Hindi Lahat ng Hamon dapat patulan

Kung meroon kang hamon na dapat patulan itoy walang iba kundi yung HAMON na inihahanda tuwing Noche buena..ūüėÄ Joke!

Kung meroon kang hamon (challenges) na dapat kasahan o patulan ito ay ang personal mong hamon sa iyong sarili.

Isang hamon para lumago ang iyong pagkatao.

Pero ang hamon para mapunan ang interest ng ibang tao at makuha lamang ang kanilang “approval” na ikaw ay ayus para sa kanila ay isang desisyon na dapat mong pag-isipan ng maigi.

Walang isyu kung paminsan-minsan makikisakay tayo sa agos pero tandaan natin na walang masama kung may mga hamon sa buhay na iyong palalampasin na lang lalo na kung ito ay walang kinalaman sa mga pangarap, misyon o iyong mithiin sa buhay.

Sabi nga sa isang libro ni Robert Green na 33 Strategies of War ay “Pick your battles” maaring nanalo ka sa isang laban pero ang tanung sa huli ano ba ang naitulong nito sa iyo?

Kung wala o kung kakaunti lamang ang naitulong nito sa iyo lumalabas na sa huli kung susumahin natalo ka din at dapat nung una palang sana ay di mo na ito pinatulan pa.

Totoo na ang mga hamon o sa wikang ingles eh challenges ay nakakatulong sa iyo para lumawak ang kaalaman sa isang partikular na paksa ng buhay pero tandaan mo na may mga partikular tayong paksa na dapat nating kunin na naaangkop sa nais nating marating. Kumbaga sa pagiging espisyalistang doctor sa puso importante na malaman mo kung anu-ano ang parte ng katawan ng isang tao pero di na gaano ka-importante na maintindihan mong lubos kung papaano mag-program gamit ang visual basic although importane rin na matuto kang gumamit ng computer pero di na gaano importante na maging malalim pa ang kaalaman mo sa programming, maaring sabihin na kung matututunan mo ay mas mainam, sang ayon naman ako dito pero hindi mapag-kakaila na hindi na iyon gaano importante.

Walang pinagkaiba sa mga hamon sa buhay. May mga pagkakataon na hahamunin ka na ipaglaban ang iyong karapatan pero madalas na sa paglalaban kung sino ang may mas karapatan ay nauuwi sa di kaaya-ayang karanasan at nasasabi mo pa nga sa huli na “sana nung una palang nagbigayan nalang kami” di ba’t ganito ang mga eksena sa mga nagde-demandahan, nagmula lamang sa maliit na diperensya pero lumaki dahil sa di pagbibigayan at pag-aagawan sa kung sino ang may karapatan kaysa sa sana nagbigayan nalang.

Kaya sa susunod kapag may mga isyu na ibinabato sa iyo at pakiramdam mo parang hinahamon ka ng mga gumawa nito ay muling mag-isip-isip, bulay-bulayin ang sarili at alamin kung ito ba ay may koneksyon sa mga nais mo sa buhay at meroon bang kapakinabangan kung sakaling itoy iyong patulan? Kung “OO” ang sagot mo ay gawin lahat ng makakaya para maipabatid mo ang iyong nais ipunto at kung “Hindi” naman ang sagot mo ay gawin mo rin ang lahat para mailayo mo ang iyong sarili na mapasubo sa laban na di mo naman kailangan panindiganan.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: