HINDI PORKE POSITIVE THINKER BILYONARYO AGAD!

Isa sa mga ibinabatikos sa aming
mga di umano ay positibo kung tumingin sa
buhay ay bakit daw hangang ngayon
hindi pa kami mayaman?

When they say mayaman it means bakit
hangang ngayon di parin kami Milyonaryo
o Bilyonaryo?

Ako man eh napapaisip dito eh. Bakit
kaya hindi ko ma-attract ang milyon-milyon
or Bilyon-Bilyon na pera katulad nung
tinatamasang yaman nung mga natsitsismis
na mga politiko sa ating bansa?

Gusto ko rin maging makapangyarihan
at mayaman! Pero bakit hangang ngayon
eh hindi parin ito mag-manifest sa buhay
ko? samantalang detalyado kung sinusunod
ang mga sinasabi ni Rhonda Byrne at ng
kanyang mga tropa sa The Secret, kahit
nga itong si Nap Hill na sumulat ng Think
and Grow Rich ay aking isina puso at isina-isip.

Dumating na rin ako sa puntong gusto ko na
ipagde-delete ang mga Ebook at video tungkol
dito dahil para namang walang nangyayari…
Pero bago ko gawin ito ay nagtanung muna ako
sa aking sarili… ang tanung ko eh…

Masaya ba ako? at ang mabilis na sagot na
nangagaling sa aking puso ay “OO”

Masaya ako kahit na di ako Bilyonaryo dahil
payapa ang buhay ko, kumpleto at nasa maayos na kalagayan
ang mga mahal ko sa buhay, wala akong
itinatagong kung anu-ano sa aking career.

Isa pa nagtanung ako sa sarili ko kung
dati ba ay ninais ko bang maging Bilyonaryo?
Ang pagiging Bilyonaryo ba ang dahilan
bakit napapunta ako sa gawaing magbasa ng
sandamak-mak na libro at artikulo? Ang sagot
ay hindi… Hindi pera ang dahilan kung
bakit ako napapunta sa ganitong lakbayin
patungo sa personal growth, kundi interesado
akong malaman ang mga tungkol dito, hindi ako tiyak
kung ano ba ang interest na nasa isip ko pero kung
tutukuyin ko ngayon kung ano ito ay masasabi ko
na ang simpleng salitang “kaligayahan”

SAbi nga sa isang panipi na kung saan
sinipi ang sikat na musikerong si John Lenon
na kung saan ang sabi

” When I was a child they ask me what
I want when I grew-up and my answer is to be happy,
Then they laugh and said to me that I did not understand
the question and I said to them they dont understand Life”
Bakit ba natin kelangan ng pera? para mapunan
ang pangangailangan at tulad ng ating inaakala
itoy kasangakapan para magawa natin ang mga nagpapaligaya
sa atin diba? Pero natanung na ba natin na kaya
ba natin gawin ang mga gusto nating gawin na di gaano
gumagamit ng pera? Sa tingin ko posible pero
kelangan magbago ang mga taong nasa paligid ko pero bago
iyon dapat sa akin muna magsimula ang pagbabago.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: