MA-BANKRUFT SA KAIBIGAN?

Nakakatakot isiping ma-bankruft ka… yung tipong malimas ang buong ari-arian mo. Yung tipong back to zero ka nanaman… kumbaga sa computer para bang nasiraan ka ng hard drive na dito pa naman naka-impok ang halos lahat mong mga importanteng dokumento, litrato atbp.

Pero minsan maiisip mo rin mainam ding mangyari iyon, para ba matuto, para makita mo ng malinaw kung alin ba talaga sa mga inaari mo yung dapat at kelangan… para maintindihan mong maigi kung sino sa kanila ang mas importante.

Ganun rin sa kaibigan o barkada… medyo brutal sabihin pero minsan may mga naging kaibigan ka na imbis na nag-aangat sa iyo pataas ay magugunita mo nalang na isa pala sila sa mga salot sa buhay mo…

Kaya dumadating sa buhay natin na para bang nawalan ka ng mga kaibigan, dahil siguro nawalan narin kayo ng komunikasyon o basta nalang napagtripan ninyong dumistansya sa isat-isa.

MAy mga taong ganito… ayaw nilang mawawalan nung mga kaibigan na makakakwentuhan o makakasama pero may mga tao rin na gusto iba-iba yung nakakahalobilo. Mahirap rin kasi yung iba-iba ang nakakahalubilo, nakakapagod mag-adjust pero may mga pagkakataon na kelangan lalo na kung gusto mo ng isang pagbabago sa buhay mo tapos yung mga naturingan mong kaibigan ay taliwas ang linya ng kanilang pamumuhay kumpara sa pinapangarap mong pagbabago.

Kaya kung dumating sa punto ng buhay mo na na-BANKRUFT ka sa kaibigan eh wag mag-panic kundi ang suhestyon ko sa iyo ay “enjoy” the moment, take it as a blessings kasi maraming mga tao sa mundo na humihiling na sana naririyan rin sila sa kalagayan mo. Mahirap kumawala sa isang sirkulo ng barkadahan o kaibigan kasi baka mapagbintangan ka na yumayabang, nananabla o di kaya naman ay umiiwas sa kanila. Tangapin rin natin na minsan ang relasyon ng mga magkakaibigan eh hindi parang mag-asawa na para bang pag kayo na magkakasama ay kayo na… Syempre kayo-kayo may kanya-kanyang trip sa buhay at hindi naman lahat nung trip nya ay kaya mong sakyan at ganun rin siya kung kaya karapatan ninyo pareho na magbigayan ng espasyo ng walang samaan ng loob.

Tulad sa hard-disk ng computer kapag na-bangkruft ka sa kaibigan the bright side is makakapamili ka ng maigi kung anung uri ng mga tao ang iinstall mo sa sirkulo ng iyong friendship kumbaga makakapagsimula ka muli ng malinis.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: