FIRST PHONE CALL FROM HEAVEN (NON-SPOILER)

Mula noon hangang ngayon ay hindi pa ako binibigo ni Mitch Albom
sa kanyang mga novela. Ang sarap basahin at talagang ayaw mong
bitawan ang libro hangat hindi pa sumasakit ang batok mo o di kaya
ay nangangawit ang mga mata. Sulit!

Wala pang 24 hours ay tinapos ko ang librong ito, dahil sa sobra
kung nagustuhan ang daloy ng istorya at hindi ko matangap na
ipag-pabukas pa na malaman kung ano ang mangyayari sa mga
susunod na kabanata.

Ang libro ay masasabi kung tungkol sa Pananampalataya sa Diyos at

pag-ibig.

Ang istorya ay tungkol sa isang maliit na baryo ng Coldwaters na
kung saan ang mga residente dito ay nakakatangap ng mga tawag
mula sa kanilang mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na.
Si Sully Harding ang pinaka sentro ng istoryang ito at sunod sa
kanya ay ang mga residente na nakakatangap ng tawag na nag mumula
sa langit.

Nung matapos kung basahin ang librong ito ay nasabi ko
na bahagi ng ating pangangailangan
ang magkaroon ng “inaasahan”. Keh ito ay Lanigt, pagtama sa Lotto
o posibleng tagumpay na makamit- Hindi nga importante kung
ano yung inaasahan mo na iyon, kung ito ba ay reyalistiko
o base sa pantasya lamang basta ang isang tao ay may inaasahan
masisigurado mo na ang taong ito ay may pagnanais pang mabuhay.

Dito ko tuloy nasabi na isa sa mga pinaka masamang gawin ng tao ay

paglaruan ang pag-asa ng kanyang kapwa katumbas kasi nito
eh ginawa mong biro ang kanyang buhay.

Ang pagiging mabuting tao o residente sa isang lugar o bayan
ay hindi dahil sa kung anung relihiyon ka kaanib kundi kung
anung uri ng tao ang pinili mo maging.

Hindi mo mapupunan ang isang pagkukulang ng pagkakamali lalo
na siguro kung ito ay patungkol sa pagiging isang Ama.

Hangang ngayon medyo groge pa ako sa pagtapos ko ng
pagbabasa ng librong ito at kayo na ang umalam
kung bakit ko naisulat ang mga ito.

Happy Reading…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: