Dear Paul Walker aka Brian O’Conner

Ilang buwan narin ang lumipas mula noong lisanin mo ang mundong ito at iwanan ang iyong mga mahal sa buhay, mga kaibigan at ang milyon-milyon mong mga taga hanga na kung saan ako’y kabilang dito.

 

Isinulat ko ang artikulong ito sa wikang tagalog dahil alam ko naman kung sakaling mababasa mo ito dyan sa kabilang buhay ay malamang na miintindihan mo ito dahil ang pagkakaalam ko sa mundo mo ngayon ay wala ng division ang wika…

Siya nga pala ang artikulo kung ito ay kabilang sa tinatawag kung mga TWO-THUMBS UP! Bale ito ay kinaiimpukan ng mga papuri at pagbibigay pansin sa mga taong para sa akin ay pwedeng gawing huwaran at pagkuhanan ng inspirasyon sa buhay.

Pero sa pagkakataong ito para sa iyo ay hindi ko na siguro sasabihin pa kung sino ka sa industriya ng pelikula dahil sa panahong ito alam na alam ng mga tao (keh Filipino o Amerikano) kung sino ka at ano ang narating mo at pwede pa sanang makamit…

Sa artikulong ito ay nais kung magpasalamat sa iyo sa dalawang bagay…

 

Una…

 

Salamat sa ibinigay mong attensyon noong tinaman ng malakas na bagyo ang aming bansa. Nakita ko sa isang shared video sa Facebook ang iyong mensahe kasama ang mga kasamahan sa ginagawang Fast and Furious 7 at dito iyong sinabi ang iyong pag-aalala sa aming kalagayan, siguro kaya ramdam mo ang aming dinanas ay dahil noong ginagawa mo yung pelikulang HOURS ay naramdaman mo rin ang sitwasyon sa mga ganitong pagkakataon.

 

Pangalawa…

 

Salamat ng Marami sa mga ala-alang iniwan mo sa aming henerasyon… Siguro sa buhay pagkabinata ko noon aking 20’s ay malaking bahagi ang ginawa ninyong pelikulang (The) Fast and (The) Furious… Ewan ko kung dapat ko ba itong ipagmalaki pero sa mga pelikula ninyo ako na-inspired para maging kas-kasero noong minamaneho ko yung aking Mitsubishi Lancer sa Quiapo, Monumento at Abad Santos… Dahil din sa mga Pelikula ninyo ako ay naging interesadong patakbuhin ang aking oto ng 180kph ang bilis doon sa highway ng NLEX at SLEX mga year 2004-2005 pa ata iyon at dahil sa mga pelikula ninyo naging enthusiast ako sa kotche… Malawak pala na gawing libangan ang kotche dahil may mga nahihilig sa karera, show-type o di naman kaya ay sound set-up.

Magastos ang libangan na ito kaya nga nag-Saudi ako para kako sana maka-ipon pambili ng ipapalit na makina sa Lancer ko pero nung nakarating na ako dito sa gitnang silangan nag-iba na ang pananaw ko sa buhay… Pero ang hilig ko sa sasakyan ay naroroon parin, Fan parin ako ng mga Pelikula ninyo ni Vin Diesel actually siguro Pelikula nyo rin ang dahilan kung bakit lagi akong nagkakalbo… Siguro “fashion wise” Dom Torreto ang Peg ko pero in my heart Brian O’Conner ako siguro dahil si Brian ay isang Lawman na kamalaunan ay naging outlaw narin… Hindi naman ako naging outlaw pero dati meroon rin akong batas na kung saan itinali ko ang aking sarili pero kamalaunan ito’y akin narin kinalasan…

Ang akala ko tapos na ang The Fast and The Furious noong inilabas yung 2 Fast 2 Furious kasi sabi nila medyo na-miss ng mga tao yung character ni Vin, Matagal din natenga bago masundan ulit ang 2 Fast 2 Furious pero noong sumunod yung Tokyo Drift dito na ako kinutuban na baka masundan pa ito at hindi nga ako nagkamali… hindi lang nasundan ng isa pang pelikula kundi sa pagkakaalam ko parang gusto ninyong paabutin ang franchise na ito hangang Fast and Furiouse 12 to 16? Sabi ng iba hindi sila pabor sa Franchising ng mga pelikula kasi parang pineperahan lang ang tao, para naman sa akin basta ba maganda ang pagkakalatag ng istorya ay ayos lang, hindi naman tayo pinupwersa ng mga artista manood…

Sana nga Paul magkatotoo parin ito… Alam mo ba na nausog ang opening ng F&F 7 sa taong 2015 imbis na ngayon 2014? Ang sabi-sabi aayusin nila ito ng mabuti at ikaw raw ang mas palalabasin nilang bida sa pelikulang iyon…

Ang akin lang sana magtagumpay ulit ang Fast and Furious 7 kapag itoy inilabas na…

Siguro hangang dito nalang at muli salamat sa lahat ng magagandang ala-ala na iniwan mo, hindi ko alam kung ano ang lagay mo diyan sa kabilang mundo pero ang masasabi ko kung nasaan ka man sana masaya ka diyan! Paki sabi narin kila Mang Dolphy, FPJ, Francise Magalona, Stephen Covey at Jim Rohn na sana okay sila diyan at miss na namin kayong lahat dito…

Hangang dito nalang ang iyong taga-hanga

 
TWO THUMBS-UP!

Rocky Rivera…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: