Ang tula ng modernong makata (Blogista)?

 

Hindi ako mahusay sa tagalog , ingles o nihongo

Ito nasabi ko nung mapanood ko si mang Virgilio
Pero ang mga artikulo ko ay may sense
Hango sa totoong buhay

Hindi inimbento para lang mapansin kundi
pakiramdam ko pwede ninyong gawing gabay

Ngayon aking lulusungin ang mundo ng tula
dahil tulad ng iba dyan mahilig rin akong magtugma

Maikli man o mahaba ang importante
may punto

yung tipo ba na tatatak sa iyong
sentido

Kahit kelan ayoko sumulat ng kung
anu-ano patungkol sa mga reklamo

Mas trip ko subukang magbahagi ng
sagot na nakuha ko sa aktual na akto

Modernong Makata? ano ibig ko sabihin nito?

Sa totoo lang marmaing batayan akong
di sinunod

Kaya siguro kahit sa kalidad na tagalog
wala sa tyempo ang aking mga taludtod.

Pero ano ba mas importante ang tamang piyesa
o yung malinaw na mensahe?

Sang ayon naman ako na dapat ay balanse

Kaya lang bago makuha yung balanseng timpla

Kailangan sumubok ng sumubok para ang lasa
ay maitama

At kapag atin ng nasunod ang tama.. atin namang simulang lakbayin ang susunod na kabanata…

Ganun daw ang buhay, walang katapusang paglago

kaya asahan ang mga pagbabago

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: