DEAR KAMATAYAN

Kamusta ka na? Ano na ba ang percentage mo kada araw? Dati kasi sa pagkakatanda ko kada isang segundo o minuto ay 125,000 na tao ang kinukuhanan mo ng buhay sa buong mundo… ilan ba doon ang matatanda at mga bata?
Ilan ba doon ang aksidente at sinandya?

Ano ba talaga ang itsura mo? May nagsasabi na mukha ka raw kalansay, nakatalukbong ng itim na tela at may dala-dalang karit o kalawit, may nagsasabi naman na isa kang puting espiritu na kung saan nagpapakita ka mula sa langit na may nakakasilaw na puting liwanag…

Wala pa akong balak magpasundo sa iyo, kahit na ang iba sa amin ay handa na pero hangat maari gusto parin namin mabuhay pa.

Pero curiouse lang ako kung totoo ngang may taga sundo na tulad mo
papaano ka kaya napapunta sa ganyang pwesto?

Di ka ba naawa sa mga kinukuha mo ng biglaan at di ka ba nagtatanung
kung minsan bakit di nalang yung mga masasamang loob ang unahin mo?

Lalo na yung mga magnanakaw sa gobyerno na nagpapahirap sa mga
maliliit na tao?

Ano ba ang feeling kapag sumakabilang buhay na ang isang tao?

May mga naririnig akong kwento na maginhawa daw ang pakiramdam
at malayo sa mga nakikita o napapanood mo sa TV.

Meroon ba talagang Langit at Impyerno? totoo ba na may Purgatoryo?

Anung taon ba ang masasabi mong pinaka maraming namatay?

Anong taon naman yung pinaka kaunti?

Kung ikaw ang tatanungin ano ba mairerekumenda mong mainam
na “cause of death”? Biglaan ba? yung tipong dahil sa aksidente
o yung mga tinataningan ang buhay dahil sa mga sakit na cancer o aids?

Pabor ka ba sa tinatawag na euthanasia o mercy killing?
Para daw tapusin na ang paghihirap ng isang partikular na tao?

Totoo ba ang reincarnation?

Pabor ka ba sa katawan na sinusunog pag patay na o doon
sa inililibing kaagad?

Ilang linggo lang ba dapat itagal ang burol ng isang tao?

Ano ba masasabi mo sa mga taong nag su-suicide? Pinadadali
ba nila trabaho mo o perwisyo? Kasi baka pinangunahan ka nila
sa timeline mo.

May maishe-share ka ba sa akin na pointers paano malaman
kung ang isang tao ay kukunin mo na? Ano ba mga sinyales?
Makikita mo ba sa itsura nila? o nahihilig sila sa isang partikular
na bagay?

Masasabi mo ba kung anung edad lang dapat mabuhay ang tao?
Kasi di ba may mga taong masyado ng matanda at sabi pa ng
iba dapat daw kinukuha na ang mga ito pero gusto ko rin malaman
baka alam mo ang sagot, paano namin malalaman na may sasay pa
ang buhay namin? Meroon ka bang criteria kung bakit mo kinukuha
ang isang buhay ng tao?

Kung minsan pakyawan ka kumuha halimbawa sa isang plane crash
bus accident o di kaya sa isang hostage drama, ano ang pagka-pare-pareho
ng mga taong naroroon sa pangyayari na iyon?

Nakakatakot marning baka ang sagot mo eh “tsambahan” lang.

Kasi kung ganun lang rin pwede ba i-delay mo na kami ng mga
mahal ko sa buhay?

May nagsabi na…

“A man whose not ready to die is not yet ready to live”

Gaano ito katotoo para sa iyo?

Para sa iyo na naririyan
sa kabilang mundo anung depinisyon ang ibibigay
mo sa buhay ng tao?

Para lang ba itong panaginip na darating ang isang araw
na mawawala nalang lahat ng ala-ala namin ng parang bula?

O may kaugnay parin ang mga ginawa namin dito sa lupa
patungo riyan sa mundong ginagagalawan mo ngayon?

Marami pa akong tanung at marami pa akong gustong sabihin
sa iyo pero sa ngayon hangang dito nalang muna
ang liham ko na ito, nawa sana ay tagalan pa ang
panahon na magkita o kuhanin kami dahil kahit medyo
maraming pagsubok dito sa lupa eh nag-eenjoy parin naman
kami.

So ganoon nalang…

Ang Buhay na Buhay na si
Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: