LOURD DE VEYRA AT JUN SABAYTON ay mga WASAK na HOST

Ang una kung napanood na episode ng WASAK ay yung guest nila si Maui Taylor. Nakita ko ito sa Youtube, sa totoo lang matagal na akong interesado sa programa nila mula noong nakita ko yung palatastas sa TV5 dito sa Saudi Arabia, nakaka-intriga kasi yung mga itsura nitong dalawang host para silang mga hustler na rakistang nakatambay sa may kanto ng kalsada pero intelehente ang dating at may kaunting class.

Mula sa pamagat na WASAK at kung makikita mo sa commericial pinapakita dito yung mga guest nila ay maeenganyo ka lalong alamin kung ano kaya ang ginagawa nila sa programang ito? Akala ko noong una parang WOW Mali lang at puro kulitan pero nun ngang napanood ko yung interview kay Maui ay napa-isip ako kung papaano ko sila tutukuyin kung anung klase ba silang programa, sila ba ay talk show? pwede! pero parang hindi sapat eh, hindi ko narin inalam pa kung papaano sila ika-categorize basta sila ay WASAK!

Pinanood ko lahat ng mga episode nila na kung saan ang mga guest ay mga sikat at mga kilalang mga magagandang babae tulad nga nila Maui, Iwa Motto, Ritz Azul, Karen Jimeno, Angel Aquino, Arci Munoz, Krista Miller, Francine Prieto, Rosana Rocess, Liz Uy, Jacq Yu, Eula Cabalero at marami pa… ayus lahat ng episode na iyon! nakakatuwa talaga.

Nag message nga ako kay Lourd De Veyra sa kanyang Facebook (sana nga siya talaga ito) nagpasalamat ako sa kanyang programa kasi nung mga panahon na pinanonood ko ang mga episode na ito ay naka-sick leave ako dahil sa aking aksidenteng natamo sa basketball. Wala naman gaanong inihatol ang doctor sa akin kung papaano gumaling kaagad kundi magpahinga ng maigi, kaya nagsariling sikap nalang ako ng pagsasalik-sik at sabi nga daw ang isa sa mga mabisang gamot sa kahit na anung uri ng sakit, sugat o bali ng buto ay yung pagtutuon mo ng iyong attensyon sa mga masasayang bagay. May mga files ako sa aking Macbook patungkol sa mga magagandang alala ng aking buhay, tulad nung sa pamilya, kaibigan at mga nagawa kung artikulo at mga kanta pero minsan naghahanap ka ng iba pang pwede mong pagtripan at sakto nga itong pagka-diskubre ko sa WASAK.

Nung una akala ko natutuwa ako sa mga interview nila sa mga hot chick sa industriya ng showbiz (pwera lang kay Karen Jimeno kasi di naman siya sa showbiz) pero natuklasan ko nalang sa huli na ang nakakatuwa pala sa WASAK ay yung paraan kung papaano nila (Lourd at Jun)interviewhin ang kanilang mga bisita, hindi yung mga tanung o mga kulitan yung kakaiba sa programang ito kundi yung paraan nung mga host (Lourd at Jun) kung papaano nila ito dalhin. Syempre hindi maitatangi na yung kanilang director na si RA Rivera eh malaki ang impluwensya kung bakit WASAK(in good terms) ang programang WASAK isama mo narin yung partisipasyon nung mga supporting cast nila at syempre pa yung buong Team na bumubuo nito.

Kahit bumaling sila sa mga personalidad sa politika ay kaya parin nilang dalin na kung saan naroroon parin yung flavor ng Lourd at Jun taste, yung meroong mga kaunting kulitan pero tumatatak at intelehenteng paksa na nabubuksan para talakayin. Akala ko nga noon boring ang mga episode ng mga politiko o mga personalidad sa gobyerno pero mas madalas ko pang ulit-ulitin noon yung mga episodes nila Bong-Bong Marcos, Ben Abalos at Isko Moreno. Ewan ko ba pero para sa akin Cool na Cool si Bong-Bong Marcos despite nung history nila at mga pinagdaanan sa politika pero sa interview hindi ko napansin na depensive sya, siguro dahil sanay na siya sa mga ganung interview o baka talagang ganun siya ka-Cool na tao. Si Ben Abalos eh natutuwa ako doon sa “Hambuhrgyeran” niya at sa interview na iyon parang napaka positive niya sa buhay despite rin nung kanyang mga napagdaanan at si Isko Moreno naman di ko akalain na ganun pala ang napagdaanan niya, nakakabilib dahil kung totoo man nga ang kanyang ikinikwentong dinadanas noong bata pa siya ay walang alinlangan na isa siya sa mahusay na gawing modelo ng mga mahihirap na gustong umasenso sa buhay. Nung sinuri ko ang tatlong episode na pinagtri-tripan ko panoorin napansin ko na kaya naging ganoon ka-bukas o ka-cool ang mga taong ito ay dahil parin sa paraan nila Lourd at Jun mag-interview, kasi parang karaniwan lang, yung usapan di naman ganoon ka formal pero di rin naman cheap, kumbaga sa pagkain eh parang pang-masa ang dating pero mayroon halong “class”. Pinakyaw ko rin i-download ang mga episode nila na mga politiko at personalidad sa Gobyerno at lahat ay masasabi kung Thumbs-up! mula nga sa tatlong paborito ko hangang kila Chiz Escudero, Er Ejercito, Jack Enrile, James Jimenez, Francisco Topacio, Bayani Fernando, Ferdinand Tolentino, Trillianes, Gregorio Honasan, Chavit Singson, Sonny Angara at marami pang iba…
Nakaka-adik panoorin sila Lourd at Jun lalo na siguro kung OFW ka kasi parang kapag nakita mo palang ang itsura nila nakikita mo narin kung ano ba ang sitwasyon ng mga tao sa Pilipinas, kung ano ang uso, ano ang state of mind, kung ano ang problema at kung papaano ito tatakasan o lulusutan ng pabiro… Kaya nung natapos ko ng panoorin yung mga Hot Chick at mga Potician/Goverment personalities ay pinatulan ko na rin yung iba pang mga natitirang mga episodes at halos lahat naman sila napasaya ako. Sayang sana pwede ko itong mapanood dito sa Gitnang Silangan pero parang hindi ata updated ang programang ito dito, yun ngang bago nilang programang History parang paiba-iba ng oras, minsan 10:30 ng gabi minsan naman 10:00 PM. Kaya ito sa Youtube ako kumakapit at sa ngayon ang latest na trip ko ulit-uliting episode ay yung kay Direct Erik Matti matagal ko ng naririnig yung pangalan niya at napa-elibs ako doon sa interview nila. Gusto ko yung sagot niya doon sa tanung ni Lourd na kung may pinagsisisihan ba siyang pelikulang ginawa? Ang ganda nung sagot ni Direct Erik dito kasi sabi niya ay wala naman siyang pinagsisisihan bagaman may mga gusto siya sigurong baguhin ng kaunti pero sa mga panahon na ginagawa niya yung pelikulang iyon para sa kanya ang mga pinili niyang desisyon ay tama.
Napansin ko lang mula nung Episode 01 papuntang Episode 100 and above mga bandang Episode 80 yata ay nawala na yung sergment ng PWE o Pulutang WASAK Espesyal at saka yung TAMANG TOMA. Ayus rin yung mga episodes na iyon! kung tinagal nila sa WASAK sana ilagay nalang kahit sa HISTORY kasi nakakaenganyong kumain at uminom kapag napapanood ko ito eh.

Ewan ko ba… Ngayon lang ako nahilig sa mga ganitong uri ng programa, keh talk show or late night show ang katergorya nito pero sa huli ang masasabi ko ay TWO THUMBS UP!

WASAK sila Lourd De Veyra at Jun Sabayton.

PS. Lourd, Salamat sa pag-accept sa aking Friend Request sa Facebook kung ikaw nga talaga itođŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: