TIGNAN MONG MABUTI KUNG ANO ANG MAGIGING MGA KAPALIT, HINDI LANG ANG PRESYO

Tayong mga Filipino automatic nating tinatanung kaagad kung ano ang presyo ng isang partikular na bagay lalo na at atin itong nagustuhan rin…

halimbawa nalang katulad ng cellphone, sapatos, kotse atbp. at kapag ang presyo ay may kamahalan madalas tayong napapaatras at napapasabi na “WAG NALANG”

Kasi nga naprogram ang ating utak na ang pera ay mahirap kitain, dapat magtipid at dapat maging wais sa pag-gastos…

Sang-ayon ako dyan pagdating sa pagtitipid at pagiging wais sa pag-gastos ng pera pero napansin ko lang tayong mga Pinoy parang wala tayong malinaw na basehan sa ating sarili kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng wais na pag-gastos?

Para sa akin hindi purket marami kang naipon ay wais na ang ginawa mong paghawak ng pera… Tandaan natin na ang di sa dami ng pera ang makakapagsabi kung liligaya ka sa buhay, maari na kung marami kang pera ay iba ang tingin sa iyo ng ibang tao pero sa huli ang kwentahan niyan ay narororoon sa punto na paano mo nagastos ito…

May mga kilala akong tao na malapit sa puso ko na pumanaw dito sa mundo na maraming pera ang natira sa kanyang kaban pero ang kanyang relasyon sa mga mahal sa buhay ay hindi kasing taas ng uri ng salaping kanyang naipon, ako mismo ay nakasaksi, naramdaman ko na malungkot pala yung ganoong senaryo ng buhay.

Meroon rin akong mga kilalang taong binawian ng buhay at masasabi mong zero balance ang kanilang ipon pero ang ala-ala na kanilang iniwan sa mga mahal sa buhay ay walang kasing sarap ang kasarapan, sarap na para bang kahit umedad na ako ng napaka tanda ay naroroon parin at magiging madaling sariwain ang mga sandaling iyon tuwing aming maaalala…

May mga kaibigan ako na kuripot sa pera, nakakalungkot na isipin dati nahuhusgahan ko sila na ganun nalang… akala ko ang ugali nila ay madamot pero kamalaunan nung makilala ko ng lubos ang mga ganitong tao ay meroon pala silang malalim na pinaghuhugutan. Minsan akala natin gusto lang magdamot nung mga kilala nating kuripot pero hindi pala…

kung makikilala mo sila ng lubos malalaman mo na mayroon silang dahilan o karanasan kung bakit sila nagkaganoon…

PEro kapag may panahon na maipaliwanag ko sa kanila ang magiging mabubuting kapalit ng isang gastusin ay madalas na bumubukas ang kanilang mga palad para magbawas ng salapi sa kanilang bulsa.
Ano ba kasi ibig kung sabihin sa TIGNAN MABUTI KUNG ANO MAGIGING KAPALIT?

Isipin at paganahin ang ating imahinasyon kapag gumastos ka sa isang partikular na bagay huwag mo limitahan ang pagtitimbang sa presyo at sa mismong bagay lamang…

halimbawa sa pagbili ng cellphone na iPhone… Oo nga at mahal para sa isang telepono lamang dahil kung iisipin mo marami namang cellphone diyan na kaya mo ring makatawag, makapagtext, internet at makakuha ng picture malayo ka pa sa problema.

Pero isipin mo rin na baka ang telepono na iyan ay matagal mo ng pinapangarap, baka sa pagbili mo ng telepono na iyan doon mo maintindihan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kaligayahan na nakabase sa materyal na bagay o mapakita mo sa sarili mo na kaya ko palang makuha ang gusto ko!

Kasi sa buhay natin kelangan na maranasan natin na may naabot tayo, dahil mula dun magkakaroon ka ng ideya kung ano pakiramdam nung tagumpay…

Natatandaan mo minsan sa buhay mo ay napasubo kang gumastos ng malaki sa isang partikular na bagay at sa una nagsisisi ka pero kamalaunan nasaksihan mo na yung naging kapalit nung mamahalin mong nabili ay sulit pala dahil may mga napakinabangan ka na hindi mo inaakalang may kapakinabangan pala, matapos noon ay talagang pinipili mo na yung ganoong bagay kahit mahal dahil alam mo kahit mahal sulit naman, hind ko ibig sabihing sulit dahil lang parang nakamura ka kundi sulit dahil lahat nung mga kailangan mo ay naroroon na… hindi naman kasi garantisadong purket mahal ay kailangan mo minsan nga hindi mo rin kelangan gumastos para doon.

Ngayon tanung mo sa sarili mo paano mo malalaman kung kelan ayos gumastos ng mahal? well… walang taong accurate na makakapagsabi sa iyo niyan maliban nalang sa iyong sarili…

makinig ka sa gusto mo, kung minsan yung alam na alam mong gusto mo eh hindi maganda sa iba pero payo ko sa iyo kung sigurado ka sa sarili mo na gusto mo iyon ay kunin mo, gawin mo o di kaya bilhin mo! Keh mahal pa iyan basta ba hindi mo ninakaw yung pera na ibibili mo at hindi maapektuhan yung iba mong responsibilidad sa buhay… aba bakit ka pa magpipigil?

Minsan lang dumating ang mga pagkakataon na kasama mo mga minamahal mo sa buhay, baka yung bahagyang presyo na ikinamahal ng isang partikular na bilihin pero kapalit naman ay masayang ala-ala ay pang-hinayangan mo pa… tandaan mo na ang pera kayang kitain yan pero ang pagkakataon minsan mahirap ng balikan…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: