BAKIT MAHIRAP SA IBA MAGING POSITIVE THINKER?

Simple lang ang sagot ko diyan!

Duwag at Sinungaling sa sarili yung mga taong
nahihirapang maging positive thinker.

Ito paliwanag ko…

BAKIT DUWAG?

Kung alam na ng tao kung ano ang problema
at alam kung paano ito masulusyunan wala
ka dapat maging dahilan na maging negatibo.

Pwera nalang kung hindi mo kayang gawin
yung sagot sa problema mo.

Halimbawa eh kinamumuhian mo na ang
trabahong pinagtratrabahuhan mo ngayon
simple lang naman ang solusyon eh. Mag-resign
ka!

Pero kung natatakot ka na mawalan ng trabaho
kasi maghihirap ka, di mo na masustentuhan
ang luho mo at nag-aalala ka sa kung ano sasabihin
ng iba eh malinaw na hindi mahirap maging positive
thinker kundi ang problema e Duwag kang gawin
ang sagot sa problema mo.
BAKIT SINUNGALING?

Madali lang namang gamutin ang pagiging DUWAG!
Mahirap lang itong itama kung hahaluan mo
ng KASINUNGALINGAN! kasi hindi mo aaminin na
NADUDUWAG ka! kapag hindi mo aaminin iyon
hindi mo magugunita na mahina ka pa at may
mga pagkukulang.

Walang pinagkaiba iyan sa halimbawa ko
tungkol sa pagiging empleyado. Kung namumuhi
ka na sa trabaho mo at hindi mo malayas-layasan
eh dapat mong tangapin ang ang mga katotohanan
kung bakit hindi mo magawang umalis, hindi lang
yung katotohanan na tungkol sa luho o sasabihin ng ibang tao
kundi mga katotohanang mas nakatutok sa pagkatao mo.
Kasi baka kaya hindi mo pa magawang umalis eh
mukha kang pera, mayabang ka o tinatamad ka
lang maghanap ng ibang mapapasukan?
Tayong mga tao likas na sa atin yung itago
ang kaduwagan, wala naman publema doon basta
wag ka lang masasanay na itago ito palagi at dumating
ka sa puntong makalimutan mo na nakatago ang iyong
kaduwagan at panindiganan mo na walang problema sa
iyo kundi ang problema eh nasa iba, na kung saan itoy
maling-mali.

Kapag naduduwag ang tao madalas na nagdadahilan ito.
Yun! ang malaking problema kasi kapag nasobrahan ka sa
pagdadahilan kamalaunan akala mo walang problema sa iyo
pero ang laki pala ng isyu.
Kahit wag ka munang maging totoo sa kapwa mo
kundi maging totoo ka muna sa sarili mo makikita
mo yung mga parte sa buhay mo na dapat ayusin,
totoong sa una mahirap, mahirap kasi wala
kang ideya kung papaano lulutasin eh pero
kapag ang isang tao nagkaroon na ng ideya
ang epekto niyan ay masasabik siya at ang
pananabik ay isang sinyales ng positibong
pag-iisip.
Sabi nga sa mga kasulatan na ang katotohanan
ang magpapalaya sa iyo at naturalmente na
na ang pagiging sinungaling mo sa iyong
sarili ang nagsisilbi mong kulungan na kelangan
mong gawan ng paraan para ang iyong sarili ay
mapakawalan.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: