PANGUNGULILA DI NA IBA

Sino sa inyo ang nagungulila?
Wag kang magtaka dahil di ka nagiisa…

Akala mo yung mga nasa Pinas
Sila ay masasaya?

Kasi purket kasama at kumpleto
ang pamilya?

Hindi rin… Maaring nasa isang
bahay

Pero pustahan baka sa hapunan
bihira silang magkasabay
Si Panganay papasok ng maaga
Tapos si bunso gabi na uuwi

Mga magulang sa bahay
ay wala palagi

Mga empleyado mapa local
or Foreign

Iisa lang tayo ng kinatatakutan
that someday we will be in vain

Mga kolehiyong nagtapos
nagmamadaling sumakay sa train

Tren ng maka-masang paniniwala
nagtratrabaho para may makain o
mapakain

nakakalungkot o nakakatakot
isipin na balang araw kung
hindi simenteryo

Eh doon sa Senior Home Care
ka di-deretso

Mas masaklap eh maging palaboy
at matulog ka nalang sa
kanto-kanto…

Pero ganun ata ang buhay talaga
darating na ikaw ay mag-iisa

Pwera nalang kung ikaw ang
mauuna… (Huwag naman sana.)

Kaya siguro mahirap ang
may kaaway kasi baka
araw dumating
Kayong dalawa nalang ang
matira kasi iba sa inyo mayroon ng taning…

Kapag mga ganitong
bagay iyong inisip sigurado
ikay medyo mapra-praning

Pero huwag mong iwalang bahala
ang mga ganitong pahaging

Kasi pag nangyari na ito
sa buhay mo

Di ka pwede magdahilan
o magreklamo

Kaya sa pangungulila
ikaw ay kumalma

Wag mabalisa sa wala
para ka noong tanga
Basta enjoy lang ang buhay
at kung walang pera

Gamitin ang malikhaing utak
habang nakahiga sa kama

Sigurado dadating din yan
at yong malalaman

Na ang pangungulila papaano
mo ito masusulusyunan

Sa huli muli kung sasabihin
kung nangungulila ka

Di ka nagiisa manapa marami
kang kasama…

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: