ANG TANUNG AY KAYA MO BANG PANINDIGAN?

Ang tanung ng iba marahil sa akin ay “ANO KA BA TALAGA?

Writer? Blogger? Speaker? Motivator? Rapper? Basketball Player? Coach? at Ngayon nagbabalak kang gumawa ng pelikula ano ka Direktor o Artista?

Sa buhay natin lahat tayo may kanya-kanya tayong iniidulo at gusto nating maging tulad rin nila o kung hindi man ay at least ideal nating personality ay nalalapit din sa kanila. Pero may mga taong nahihirapang “magpakatotoo” nahihirapang sundan kung ano ba talaga ang gusto, kahit na gusto nilang maging manunulat para i-ulat ang mga nasasaksihan nila sa buhay ay hindi nila ito magawa dahil kung minsan napipigilan sila nung tanung na…

May lisensya ka ba para gawin yan?

Ano patunay mo na kaya mo?

May karapatan ka ba?

Iyang lisensya at patunay ay para lamang sa mga kasunduan upang maging malinaw at ligtas ang transaksyon, para sa akin itoy angkop lamang kung may trabaho kayong gagawin tulad ng pagpapatayo ng bahay o sa negosyo.

Pero pagdating sa gusto mo maging sa buhay hindi pangunahing kinakailangan na dapat may lisensya ka o patunay. kung gusto mo na maging isang artista o manunulat simple lang naman yan e di sumulat ka at umarte. Kung makakarinig ka ng kumento sa iba na hindi ka naman artista eh pwede mo silang sagutin na…

“Noon yun! Hindi ako artista”

“Pero ngayon Artista na ako”

Maaring magulat sila o mapa-WOW sa sagot mo or marahil pati ikaw, siguro sa lakas ng dating nung sagot na ito. Pero ganun talaga ang katotohanan kung gusto mo wala namang pumipigil sa iyo kundi ikaw lang na sarili mo mismo.

Ngayon pagusapan naman natin yung “KARAPATAN” sino ba sa tingin mo ang dapat magbigay sa iyo ng karapatan para gawin ang gusto mo? Ang gobyerno? Ospital? o mga kakilala mo? kung magagawa mong i-google or hanapin sa wikepedia ang mga nakaraan nung mga kinikilalang tanyag o kagalang-galang na tao sa lipunan mapa imported or locals mapapansin mo na sa kanila man noon ay walang naniniwala na kaya nila at kung sa mga lowest point ng buhay nila ay kukuha ng “APPROVAL” para magkaroon ng KARAPATAN para magawa ang gusto nila ay malamang hindi nila narating ang kalagayan nila ngayon.
Ang unang tanong na kailangan mo malinaw na masagot ay hindi yung tungkol sa lisensya o patunay lalo na kung may karapatan ka ba? dahil lahat naman tayo binigyan ng Diyos ng pantay-pantay na karapatan. Ang kailangan mo malinaw na masagot sa sarili mo ay KAYA MO BANG PANINDIGAN?
Kung gusto mo maging artista kaya mo bang panindigan na isa kang artista? Ayos lang ba sa iyo na maranasan ang nararanasan ng mga artista keh maganda o hindi kaaya-aya? Kaya mo bang dalhin ang responsibilidad kapag naging kilala ka sa masa, alam mo ba na maaring maapektuhan ang pribado mong pamumuhay? at dahil doon kaya mo ba itong mapanindigan na artista ka pa rin? Kahit na ayaw ng mga tao ang nagawa mong pelikula makakaya mo bang panindiganan ang pagiging artista mo?
Kung kaya mong manindigan sa kung ano ka, hindi malayong kayanin mong mapatunayan na kaya mong malisensyahan at magkaroon ng karapatan na gawin ang ginagawa mo. Mahirap kasi yung may lisensya nga o karapatan pero hindi naman pala kayang panindiganan ang dapat niyang gampanan.

Ang kakayahan mo na panindiganan ang isang tungkulin o gawain ay ang importanteng pundasyon na dapat pagtibayin dahil ito ang kakapitan ng ibat-ibang sangay ng iyong pagiging isang ganap na tao sa larangan na iyong pinili.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: