DEAR EMPLOYEE APPLICANT NA NA-REJECT

Kamusta? ilang kumpanya na ba ang inaaplayan mo?
HAngang ngayon ba hindi parin makakuha ng matinong trabaho?

Magkano na ba pamasahe ngayon? Ano na ba style ng mga Job hunters ngayon? Dyaryo parin? o internet na?

Ilang resume na ba ang naipapamigay mo? nagkaroon ka na ba ng malaking utang kay Ermat o Erfat at ang bayad nalang ay kapag nakakuha na ng trabaho?

Well sumulat ako sa iyo dahil gusto ko lang maibahagi yung tips at mga karanasan ko nung tulad mo ako noon na naghahanap din ng trabaho.

Ako noon ang una kung sinubukang applayan ng trabaho ay Bangko, kasi sa partikular na bangkong iyon ay isa sa mga top banker ang lola ko, kaya madali kaming nakakuha ng referals, pero kahit may kapit ka kailangan mong ipasa ang mga exams.

Wala talaga akong interest sa math o accounting pwera nalang kung talagang totohanang pera na ang pinaguusapan eh dyan lumalabas ang pagiging mathematician ko pero kung hindi eh nga-nga lang ang aabutin mo sa akin, kaya mataas na ang expectation ko na 50/50 ang chance ko na matangap sa bangko na iyon kung kaya naging suki ako noon ng paghahanap ng trabaho sa dyaryo, kasi nadoon makakakita ka ng mga opening na trabaho sa mga kumpanya. Dati ang lagi kung target eh yung mga malalaking advertisement pero kamalaunan eh tinitignan ko nalang yung maliliit na adds kasi yung malalaki kung hindi may natangap na eh napakatataas naman nung expectations, kaya naisipan namin ng Ermats ko na yung maliliit na adds ang subukan kung pasukan.

Ermats at Efats ko ang mga big supporters ko at sila rin ang dahilan kung bakit ko gusto magkatrabaho.

Nung panahon ko na naghahanap ako ng trabaho ay masaya naman kasi iba-ibang uri ng tao ang nakakasalamuha ko at sari-saring lugar ang nadidiskubre ko. Minsan naisip ko na masarap atang maging trabaho yung maghanap ng trabaho, kasi socially connected ka at parang nakakapamasyal ka sa ibat-ibang lugar.
nung mga buwan ng Marso, Abril at Mayo na kung saan ay tag-init, sinisikap ko na mag-apply ng maaga para sa hapon ay makauwi na at ini-isip ko na pag-umaga hindi pa pagod yung mga nag-iinterview so siguro sa ganoong paraan malaki ang chance ko na ma-hire.
Sa dami ng attempts ko, nakaka-jackpot naman ako kung minsan pero nung panahon na iyon ay agency ang nakukuha ko. Sa Agency hindi ka tuwirang konektado sa isang kumpanya kundi hawak ka ng agency, ano mang benepisyo etc. ang agency ang bahala sa iyo, kaya kung yung pinapasukan mong kumpanya ay naisipang papalitan ka ay wala kang magagawa kundi sumunod dahil techincally hindi ka talaga nila empleyado.

Iba talaga kapag regular na empleyado ka ng isang kumpanya pero kapag talagang gusto mo ng magkatrabaho eh talagang matutukso ka na patulan yung mga agencies. Pero okay din naman kung ganoon, kasi depende rin kung anung uri ng patakaran meroon ang agencies.

Kaya lang syempre sa tulad ko na nagtapos ng kolehiyo mula sa eskwelahan na masasabi mong mataas ang kalidad ay minsan masasabi mo na parang hindi ata patas ang nangyayaring transaksyon, nagtapos ka tapos eto nahihirapan kang makahanap ng trabaho parang hindi ata tama, kung susumahin ko ngayon parang halos Php 700,000 ang nagastos ng mga magulang ko sa apat na taong pag-aaral hindi pa siguro kasama riyan yung mga extrang gastos sa school project, ticket, baon, pamasahe etc. sabihin na nating Php 1,000,000 ang nagastos nila noon, tapos eto ako naghihirap makahanap ng trabaho? tapos nyan yung trabaho na ito eh papaswelduhin lang ako ng magkano? Php5000-Php8000 kada buwan? tapos kaltas pa pamasahe, pagkain etc. Hindi naman ako yung taong may mataas na Ego pero this one really take the cake…

So sabi ko kay Ermat kailangan ko ng Break, fed-up kasi so ayun halos 2 taon ako tumambay, nag-pakasarap, nagmuni-muni, pasyal etc. ginawa ko yung mga hindi ko nagagawa noong estudyante ako, yung gumising ng 10AM at matulog ng hating gabi o madaling araw. May responsibilidad rin na ibinigay sa akin tulad nung hatid sundo sa mga kapatid ko, para naman mapatakbo ko yung oto ko ng may say-say kesa sa masayang lang sa kung anu-anong lakad.

Kamalaunan kinailangan ko narin talagang magsikap dahil pinaalalahanan ako ng Ermat ko na hindi ako bumabata at baka masayang lang yung pinag-aralan ko. So ayun lumarga ulit ako sa paghahanap ng trabaho. Sa panahon noon uso yung call center agents, malaki yung pasweldo, mga Php 15,000-Php20,000 daw kada buwan tapos may ibat-iba pang benepisyo, ang kailangan marunong mag-english at mag-computer. Nawala narin noon yung interest ko na ipagpatuloy yung pagiging programmer ko dahil ang interest ko nalang ay kumita ng pera. Nakakuha naman ako ng trabaho noon sa isang call center, E-Pac yung pangalan ng company, nung time ko ay ayos naman ang naging karanasan ko, Time-share yung account na hinahawakan ko, sa New Jersey kami tumatawag kung di ako nagkakamali Team Aiza ang pangalan ng group namin kasi Aiza pangalan nung parang manager namin doon.

Iba ang environment ng call center kumpara sa typikal na opisina. Syempre uso sa call center yung mga night shifts, kasi sumasabay kami sa oras ng mga bansang tinatawagan namin. Dito parang mas makulay ang buhay, ibat-ibang uri ng mga tao ang nakakilala ko pero yun nga lang yung call center na napasukan ko eh hindi parin sapat yung kinikita kung pera para masunod yung mga pansariling luho ko sa buhay.

Kailangan ko makaipon ng malaki-laking salapi sa lalot madaling panahon. Sabi sa mga libro kung nabasa kung ano daw ang dini-desire mo yun daw ang maatract mo, parang ganun, kaya nga siguro sa di ko inaasahan nalaman ko na may tiyuhin nga pala akong nagtratrabaho sa Saudi, at naikwento nga rin siguro ng Ermats ko noon tungkol sa mga naging karanasan ko sa paghahanap ng trabaho, kaya inalok nya ako ng tulong at sabay noon sinabi rin sa akin kung ano ang posible kung maging sweldo. Sa sweldo halos parang call-center din pero wala kang babayarang tax, tapos yung bahay, kuryente, tubig pati sabon na panglaba mo, yung washing machine na gagamitin at mga basic na gamit ay sagot ng kumpanya, kaya lumalabas yung Php20,000 ay talagang iyong-iyo ng buong-buo.

Bago ako mag-Sauid ay wala na ako noon sa E-Pac bale lumipat na ako sa Aims kung saan naroroon na halos yung mga kakilala ko sa E-Pac. Maikli ang panahon ng pagtratrabaho ko pero masaya, hindi ko makakalimutan yung mga panahon na nagtratrabaho ako bilang isang ahente doon sa call center, kakaiba para sa akin yung karanasan, in other words “masaya” pero kahit gaanong sarap o saya eh kailangan kung piliing habulin yung aking pangarap, pangarap na umasenso sa buhay… Kaya ayun lumarga ako sa pag-aaply sa Saudi, sa awa naman ng Panginoong Dios ay masasabi ko na pinalad naman ako, sa una syempre tinatantya mo pa ang buhay pero kamalaunan ay nakasabay at natangap ko na ang sistema ng buhay dito… Sa tulong ng Dios, mga taong malapit sa buhay ko ay eto pinalad tayong magkaroon ng trabahong kayang suportahan yung mga gusto kung makuha sa buhay. Dati-rati nagtatanung ako kung ano pakiramdam nung kumikita ng may kalakihan ay eto ako ngayon, kada buwan ay nahahawakan ko yung dati kung pinapangarap.

Syempre tulad ng iba marami tayong sinosoportahan at pinagiipunan, actually ngayon may utang pa nga ako sa bangko pero may iba akong dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Ganun pa man ang importante may sapat tayong salapi at may pinagkukunan nito.

 

Ngayon ano ba masasabi ko sa mga naghahanap ng trabaho ngayon? lalo na doon sa mga kakatapos lang ng kolehiyo at sabik na sabik ng sumalang sa industriya para mag-shine at kumita rin.

Well noon ko pa naririninig na pagkatapos mong magkolehiyo ay kalbaryo ang haharapin mo sa paghahanap ng trabaho, noon ayaw kung maniwala at gusto kung ipawalang katotohanan ito, pero totoo ang sinasabi, talagang kung lalaban ka ng patas o kahit na medyo may kaunti kang kapit talagang mahihirapan ka… Pero kapag iniisip at binubulay ko paminsan-minsan ang aking karanasan ay nakikita ko na ang mga pinagdaanan ko ay kailangan ko talagang pagdaanan, hindi dahil para lang ako pahirapan kundi para ihanda ako sa mga posibleng pangyayaring maganap.
Medyo ibang istorya na yung patungkol sa “mga pangyayaring posibleng maganap” pero base lang sa aking karanasan, kung ano yung hinahanap mo at kung itong hinahanap mo ay talagang gusto at kailangan mo, siguradong ito’y makukuha at makukuha mo. Walang halong bola o biro… Oo narinig ko ang mga sinasabi ng iba na mahirap ang buhay ngayon, actually dati pa nila sinasabi yan at hindi malayong isipin at sabihin rin ng iba na sa mga susunod na panahon ay mas lalong hihirap ang buhay pero sinoman nagsumikap na makuha ang ano mang gusto niya ay siguradong makukuha niya, may iba na nakuha sa mahabang panahon yung iba naman sa maikling panahon lang.

Paano ko nasabi ito? kasi nagtanung-tanong din ako noon kahit ngayon, yung mga nakikita kung maalwan sa buhay tinanung ko kung ano ba sila noon nung kagragraduate pa lang? at ano masasabi nila sa narating nila ngayon? Ang sagot ay madalas hindi nila maalala ang buong detalye, basta ang alam nila nahirapan sila noon pero kamalaunan ay eto nandito na sila sa Saudi at kumikita na ng maayos.

Alam ko na medyo may kalabuan ang payo kung ito, na kung saan ang simple ko lang na sinasabi ay “manampalataya ka” pero sa tingin ko hindi mo naman kailangan malaman ang buong detalye kailangan mo lang minsan malaman kung ano yung pinaka buod at ang buong detalye ay susunod nalang na magpapakita sa iyo.

Kaya sa paghahanap ng trabaho ang masasabi kung mga kailangan mo ay yung sipag at tyaga ika nga pero ang sipag at tyaga na walang halong pananampalataya ay bumibigay rin pero yung may pananampalatayang halo… iba ang tibay nito, bibigay nalang siguro ito kapag narating mo na yung destinasyon mo na gustong marating.
So hangang dito nalang at nawa sana ay maka-jackpot ka na sa susunod mong pag-aapply, wag mawalan ng pag-asa, hindi lang ikaw ang na-rereject sa trabaho sa araw-araw na buhay, marami dyan na katulad mo o mas matindi pa sa dinadanas mo pero hindi tayo dapat manghusga sa kapawa kung bakit ganoon o ganito nangyayari sa kanila dahil marahil may espesyal na plano ang Dios sa langit para sa atin.

So ganon nalang… Hangang sa muli…

Nagmamahal,
Rocky

One Response to DEAR EMPLOYEE APPLICANT NA NA-REJECT

  1. doroastig ay nagsabing:

    This blog has a place in here, line 20, column 1

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: