LARO PARIN NG BASKETBALL KAHIT MATANDA NA

Laro parin kahit Oldies na WP

 

Sabi nila ang basketball ay para lang sa mga
batang edad mula 28 years old pababa at kapag narating
mo na yung edad na 34 years old pataas ay kelangan mo na raw
mag-hinay-hinay sa pagbabasketball o di naman kaya ay dapat mo
na daw itong tigilan.

Si Michael Jordan na kinikilala
nating pinaka mahusay na basketbolista ay
nagretiro sa pagbabasketball sa edad na 40 yrs. old.
dahil sa tinamong injury sa kanyang kanang tuhod.

Masakit pakingan na hindi ka na pwedeng maglaro ng
basketball… parang katumbas nito ay binawian mo ng buhay ang
isang manlalaro.

Sabihan mo ng matigas ang ulo ng isang tao
kung pilit parin niyang ginagawa ang isang
bagay na kahit alam niyang makakasama sa kanya…
halimbawa nalang nga yung paglalaro ng basketball
kahit sa kabila na alam niyang meroon ng lamat
ang ilang parte ng kanyang buto sa katawan pero sige parin
siya sa paglalaro…

Naiintindihan ko ang nararamdaman ng mga ganitong
tao, kasi nga naman ano ba silbi ng buhay kung
hindi mo gagawin ang magpapaligaya sa iyo…

Nakakabato ang mabuhay ng puro nalang
trabaho o pag-aaral, kailangan
naman nating kung minsan na aliwin ang ating sarili…

Marahil sabihin ng iba na pwede namang mag-iba
ng nilalarong sports, madaling sabihin iyon
pero hindi mo magagawang iwanan nalang basta-basta
ang isang gawain na napamahal na sa iyo.

Hindi mo naman kelangan maging napaka galing
na manlalaro para magkaroon ka ng karapatang
sabihing mahal mo ang larong ito.
Parte na sa kultura nating mga Filipino
ang maglaro ng basketball, noon pa man ito
ang karaniwan at popular nating aliwan.
Wala pa noong mga Playstation o Family Computer…
sa playground pa nagtatambay ang mga bata at
hindi sa Computer Cafe.

Basta may basketball ring ay ayos
na. keh nasa eskinita o kalsada ay
game na iyan.

Kahit nga ngayong makabagong panahon
hindi parin nawawala ang larong ito sa
ating bansa, marami parin ang nahihilig
at gustong maglaro nito.
Pero paano na nga kaya kung yung dati
mong gilas, bilis at lakas ay parang tila
nababawasan na? Paano kung yung dati mong
resistensya eh nauubos paunti-unti?

Ang iba nagdedesisyong tigilan at iwanan nalang
ang larong ito, dahilan nila para daw sa ikabubuti ng
kanilang kalusugan. Pero kung tutuusin kapag nagkakaedad ka
na ay mas lalong kailangan mo ng ehersisyo.

Wala namang masama kung hindi ka na kasing bilis
nung dati, wala rin namang problema kung
hindi ka na nakakatagal sa takbuhan at ano
naman ang masama kung minsan ay nalalagpasan
na tayo ng mga binatilyo sa laro?

Lahat tayo tatanda, lahat tayo dadating
sa puntong nanghihina pero hindi lahat
ng tao nagagawang sulitin ang bawat oras
na nalalabi sa kanila…

Para sa akin kung kaya ko pang humawak ng
bola, makatakbo at makita ang ring ay kahit papaano
lalaro parin ako ng basketball.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: