SEX SCANDALS, Sino dapat mahiya?

Ilang taon lang ang nakakalipas eto nanaman
at meroong mga Pinoy celebrity tayong
nasangkot sa isang skandalo.

Marami ang may gusto makakita nito
marami rin ang nagkakalat ng video
Ako nga gusto ko rin makita yun
pero tanung ko sa sarili ko ano
ba ang gusto ko makita dito?
Siguro naman sa daming scandal
nating nakita alam natin na di hamak na mas
mainam ang kalidad noong mga
porn movie na napapanood at
karaniwan nating nada-download sa internet.

Pero gusto ko malaman sa sarili ko
kung bakit ko kaya gusto makita
ang pribadong pagtatalik ng mga
artista na naka-documento sa kanilang
mga pribadong video?

Dahil ba gusto ko makaboso?
DAhil ba gusto ko makita ang performance nila?
Dahil ba gusto ko makiuso at huwag mahuli
sa usapan ng bayan?
Dahil ba parang naka-isa ako kapag napanood
ko iyon?

Siguro lahat ng nabangit sa taas…

Nung itinanung ko sa sarili ko ang mga
tanung sa itaas ay parang nakaramdam
ako ng hiya.

Kasi para namang napaka hayok
mo sa laman kung mang-boboso pa
ako sa edad ko na ito, ano naman
sa akin kung malaman ko na magaling
o hindi marunong sa kama ang mga
nasangkot sa skandalo at parang hindi
ko naman feel makiuso pagdating
sa kung ano ang usong SEX SCANDAL higit
sa lahat para kabawasan sa pagkatao
ko kapag natutuwa akong pinapanuod ito
dahil kung titignan mo eh pribado nila
itong pag-aari at ang sabi eh ninakaw
ito sa kanila, kung makikisalo ako sa
nakaw na impormasyong ito ay para narin
akong naki-isa doon sa magnanakaw at bahagi
narin ako ng krimen.

Hindi naman ako nagmamalinis. Gusto ko rin
makita ang video, oo gusto ko makihalo
sa nauusong usapin pero siguro binigyan
ko rin ng pagkakataong pakingan ang
aking konsensya.

SAbi ko noon nakakahiya yung ginawa nung
mga nasa SEX SCANDAL pero napaisip ako
na hindi kaya ako ang dapat mas mahiya?

Yung buksan mo ang isang documentong
alam mo na pribado ay hindi mo dapat ng gawin
at ang masama pa dito ay ikinalat mo pa
na kung saan nagkukumento ka pa na para bang nagmamalinis.

Alam naman natin na kung minsan may
mga usapan na dapat hindi na natin pinaguusapan
bilang pag-galang sa ating kapwa at ayaw
na nating maging instrumento ng di tamang gawi….
Itoy nasabi ko lang naman at sa huli
nais ko lang sabihing hinay-hinay sa mga
ganitong bagay.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: