PANSIN MO BA PAULIT-ULIT LANG ANG BUHAY BLOGISTA?

Sa pakiramdam ko mas dumami ang mga blogero ngayon
Kasi madali nalang… kung gusto mo magkaroon ng blogsite
pumunta ka lang sa google at i-type mo na “How to make blogsite”
then press enter at paniguradong maraming mga kawing o link ang lalabas para gumabay sayo sa pag-gawa ng blogsite…

Kung marami ang nagtatayo ng blogsite ay marami rin
ang nagsasarado…

Kung susubukan mong bumisita sa ilang mga blogsite
eh karamihan lang sa kanila parang pagkatpos maglathala
ng sampung artikulo eh tumigil na sa paglalathala.

Kapag tinignan mo pa nga ang mga petsa ng kanilang
pag-uupload ay halos sunod-sunod na araw kung minsan
pa nga sa isang araw lang ang dami ng nai-post pero
pagkalipas ng ilang lingo o buwan tumutumal na
hangang sa tuluyan ng tumigil at halos makalimutan
na siguro kung ano ba ang password ng kanyang blog-account.

Ang RockyRivera.wordpress.com ay muntikan ng magkaganito…
Sa totoo lang ilang beses na ba natigil sa paglalathala?
maraming beses na… maraming beses narin akong sumulat
na hindi ko na hahayaang lumipas ang isang lingo o buwan na hindi ako
makapaglathala sa blogsite na ito pero nakakalungkot sabihin
na ang pangakong iyon ay ilang beses narin napako.

Tinanung ko sarili ko kung bakit?
Tinignan ko ang daloy ng paglalathala
nung mga hinahangaan kung bloger na sila Steve Pavlina at
Brian Kim at hindi kami halos nagkakalayo ng sitwasyon
talagang sa una siguro masigasig ka sa paglalathala
dahil ang dami mong gustong sabihin, ibahagi at ipunto
pero kamalaunan mauubusan ka rin at kelangan mo
magpahinga ng sa gayon makapag-karga ka ng bagong
enerhiya at salaminin ang sarili para makita
mo kung ano ba ang bago mong pwedeng ibahagi
sa iyong kapwa na sa paniniwala mo ay malaking
kapakinabangan kung malaman nila.

Nagkakatalo doon sa pahinga, kasi sa iyong pagtigil
sa pagsulat dapat doon ka kumukuha ng inspirasyon
o mga impormasyon para pagisipan o pag-aralan
kung alin dito ang iyong isusulat para maibahagi sa iba.

Sa totoo lang minsan mahirap palitan ang naubos na inspirasyon
kasi kailangan mo ng panahon… hindi ito kayang madaliin
ayon sa aking karanasan, kelangan mo talaga maghintay.

Kaya parang sa palagay ko yung mga sikat na manunulat
lalo na sa mga nobela ay natatagalan sila sundan ang
sumikat nilang libro dahil ang pagsusulat ay malakas
makaubos ng lakas. Hindi lang physikal kundi maging emosyonal
o espirituwal.

Mas mahirap makabalik ang dati mong sigla kung ang inaasahan
mo ay hindin nangyari. Halimbawa may inaasahan kang
bebenta ang isinulat mo o hahakot ng papuri o pansin sa masa.

Mahirap umasa pero mas mahirap huwag umasa… Dahil
sa pag-asa madalas mo makukuha ang iyong inspirasyon na
kung saan sa inspirasyon mo mahuhugot ang lakas, sigla
at gilas na hindi mo makuha sa iba.

Kaya maging maingat sa pagpili ng magbibigay sa iyo ng inspirasyon
mag-ingat sa kung ano o alin ang magbibigay sa iyo
ng pag-asa.

Walang pinagkaiba sa pagiging empleyado o pangangamuhan…
Di purke malaki sweldo ayos na, alamin mo kung sino Boss
mo dahil baka ang inaakala mong trabahong magbibigay sa iyo
ng pag-asenso ay dagok pala sa iyong pagkatao….
Kung sakali mang mamaster mo kung papaano maiwasang maubusan
ng inspirasyon at magsulat ng may kalidad sigurado ako
na mas mahihirapan ka sa isyu ng pagkabato o pagka-inip.

Dadating ang panahon na magsasawa ka na… di dahil sa
hindi bumibenta ang mga naisulat mo o hindi dahil sa
walang pumapansin nito kundi ” your simply bored”

kasi paulit-ulit nalang, magpopost ka tapos meroong
mag-cocomment o di kaya malalaman mo na meroon ka palang
na-touch o na-inspired na tao. Sa una ayus lang, masaya pero
kamalaunan magsasawa ka na di dahil sa yumabang ka o ano man
pero likas sa tao na maumay… kahit masarap ang isang ulam
pero iyon at iyon ang kinakain mong luto eh hindi naman mahirap
intindihing magsasawa ka rin.

Siguro sa ngayon hindi mo ito alintana lalo na kung baguhan ka,
marami ka pang pwedeng ranasin, at hindi mo maintindihan
bakit ang mga kapwa mong matagal ng blogero ay sinayang ang bandwith
ng cyberworld at basta nalang nagsara o inabanduna ang kanilang
blogohan (o blogsite)

Mapapansin mo rin balang araw na paulit-ulit lang…
Normal lang iyan kelangan mo lang siguro magpahinga
mag reinvent at kamalaunan sumulat muli kung ang pagsulat
ay nasasa puso mo pa rin.

Wala namang masama kung kamalaunan mapagdesisyunan mo
ng isara ang iyong blogsite sabi nga sa isang insperational
page na ni-like ko ay “Silence is better than B#llSh#t”

Kung sa tingin mo wala kang maisulat na matino, walang isyu
kung magpahinga ka ng matagal at kung sa kabila ng mahaba
mong bakasyon ay ganoon ka parin na para bang hindi ka
parin inspiradong sumulat ay dapat siguro pag-isipan mo kung
isasara mo na ito o dapat kang gumawa ng isang artikulo
patungkol sa kung bakit hindi ka na makakapaglathala pang muli…
Nakakaloko isipin pero hindi natin alam kung sinu-sino ang
mga taga-basa mo, isang symbolo ng pag-galang o pagpapahalaga
sa kanila kung ipapaalam mo sa kanila sa pamamagitan ng isang
artikulo kung bakit mo ititigil ang hindi mo pagsulat.

Paulit-ulit lang minsan talaga nakakasawa kaagad
pero ganoon talaga lahat may roong hanganan para
sa ibang bagay masimulan naman natin ang panibagong hakbang.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: