ANG BUHAY NG ESTUDYANTE, EMPLEYADO AT NEGOSYANTE PARE-PAREHO LANG

Ano ba buhay ng empleyado? tanung ng estudyante…
Ano ba buhay ng negosyante? tanung ng empleyado…

Ang sarap maging estudyante… buntong hininga ng Negosyante
at Empleyado…

ESTUDYANTE, EMPLEYADO AT NEGOSYANTE ito ang tatlong
malalaking kategorya ng mga tao sa ating lipunan.

Yung mga estudyante sabik ng maging empleyado, yung
mga empleyado nananalangin na sana mag-kamal ng
malaking pera para pang puhunan at may mga negosyante
rin na nagsasabing iba parin kapag empleyado ka sure daw ang kita.

Nadaanan na namin lahat ng kategoryang iyan, ngayong
kasalukuyan akoy aktibong empleyado.

Lahat ng iyan ay AYOS! kung gusto mo siya.

Kung gusto mo ang pinag-aaralan mo, kung gusto mo trabaho mo
at kung gusto mo ang serbisyong nilalako mo
lahat yan ay masaya! Pero kung hindi eh
nakakatamad, nakakasawa at nakaka-stress ang mga
ito…

Lahat ng iyan kinakapus din sa pera kaya kung inaakala
mo kapag naging empleyado o negosyante ka na
ay mawawala na ang problema mo pang financial eh
nagkakamali ka. Lalo naman kung maging estudyante
ka ulit mas malinaw ang posibilidad na kapusin ka
sa budget.

Ang punto ko lang sa artikulong ito ay ang problema
ay nangyayari sa kanino man at hindi ito mawawala
kapag nagbago ka na ng estado, maaring yung problemang
pang estudyante eh mawawala kapag naging empleyado ka
na pero mapapalitan naman ito ng problemang pang empleyado.

Ganun rin sa mga empleyado hindi totoo na kapag naging
mga negosyante tayo eh wala na tayong problema, siguro nga
yung mga publema pang empleyado mawawala pero mapapalitan naman
ng problemang pang negosyante.

Walang problema kung gusto mo maging empleyado, negosyante
o estudyante ulit basta kung ano ka ngayon pagbutihan mo.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: