa naman
at naproproteksyunan parin ang iyong paa?

Sang-ayon ako doon na kaya pa nitong proteksyunan
ang paa at baka nga pwede mo pa itong maipang-porma
pero in microscopic point of view ay hindi na
kasi husay ang kanyang performance kumpara doon sa
bagong sapatos.

Masasabi mo na “kaunting diperensya lang!”
pero tandaan mo na sa laro kung minsan o sa
madalas na pagkakataon sa kakaunting diprensya
lang nagkakatalo… Alam mo naman na kung minsan
nalingat ka lang ng isang segundo eh yun na
pala ang ikinadahilan ng pagkatalo o pagkapanalo
nyo. May mga pagkakataon na isang puntos lang
ang diprensya kung bakit nagkampyon ang isang kuponan.

Sa larong basketball o siguro sa kahit saan
mahalaga ang tinatawag na “control” yun bang
kaya mong mapabilis o mapabagal ang takbo kapag
gusto mo dahil kung hindi maaring maraming masayang
na oras o pagkakataon. Sa larong ito ang isa mo
dapat ma-control ay ang galaw ng iyong paa
mapa-opensa o dipensa kung madulas ang iyong sapatos
ay tiyak na may kakalagyan ka dahil maaring hindi mo siya
mapigilan o hindi mo magawa ang pinaplano mong
galaw patungo sa opensa.

Siguro talagang bonga yung kada laro ay bago ang
sapatos at hindi naman siguro mahirap paniwalaan
iyon kung isang professional ang manlalaro na
naglalaro sa isang professional na liga.

Pero sa mga liga ng barangay o liga ng kumpanya
siguro tama na yung isang bagong sapatos sa buong
torneyo at kung magagawa mo na dalawa o tatlong
sapatos ay wala rin namang masamang nakikita dito.

DAhil naman talaga sa buhay malaking bagay yung
may control ka kahit papaano sa mga bagay-bagay.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: