ANG BOSS NG BOSS NG BOSS…MO

Lahat ng Bossing eh may Bossing
at yung kanilang Bossing ay mayroon ring
Bossing at yung Boss ng Boss ng Bossing mo
ay may Boss hangang sa marating mo ang tuk-tok
ng line-up ng isang kumpanya o organisasyon…

Maaring mawala ka nga sa sinusundan
mong linya doon sa tinitignan mong chart board dahil posible na sa kaitaasan ay
dumami ng dumami ang mga tinatawag na “AMO” o Bossing…

Kaya wag kang magtaka kung minsan ang isang
kumpanya ay may mga batas o desisyong hindi
mo maintindihan kung bakit ganoon ang kinalabasan…

Siguro sa una aakalain mo yung Supervisor mo ay masasagot
ang tanung mo pero kadalasan hindi ka makukuntento sa mga
matatangap mo na sagot dahil maraming butas at kadalasan
sa mga sagot na ito ay may kasamang ganitong mga linya…

“iyan kasi utos sa itaas”
“iyan kasi ang nasa policy”
“yan ang sabi ni Sir”

Ang ganitong mga linya ay maririnig at maririnig mo
keh magtungo ka sa Department Manager o di kaya dumiretso  sa Regional Manager hangang makarating ka sa CEO eh sasabihin parin niya sa iyo na meroong “BOARD MEMBERS” na kung saan pagbobotohan kung aayon ba sila sa isang partikular na desisyon, panukalang batas o suhistyon.

Kahit nga ang Presidente ng ano mang samahan o Bansa sila ay may mga tao paring mga pinagkukunan ng opinyon patungkol sa mga nakalatag na desisyon, so yung mga taong pinagkukunan niya ng opinyon pwede mo ring sabihing sa isang banda ay tinuturing niya itong AMO o Bossing, maaring sabihin mo rin na alangan sa BOSSING na titulo pero kung iisipin mo alangan ring tawaging ADVISER lamang…

Kaya para sa akin hindi ko rekumendadong isalalay mo ang
iyong buhay sa isang kumpanya dahil sa isang kumpanya kung
titignan mo ay hindi malinaw kung sino ba talaga ang pinaka Bossing o Amo dito…

Mawalang galang at pasintabi lang sa Gobeyerno ng Pilipinas
pero para sa akin kahit siguro sa Gobyerno natin hindi rekomendadong isaalang-alang ang buhay mo dito dahil kung minsan nga nagtataka tayo kung ang mga pinuno nga ba talaga natin ang siyang nagdedesisyon sa kanilang mga piniling hakbang?

Alam ko na isang “common sense” na dapat tayong maging indepent

Sabi nga ng isang Kanong presidente eh

“Don’t Ask what your country can do to you but Ask yourself what you can do to your country”
pero “obviouse” naman na hindi natin isinasagawa ang mga “common sense” na dapat nating gawin.
Ang gusto ko lang namang linawin sa artikulong ito ay ang mga AMO o Bossing eh mga empleyado rin… Hindi sila mga Diyos na tulad ng ating inaakala… Tulad ng mga clerk, secretary, encoder etc. ay may kinakatakutan din silang BOSS at guess what yung BOSS nila ay may BoSS rin na kanilang kinatatakutan at so on and so fort…

Kaya wag magtaka kung minsan ang AMO mo na di umano ay ka CLOSE MO at baka kainuman mo pa nga kung minsan ay walang magawa sa isang batas na ikaw ay nabiktima dahil tulad ng sinasabi ko sila ay katulad mo rin na sumusunod lamang…

Kaya dahan-dahan lang sa pagsip-sip at baka ika’y masobrahan… Mas mainam parin na sinusubukan mong pakisamahan ang lahat, alam ko na hindi mo kayang pag-bigyan lahat pero at least maramdaman nilang sinusubukan mo…

hindi iyong masyadong bulgar na ikaw ay maayos lamang sa Amo mo…

Sa huli hindi mo alam kung sino dadamay sa iyo, magugulat ka nalang yung taong pinakitaan mo ng kapirangot na kabutihan ay siya pa pala ang magliligtas sa iyo…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: