BAKIT GUMAGANDANG LALAKE O BABAE KAPAG NAG-ARTISTA? (MIND TRICK)

Bakit nga ba?

Diretsong sagot ay…

MIND TRICK

Pwede mo ring sabihing “Camera” Trick…

Pero mas angkop sa tingin ko yung “Mind trick”

Kasi nitong mga nakaraang panahon naging
interesado ako sa film production, katuwaan lang
trip ko lang na i-package ang bawat moment sa buhay ko
sa pamamagitan ng litrato, musika at eto nga pati
narin ng video o pelikula.

Nagbasa-basa ako ng mga libro patungkol sa
pag-gawa ng pelikula at pag-arte…

May mga nagawa narin akong mga very short
film at karamihan nito ay nai-post ko na sa aking Facebook
Napansin ko lang noong gumagawa ako ng
short films ay pwede mo palang pagandahin ang
itsura ng isang tao sa video, hindi dahil sa
mamanipulahin mo ang kanyang mukha o katawan na
parang sa photoshop.

Sabi nga lahat ng tao ay maganda o gwapo naman…

sa mundo siguro ng pelikula ay tangap rin ang
ganitong paniniwala pero yung salitang “ganda” o
“gwapo” ay pinapalitan ng salitang “angulo” (angle)

Ayon sa aking karanasan sa paghawak ng camera keh picture o pang video lahat ng tao ay may kanya-kanyang
“angulo” lahat tayo mayroong hiyang na posing na kapag pinorma natin iyon kapag nagpapakuha ng litrato ay malakas
ang ating dating o gwapo tignan! Ganun rin kapag video ang usapan may angulo na kapag kinukunan ka patagilid ng kaunti
ay makisig ang dating. Isama mo narin diyan ang tulong ng “ilaw” keh picture o video malaking bagay ang ilaw, kanya-kanya rin ng hiyang nito sa kamera, may mga taong mas maganda tignan kapag medyo natural ang ilaw at may mga taong lalabas ang ganda kapag medyo tinaasan ang grado ng liwanag. Syempre yung mismong likas na anyo ng tao eh malaking tulong saka yung mga accesories akala mo lang maliit na bagay pero sa harap ng kamera malaki ang nagagawa nitong tulong.
Ngayon ano ibig kung sabihin sa MIND TRICK kaya gumagwapo ang isang lalake o babae kapag nag-aartista?

Sa pagkakatanda ko noong nagbabasa-basa ako tungkol sa thinking at attitude ng tao ang sabi ay kung saan mo ituon ang iyong isip ay doon ito tutungo at magsusumikap na magpalago… Ibig kung sabihin ay ganito… Sa pagkakataong ito itanung mo sa sarili mo na sa iyong kinalalagyan ngayon ay anu-ano ang mga bagay na kulay asul o blue? sige itanung mo ito sa isip mo at automatic makakahanap ka ng mga bagay na kulay blue, maaring yung pintura ng pader, yung logo sa calendaryo o yung damit mo…

Kadalasan sa mga manonood ng TV o pelikula kapag madalas nating nakikita ang isang artista sa movie o teleserye ay siguradong inayos o na-edit na ang mga video na kung saan siya ay lumabas, ibig sabihin ay napili na ang mga angulo na angkop sa kanyang role at syempre magada siya tignan lalo na kung siya ang bida… Sa ganitong paraan na paulit-ulit nating nakikita sila sa TV o anomang gamit na napapanooran ay hindi natin namamalayan na ang nai-rerecord ng ating utak ang paniniwalang magandang babae si Female actess o gwapo si Male actor.

Kamalaunan parang na-hypnotize ka na at na-lock ka na sa paniniwalang perpekto sa physical na anyo si Male Actor o maganda si Female Actress…
Pero hit or miss din ito… Madalas o kung minsan kahit na edit na ng iyong video editor ang mga angulo na pinaniniwalaan niyang hindi maganda ay sa mata ng ibang manonood ay parang hindi ka parin ganoon “ka-bongga” sa kagandahan…

Kaya nga may maririnig kang mga comments na si Female/Male Actor/es ay hindi naman pala talaga ganun ka Pogi o ka-ganda pero may tututol naman na hindi totoong panget sa personal ang kanilang idol na si Female/Male Actor/es… Ang gulo ano? Pero ganun talaga kanya-kanya tayo ng panlasa o trip… May mga gusto na astig ang dating may mga gustong balanse lang…

Malaking bagay din talaga yung gagamiting “imahe” ng artista saka yung mga “sound track or backround music” na ipinatutugtog tuwing lumalabas siya sa isang teleserye o pelikula. Para sa akin sa pagpili ng iyong imahe ay importante na kumportable ka dito, yung bang kaya mong dalhin dahil isang malaking turn-off kahit saang fashion yung mapansin ng mga manonood o titingin sa iyo na parang naiirita ka sa suot mo… Tulad ng imahe para itong damit na isusuot mo at ipapakita sa mga manonood at ang makita nila na hindi ka kumportable ay isang malaking EKIS dahil dito palang mawawalan na sila ng tiwalang manood sa film or pelikula mo dahil nabigo ka na kubinsihin sila na ikaw nga ang imaheng dinadala o inaarte mo…
Gusto mo bang gumandang lalake o babae na hindi nagaartista sa mainstream media? edi subukan mong kuhanan ang sarili mo ng video at maghanap ka ng kahit na anung tema na siguradong “ikaw” yun o “buhay” mo ito saka wag kalimutan na ayusin o i-edit at pumili ng angulo na kung saan ang kakalabasan ng iyong itsura ay ayon sa gusto mong i-project na imahe…

Good Luck!

PS:
Hindi ko sinasabing panget ang mga artista at gumanda lang silang tignan dahil sa tulong ng camera… Pero hindi rin ako sang-ayon na sa mga gusto nilang palabasin ayon sa imahe nila… Ang pinaka gusto ko lang ipunto dito ay keh artista ka o hindi ay pareho kayong tao… kung pwede siyang magmukhang maganda sa harap ng camera ay kaya mo rin ito…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: