PAANO ILUGAR ANG PAGIGING “POSITIVE THINKER”

Mga late 90’s ata nauso sa Pinas yung sinasabing “THINK POSITIVE” o “Be POSITIVE” saka POSITIVE PERSON!

Matagal ng uso ito sa Amerika at iba pang bansa…
Sa pagkakatanda ko noong mga late 90’s ito
nakapasok sa Pinas at kamalaunan nga eh eto
na at parang naging mediocore na…

Dati kapag sinabing Positive Thinker or Person
ang iisipin ng mga tao eh

puno ng pag-asa ang taong ito

marami siyang maibabahaging solusyon

masarap kasama ang taong Positibo

Pero ngayon kapag sinasabing “Positive Person” or
Positive Thinker ang iniisip ng mga tao ngayon eh

NAKU! Illusyonado o Illusyunero yan!

Baguhan yan!

Hindi pa yan nakakaranas ng totoong karanasan!

Kasi totoo naman talaga na hindi mo mareresolba
ang isang problema sa pag-iisip lamang ng positive… Kelangan mo “gumawa”… Oo totoo na walang imposible sa taong
sumasampalataya, sabi nga eh “FAITH CAN MOVE MOUNTAIN”
Pero ang tanung eh PAANO MO GAGAWING mai-usog ang bundok? Alam ko rin na may sinasabing JUST BELIEVE AND YOU WILL BE LEAD…
Pero hindi ibig sabihin noon na basta maniwala ka nalang
ay may gagabay sa iyo… Kelangan mo parin “kumilos”
, “maghanap” at timbangin ang sitwasyon…

Ang pagiging positive thinker ay isa
sa pinaka importanteng sangkap para mapagtagumpayan ang mga pagsubok o problema pero hindi ibig sabihin na kahit
ito lang ang meroon ka ay pwede na! isa iyong malaking
pagkakamali ng mga Newbie Positive People…

Kumbaga sa pagpriprito ng manok hindi lang mantika ang kelangan mo, kailangan mo rin syempre ng asin, kawali, kalan, apoy, syanse at syempre yung manok mismo.

Kahit nga sa basketball yung koponan ng Chicago bulls noong 90’s eh talagang sasabihin ng mga tao na si Michael Jordan ang nagdadala sa koponan pero kung susuriin mo mabuti hindi kaya ni Michael mag-isa para buhatin ang team, kaya nga tinawag noon silang Power Trio nila Pipen at Rodman dahil si Michael Jordan man ay kailangan ng tulong.

Pero wala akong kontra sa pagkakaroon ng Positive Attitude or pagiging positive person. Yun nga lang dapat
inilulugar natin kasi may mga pagkakataon na napapansin ko
yung mga positive people ay hindi nila namamalayan na
nakaka-offend na pala sila ng kanilang kapwa. Lalo
na kung bigla ka nalang sisingit sa isang isyu at sasabihin
mo na ayos lang iyan kahit wala ka pa namang alam
sa nangyayari… Wala namang problema na sabihin mong
Okay lang iyan pero mas mainam bago mo sabihin iyon ay
alamin mo muna ng maigi ang sitwasyon, malalaman mo ang
sitwasyon kung “makikinig” ka ng mabuti at mula dito pakiramdaman mo kung angkop bang bitiwan yung salitang
“Ayos Lang Yan!” or just be positive! kasi may mga sitwasyon
na kahit ano pa gawin mo at kahit saan mo tignan ay
talagang malungkot, masama at talagang walang pag-asa.

Sa mga ganoong pagkakataon ang kailangan mo nalang gawin
ay tangapin ang sitwasyon at maghintay ng pagkakaktaong bumawi
sa susunod.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: