SA KULAY NG BUHAY NAGKAKATALO

Nailathala ko na noon sa blogsite na ito na may pinamagatang “ARE YOU LIVING OR DYING?” na pamagat.

Simple lang ang mga dapat mong gawin para mabuhay at yun ay kumain, uminom, matulog at maglibang.

Ang daling sabihin pero sa totoong buhay marami ang nahihirapan kasi ang pinaguusapan talaga rito ay hindi kung papaano ka mabuhay kundi papaano mabuhay na may kulay. Ang tanung pa minsan ay anung kulay ba ang gusto mo sa iyong buhay? May mga hirap sagutin at may mga alam kung ano ang kulay na gusto pero yung kulay na pinaghahalo niya ay malayong maging katulad nung kulay na gusto niya.

Actually yun ang problema ng marami, ano ba ang mga kulay na dapat paghaluin para lumabas ang ninanaais nating kulay? Ako ganun rin ang isyu ko. May sapat naman akong kakayahan para mabuhay pero sa kulay nagkakatalo.

Kaya nga sabi rin sa aklat ng buhay eh wag ikumpara ang sarili at mang-husga kasi baka hindi mo tunay na nauunawaan kung ano ba talaga ang pinagdaanan ng iyong kapwa. Di mo alam baka ang nakikita mong maliwanag na kulay ay nangaling sa madilim na pinturang maaring ayaw mong danasin.

Walang masamang magtanung o pag-aralan ang kalagayan ng iba pero maging maingat sa pagpili ng katotohanan para sa iyo dahil ito ang magsisilbing tagapagtaguyod ng iyong pagkatao o magbababa sa iyo.

Di ko na siguro hahabaan pa ang paliwanag. Madali lang ang mabuhay pero ang tanung may kulay ba? at kung meroon man ang huling tanung na kung iyong masasagot ng “OO” ay marahil isa ka sa mga tao sa mundo na may magandang buhay at ang tanung na ito ay….

Kung may kulay nga eh gusto mo ba naman ang kulay nito?

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: