LAGING NGAYON ANG TAMANG PANAHON PARA MAGSIMULA

Lagi tayong nagtatanung kung kelan ba ang tamang
panahon para simulan ang isang partikular na gawain.

Keh iyan ay para sa pagbabago o sa pagpapaunlad ng buhay…

Pabor ako sa ideya na kailangan mo ring tumiyempo
na kung saan papabor sa iyo ang panahon para ng sa
gayon mas malaki ang tyansa mo na marating ang
iyong hinahangad na destinasyon.

Pero kung minsan o madalas hindi natin matantya o matyempuhan
kung saan at kailan natin dapat simulan ang isang gawain at
dahil dito nabibinbin ng nabibinbin ang ating balakin na
pagbabago hangang sa tayo ay mawalan na ng ganang gawin ito
o pag-sawaang pangaraping makamit.

Ayaw nating mangyari ito at walang may gusto nito
kung kaya ang suhestyon ng artikulong ito ay NGAYON
mo simulan gawin ang mga pinapangarap mo, kahit na
sabihin mong bata ka pa o matanda na, may sakit o
walang pera basta kahit saan o kahit papaano simulan mo
gawin kung ano man iyon. Kung nais mong gumawa ng kanta
simulan mo na ngayong mag-isip kung ano ang iyong nais ibigay
na mensahe sa iyong mga tagapakinig at isulat ang mga liriko
na kung saan pwede mong kantahin ng pa-acapella at kamalaunan
haluan ito ng mga instrumento… Hindi lahat ng simulain
kelangan mong humakbang ng malaki, hindi lahat ng simulain
kelangan mong gumastos ng malaki at lalong-lalo na hindi lahat
ng simulain ay dapat perpekto mong maitama…

Ang kailangan mo lang ay isang malinaw na ideya kung ano ang
gusto mo ang magsimula ka ng gumawa ng mga sa tingin mo
ay dapat mong gawin para maikasatuparan mo ang gusto mo at higit
sa lahat kelangan mong gawin ang mga ito NGAYON!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: