SA IKA-30 YEARS KO DITO SA MUNDO

Nitong nakaraang September 01 akoy tumungo na sa aking ika-30 na edad.

Medyo weird… kasi siguro dapat naghanda ako ng marami o medyo ingrande pero imbis na ganoon ang kinalabasan akoy naroon sa aking kwarto nag-iisa at nagpapagaling sa aking tinamong injury sa kaliwang kamay.

Imbis na maging bitter or mag-mukmok ay tulad ng dati sinubukan kung tignan ang magandang punto sa pagkakataong iyon.

Well isa sa mga maganda na maituturing ko ay sa loob ng 7 years ko na pamamasukan sa kumpanya ay nagkaroon ako ng opurtunidad na magpahinga ng mahaba-haba, halos 2 months inabot ang sick leave ko noon. Pahinga sa trabaho, pahinga sa pag-susulat sa blog at pahinga sa bakasyon sa Pinas dahil doon lang ako talaga sa kwarto ko. Nilubos-lubos ko ang pagkakataon na magbalik tanaw, magsuri at magbigay ng sariling konklusyon patungkol sa mga bagay-bagay sa aking buhay mula noong nagkamalay, teenager at buhay bente anyos.

Wala akong notes na nagawa dahil hindi ko magawang magtype ng maayos gamit ang iisang kamay at hindi ko trip ang magsulat sa papel kasi parang nakakapagod at nakakangalay.

So eto sisimulan ko na…

DI BALE NG MABAGAL BASTA WALANG ATRASAN

Sa wikang ingles may sinasabing ” one Step forward, two step backward” sa 30 years na ipinamalagi ko dito sa mundo nakita ko na karamihan o lahat ng tao gustong-gusto yung MABILISAN actually ako rin gusto ko yun dati, hangang ngayon naman gusto ko parin pabilisin ang ilang mga bagay-bagay sa buhay pero bago yun inaalam ko muna kung ang magiging kapalit ng mabilis na proseso ay kaya kung sabayan o pantayan dahil kung hindi mas mainam na dun ka nalang sa di gaano kabilisan o sa mabagal kasi may mga bagay-bagay sa buhay na kung di mo kayang sabayan o pantayan ang hinihining kapalit sa huli talo ka.

Halimbawa nalang sa pera. Lahat naman tayo gusto kumita ng malaki o di kaya umasenso sa buhay at minsan may darating na alok sa atin na kung saan parang ramdam natin ang magandang kakalabasan ng ating pinansyal na pamumuhay kapag sinakyan natin ang alok na ito. Pero di ba narinig mo na yung mga nabiktima noon sa pyramiding? Di ba kung titignan mo ayus na sila sa buhay nila pero nagkapublema sila noong sinalihan ito… Maaring sasbihin ng iba na gahaman ang mga ganoong tao pero hindi naman siguro sa ganoon, lahat naman tayo dapat hindi tumitigil sa pag-asenso, hindi iyon kasakiman kundi parte ng buhay, dahil yun ang isa sa purpose of living… To grow!

Hindi ko rin sinasabi na masama ang pyramiding at hindi ko rin sinasabing mabuti ito, ginamit ko lang itong halimbawa na kung minsan may mga hakbang tayong ginagawa na maaring sumulong tayo ng isang puntos pero kamalaunan pala malalamangan tayo ng dalawa. Sinasabi ko ito hindi lang sa punto vista sa pananalapi kundi kahit sa pamilya, relasyon atbp.

Sa huli masasabi mo sa sarili mo na di bale na sigurong mabagal ang ginagawa mong pag-iipon pero makakaasa ka na siguradong mararating mo yung halaga na gusto mo maipon kesa sa makikipagsapalaran ka nga para sa mabilis na pag-kita o pag-asenso pero kapalit pala nito ay ibabalik ka sa pagiging bokya mo noon.

Walang masamang makipag sapalaran basta sana lang alam mo ang ginagawa mo at bukas ang iyong sarili sa mga nangyayari at alam mo kung papaano ito dadalhin.

Kailangan nating malaman at makayang sabihin sa sarili natin na “Okay na ako dito” pero wag mo naman sasabihin yan dahil nagdadahilan ka o tinatamad lang.

Sa buhay importante ang growth kahit mabagal basta hindi ka umaatras at kung nagkamali at naibalik sa sa kawalan mas importante na sikaping bumalik dahil naniniwala ako na hindi ka tunay na nawalan, maaring sa materyal oo nawalan ka pero kung makukuha mo ang dapat mong matutunan sa iyong kabiguan hindi mo masasabi na isa kang talunan.
KUNG UUBUSIN MO ANG ORAS MO, MAS MAIGING MAUBOS
SA KASALUKUYAN KESA SA BUKAS O NAKARAAN.
Sa 30 years ko dito sa mundo, may mga nakasalamuha akong nabubuhay sa nakaraan.. alam mo yun yung mga taong dala-dala yung nakaraan nila at kaya nila ginagawa ang ginagawa nila ngayon kasi “DATI RAW” ganoon ang nangyari kaya “GANITO” ang pinili nilang daan. Ito yung mga taong nagkikim-kim ng sama ng loob, mga taong hindi matangap ang nangyari at pilit na nabubuhay sa pagpapangap o kasinungalingan. Iba yung mga taong nagdedesisyon batay sa karanasan, ito kasing mga taong nabubuhay sa nakaraan na sinasabi ko ay mga taong kung tratuhin ang kasalukuyan ay parang kung ano ang nangyari kahapon o nung nakaraan, imbis na tignan ang kasalukuyan na bagong araw na bukas sa mga pagong posibilidad.
Yung mga taong nabubuhay naman sa bukas o para sa “FUTURE” ay mga taong may mga matataas na pangarap, ito yung mga busy, yun bang sabi nga eh mga adik sa trabaho. Ginagawa nila ang ginagawa nila ngayon para sa kinabukasan.

TANUNG…. MASAMA BA NA MABUHAY SA MASAYANG NAKARAAN O PARA SA KINABUKASAN?

SAGOT: Walang masama kung nabubuhay ka na dala-dala ang isang ala-ala na maganda para sa iyo o mabuhay ka na may hinahabol na pangarap para sa iyong kinabukasan. Naniniwala ako ginagawa natin ang anumang ginagawa natin ngayon dahil may gusto tayong ulitin na nangyari noong nakaraan o di kaya ay mayroon tayong pinapangarap na mangyari bukas. Ngunit wag natin kaligtaan na kailangan din nating mabuhay sa kasalukuyan dahil sa tatlong ito (Nakaraan, Kinabukasan, Kasalukuyan) mas importante ang kung paano ka nabubuhay sa “NGAYON” dahil ang totoong buhay ay nangyayari sa “KASALUKUYAN”. Kung hindi mo magagawang mabuhay sa kasalukuyan sigurado na marami kang masasayang na pagkakataon. Pagkakataon para maintindihan ang mga bagay na di mo nalalaman tungkol sa iyong sarili, kapaligiran, mahal sa buhay atbp. Pagkakataon na makatuklas ng bago. PAgkakataon na mabuhay…

Kaya nga kung minsan may mga taong sinasabi nila na isang araw ay parang nagising nalang sila na nasa isang partikular silang sitwasyon at saka lamang nila nagunita na marami na pala silang oras o panahon na ginugol o sinayang, nasabi nila ito dahil malamang nabuhay sila sa nakaraan o para sa kinabukasan at hindi alintanang napabayaan ang kasalukuyan. Narinig mo na naman siguro ang kasabihan na sa buhay dapat balanse o di kaya dapat magkakaugnay lahat sa ingles dapat Hamonious. Pero alam ko matrabaho ito gawin kaya kung sakali na mayroon kang sosobrahan mas maganda na ituon ang oras mo sa kasalukuyan dahil para sa akin mas madali mong mai-centralized ang buhay mo kapag nagsisimula ka sa ngayon kesa sa nakaraan o sa bukas.

Kaya siguro may kasabihang “One day at a time, cherish the every moment”
HALOS PARE-PAREHONG PROBLEMA PERO MAGKAKAIBA

Nitong na-injury ako ng may kalubhaan sa aking kaliwang kamay ay kinakailangan ko na bumisita madalas sa mga klinika at ospital. Doon nakakasalamuha ko ang mga taong may halos kapareho kung problema pero kung titignan mo mabuti magkaiba kami…

Ang gulo ano? pero ganito kasi yan… May mga pasyente na pareho kaming nagkapublema sa buto bandang pulsuhan o wrist pero magkaiba ang pagkasira ng aming mga buto, yung sa akin ay sa may bandang radial part at medyo fractured sya samantalang ang iba ay talagang bale o kinakailangan lagyan ng bakal.

Nung naranasan ko ito ay doon parang naisip ko na kaya nga siguro sinabi ni Cristo noon na huwag mang-husga ay talagang mahirap gawin yun at malabong tumama ang iyong sinabi at imbis na magdulot ng mabuti ay sakit ng kalooban ang magawa mo sa iyong kapwa. Pero alam ko mahirap dahil sa kultura ng pinoy halos lahat ata tayo nakondisyon na automatic na magbigay ng mabilis na panghuhusga ayon sa itsura, amoy o di kaya base sa uso.

Maipapayo ko lang kung may sitwasyon na tayo ay natutuksung humusga ay mainam na tipirin nalang ang ating salita at lakas at ituon nalang ito sa intensyon na sana’y maging maayos ang lahat.

KINAHIHIYA MO NOON, KINATUTUWA MO NA NGAYON

Meron tayong mga bagay na ayaw nating gawin noon kasi nahihiya tayo pero dahil sa talagang gusto natin ang isang bagay ay tiniis natin ang kahihiyan. Mga kahihiyan na tinatawanan mo nalang ngayon at kung minsan pa nga baka masabi mo na buti nalang at nagawa mo iyong ganoon.

Sa 30 years ko dito sa mundo hindi ko gaano sinundan ang mga bagay na gusto ko… nagpadala din ako sa takot sa kahihiyan… pero may mga pagkakataon din naman ako na sinalo ko mga nakaabang na kahihiyan kumbaga balanse lang. Kung pwede ko pang balikan ang nakaraan siguro ipasasang tabi ko yung outcome sa mga trip kung gawin.

KAya sa mga kakabente anyos palang o kahit na doon sa mga nga nasa mid-20’s pati narin yung mga teenagers kung meroon talaga kayong pangarap na gustong gawin at ang bumabalakid sa inyo ay yung “hiya” sana makahanap kayo ng paraan para ito ay mapag tagumpayan. Kasi tulad nga ng sinabi sa akin ni Erfat mas mahirap tiisin ang panghihinayang at pag-sisisi sa huli kesa sa sakit.
TALAGANG MAGANDANG MAGKA-ANAK NG MAAGA KUNG KAYA MO…

Ayoko sabihin ito pero ito talaga totoo eh… Sabi nila mahirap daw mag-anak ng maaga pero di nila madalas masabi na mahirap rin magka-anak kapag masyado ng huli. Noong 25 years old ako nagkaroon ng anak, sabi nila bata pa daw kami. Sa una mahirap at parang pakiramdam ko di pa kami handa pero sige lang dumiskarte ako kung paano ipagpatuloy ng maayos. Ngayon nga 30 years Old na ako so far masaya naman ako at sabi ko nga sa sarili ko sana kung maaga-aga pa akong nagka-anak baka ngayon pwede na namin sundan ni misis. PEro mahirap ibigay ang payong ito sa mga kabataan dahil sinasabi ko sa pansarili kung karanasan na mainam ang maagang magka-anak kasi sa huli mas malaki ang tsansa na masabayan mo ang buhay ng iyong anak dahil kahit papaano medyo bata ka pa, pero nasa nag-aalaga din talaga ng katawan iyan kaya talagang depende sa tao at sitwasyon niya kung magaanak siya ng maaga o hindi. Pero sa akin at age 25 having a baby is great! so kung gusto nyong i-try it’s up to you guys.
PAGDATING SA PAKIKIPAG-RELASYON

Sa mga pakikipagrelasyon ay simple lang ang masasabi ko diyan. Kung malinis ang intention mo sa ka-relasyon mo wala ka dapat ipangamba.
IBA ANG PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-IBIG OR LOVE

Natatawa nalang ako kapag minsan may napapanood ako sa TV na iniinterview at tinanung kung kamusta ang Love Life niya ang sagot na madalas kung marinig ay

“LOVE? wala ako nyan”
“Saka muna yang LOVE”
“i dont want to fall in love”
“Hindi ako marunong ng ma-in love”
Ayus lang kaya yung mga taong iyon? alam kaya nila talaga sinasabi nila?

Kahit sa holy scriptures sinasabi na ang pinaka mahalaga sa buhay ng isang tao ay LOVE…

Love God!
Love others as you love your self
and all are EQUALLY important!

So kung wala kang Love o ipagpapaliban mo ito parang lumalabas na hindi ka naturally born creature or in layman’s term hindi ka tao.

Kung hindi marnunong ma-inlove or ayaw mo ma-inlove magtaka ka baka robot ka….

Well naiintindihan ko naman, kasi ang society natin ay naguguluhan sa ROMANTIC LOVE at sa LOVE. ROmantic Love ay yung nakikita natin o naririnig nung bata pa tayo, yung mga tinatawag na love couples sa pelikula. Pero hindi yun ang LOVE. LOve is the love to your parents and their love to you, your love to what you want to do, your love to your body, your love to the beautiful views, your love to your laptop etc. Love is an persistent attention that you are giving to someone or to something.

[Bible verses]
PEro liliwanagin ko rin na sa pakikipag relasyon kailangan ang LOVE, yun lang hindi mo makikita ang love sa isang relasyon kasi relationship is sharing love not gaining love. Well of course you will gain love but mostly a relationship is about sharing.
IMPORTANTE MONG MALAMAN NA IKAW ANG UNANG MAGMAMAHAL SA SARILI MO.
Maling akala ng marami na ang pagmamahal ay nakukuha lamang mula sa iba. Hindi nila naiintindihan na ang isa sa mga mataas na uring pagmamahal na matatangap natin ay ang pagmamahal sa sarili or SELF-LOVE wag kayong malito sa CONCIETE or SELFISH LOVE. SELF-LOVE is about keeping all in harmony. kumbaga you must first understand that in order for you to give you must assure that given to yourself first now you might say paano yung SACRIFICE na tinatawag? well I agree that sometimes you need to do that but take note SOMETIMES kasi kung lagi ka nalang nagsasakripisyo tanungin mo ang iyong sarili baka may problema, dahil kamalaunan ang sakripisyo ay nagiging perwisyo.

PAra makaiwas ka sa pagiging needy kailangan mong maintindihan at gawin ang SELF-LOVE. Kasi sabi nga wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo kaya huwag maging ignorante sa pag-ibig sa iyong sarili kung ayaw mo na ignorin karin ng iba, dahil hindi mo magagawang ibigin ang iyong kapwa kung di mo kayang ibigin ang sarili.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: