HINDI DAHIL SA MATABA KA

Ang artikulong ito ay para sa mga kapwa ko
na takot mawalan ng ABs o dika kaya doon
sa mga taong takot na takot manumbalik ang
kanilang natunaw na taba sa katawan…

Madali lang namang sagutin kung bakit
ayaw ng isang taong mawala ang kanyang Abs
o di kaya ay kung bakit ayaw niyang bumigat
ang timbang ulit, dahil sa pangkalusugan
na dahilan o di kaya ay para makalayo sa mga
posibleng sakit na maidulot nito…

Pero kung tititigan natin ng mabuti
may makikita ka pang ibang dahilan
na may malaking ugnay sa kinatatakutang pagbabalik ng nalusaw na taba…
Napansin ko na malaki ang kaugnayan nung
kanilang “love life” o pakikipag-relasyon…
Ayon sa aking mga nakikita mas pursigido o
takot na bumigat ang timbang nung mga taong
single, seperated o lalo na yung mga may
tamang hinala sa kanilang katipan.

Hindi mahirap unawain dahil kapag nasa
ganyan kang punto ng buhay karaniwang
inuuna nating pagtuunan ng pansin ay ang
ating panlabas na anyo… Ganito kasi
ang kinagisnan nating paniniwala… ang ayusin
kung ano ang nasa labas pero hindi natin naisip o napansin na ang problema ay nasa loob… Sabi nga ni Wayne Dyer para daw bang nahulog mo ang susi ng iyong kotse sa loob ng iyong bahay pero hinahanap mo ang susi sa labas ng iyong bakuran… nakakatawa isipin pero isang magandang halimbawa yung tinatalakay ng artikulong ito.

Maraming mga gustong pumayat o magkaroon ng abs pero bakit marami ang hangang ngayon hindi parin naikakasatuparan ito? O di naman kaya eh magawa mo mang magpababa ng timbang pero ilang linggo lang ay magbabalik ulit ang mga naibawas mong timbang at kung minsan ay mas marami pa!

Halimbawa nalang nga ay kaya ka siguro nagpapapayat ay dahil gusto mo makakuha ng mga magagandang kumento patungkol sa iyong panlabas na anyo mula sa iyong mga kakilala o kaibigan pero kung minsan darating tayo sa puntong hindi na natin matiis ang parusang ginagawa natin sa ating sarili tuwing training kaya darating nalang ang isang araw na bibigay ka nalang at huwag kang magtaka na ang pinaghirapan mong figure ng ilang buwan ay wala na makalipas ang ilang linggo… Sa ganitong sitwasyon ay isipin mo rin ang mga taong di umano ay gusto mong makita na nagbibigay sa iyo ng papuri ayon sa iyong physical na anyo… sino ba sila? at ano kaba? sila ba eh crush mo, director o producer? Sino ka ba? artista, modelo o ayaw mo lang makarinig ng mga negatibong comments sa iyong physical na anyo? Kung ayaw mo lang makarinig ng mga negatibong komento ay baka mas maigi na alisin mo yung partikular na taong nagbibigay sa iyo ng negatibong komento sa sirkulasyon ng iyong mga kaibigan, hindi ko sinasabing awayin o basta nalang layuan kundi gumawa ka ng paraan na kung saan ang kanyang mga kumento ay hindi magiging malaking isyu para sa iyo.

Ang sa akin sa pagkakaintindi ko meroon talagang mga taong tumataba at ang husgahan sila eh hindi makatarungan para sa akin, sabihin na nating matakaw sila sa pagkain at para sa akin ayus na ito kesa sa naging matakaw sa bawal na gamot…

hindi ko naman sinasabing huwag tayong magpapayat o masamang magka-abs pero ang punto ko lang hindi isang kasalanan kung mataba ka o wala kang abs. Lahat tayo mamamatay keh meh Abs o wala keh vegetarian o meat lovers ka ang tanung na una natin dapat bigyan ng pansin eh masaya ka ba sa buhay mo ngayon?

Tungkol naman doon sa mga Single na nagaabang o mga Separated/Single na umaasa okay naman na dapat nga ayusin ang panlabas na anyo sa totoo lang lahat naman tayo dapat ganoon pero ang suhestyon ko lang naman eh tignan din natin ang ating karakter o espirituwal na anyo lalo na doon sa mga separated magbalik tanaw tayo sa nakaraang relasyon kahit na ba ikaw ang niloko wala namang masama kung kahit papaano subukan mong repasuhin ang mga nangyari noon baka meroon ka ring isyu at wala namang masama kung magagawan mo ito ng paraan para hindi na maulit sa susunod…. ika nga nila “Past is Past” at sang-ayon naman ako diyan pero ang punto ko lang ay sa ating pagbabalik tanaw puntiryahin nating makilala pang lubos ang ating sarili at hindi para saktan pa ang ating damdamin. Pabor ako sa mangarap ng maganda at mabuti sa darating na bagong araw pero huwag rin nating ikubli na meroon rin tayong magagamit sa ating nakaraan para tukuyin ang bukas.

Doon naman sa mga single kung siryosohan ang hinahanap ninyo ay tandaang doon sa karakter ng tao tayo dapat tumingin, syempre sangayon ako na dapat tipo mo yung physical na anyo pero kung tipo mo nga ang panlabas pero alangan ka sa ugali eh payong kapatid ko lang sa iyo na umiwas ka sa nagbabantang sakit ng ulo…. Huwag mo ng hintaying maging biktima ka pa ng pang-aalipusta o di kaya ay baka makaliwa ka pa.
Sa huli ay sangayon naman ako na kapag nasulusyunan mo ang isang problema ay nagkakaroon ito ng magandang epekto, halimbawa mula sa kalusugan tumatawid rin ito sa karakter o espirituwal pero kung magagawa mong matumbok kaagad kung saan ang problema bakit di mo simulan doon mismo kung saan nagmumula?

Baka hindi dahil sa mabigat ang timbang mo kaya ka may problema, subkan mo ring dumistansya at di malayong iyong makikita kung ano ba talaga.

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.