IBA NA MGA SAUDI BOY NGAYON

Noon kapag narinig ko na nagtratrabaho sa Saudi ang kababayan natin ay pumapasok kaagad sa isip ko na malamang constraction ito nagtratrabaho at medyo napapag-iwanan sa mga uso sa Pilipinas. Dapat sanay ka sa init dahil mainit ang bansang ito.

Noon ang pagkaka-alam ko sa mga Saudi Boys or nagtratrabaho sa Saudi eh mga alam lang na ipasalubong ay Ginto, lotion, tobleron at mga naglalakihang stereo.

Noon ang akala ko sa mga nag-saSaudi ay napapag-iwanan hindi lang sa uso kundi lalo na pagdating sa mga Gadgets.

Kaya noong taong 2006 na nagdesisyon akong magtrabaho dito ay maraming mga kaibigan at kakilala ko ang nagulat sa akin. Akala ng iba hindi ko alam kung ano ang pupuntahan ko, kasi naman di mo ma-imagine na ang isang batang laking Maynila sanay sa malaya na pamumuhay at laging sunod sa kung ano ang uso ay magpla-planong pumaroon sa bansang limitado ang kalayaan at higit sa lahat malayo sa mga mahal sa buhay. Ang pagkakatanda ko na nasa isip ko noon ay gusto ko lang maiba naman, gusto ko subukan ang ibang buhay kahit ano basta maiba lang kaya bukod sa gusto ko makaipon para sa pang-setup ng oto para ipangarera ay isa rin sa valido kung dahilan ay gusto ko ng “changes”.

Tangap ko na kung magiging baduy ako o mapag-iwanan ng uso kung iyon ang mangyayari sa akin sa pag-punta ng Saudi at wala rin problema sa akin kung sa aking pagbabaksyon ay hindi kasing sosyal ang mga pasalubong ko tulad noong mga nagpupunta sa US, Canada o New Zealand basta ako gusto ko lang makaranas ng bagong kultura at mai-setup ang oto ko.

Pero noong nakarating ako ng Saudi ay tila ba parang hindi ko lubos maisip na ang mga ideya ko sa buhay Saudi ay taliwas sa inaakala ko noon.

Totoo na mainit sa bansang ito kumpara sa Pinas pero ang kaibahan lang dito ay di hamak na mas mura ang kuryente kumpara sa ating bansa, kung kaya halos lahat ng establisyimento, bahay o opisina ay naka-aircon. Well matagal naman na yatang ganito dito at yun lang siguro ang hindi ko na-anticipate pero yung tungkol sa uso lalo na pagdating sa Gadgets dito ako namangha dahil kung maglilibot-libot ka lang makikita mo na ang daming mga gamit dito na lalabas palang sa Pilipinas pero dito meroon na. Pagdating sa uso hindi mo narin masasabi na nahuhuli mga Saudi Boys dahil updated narin kami dahil narin sa tulong ng internet nalalaman namin dito ang mga trending sa fashion, gadget, lifestyle, showbiz atbp.

Sa Pasalubong tingin ko di na rin tulad noon na tobleron, ginto at lotion lang ang dala-dala ng mga nagSa-Saudi kasi sa huling pagbisita ko sa mga nagpapa air cargo ay ang dami daw gusto mag padala ng laptop at tablet pero as of now parang di muna sila tumatangap dahil meroon ata silang isyu dito pero ang punto rito marami ang mga Saudi Boy ngayon na mas gusto nilang ipadala o ipasalubong ang mga gadgets kesa sa mga tsokolate.

Syempre di parin mawawala yung mga old school na Saudi boys pero marami narin ngayong mga nagsa-Saudi na sosyal at engrade kung magbakasyon. Iba na talaga mga Saudi Boy ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: