PAANO SWERTIHIN SA BUHAY???

Ang sa tingin ko
ang swerte ay kayang
akitin ng tao.

Maganda yung madalas kang manalangin,
Tama pagiging masipag pero kung wala ka sa
pustura na ka-akit-akit
sa swerte eh kahit gaano ka “KA-BANAL” o
“KA-SIPAG” hindi ka lalapitan nito.

Ayon sa aking obserbasyon, ang swerte eh
parang isang magandang dalaga.

Ang isang magandang dilag sa totoong buhay
ay nabibingwit madalas ng mga lalaking
may dating at mahusay makisama.

Yung “DATING” eh yan yung imahe na
ipinapakita at pinaparamdam mo. Kumbaga
ito yung physical at karakter mo bilang
isang tao.

Yung “MAHUSAY MAKISAMA” yan naman
yung kung papaano ka makisabay
sa buhay ng kapwa mo o karelasyon mo.

Para lang ding pakikipagrelasyon
ang pagiging “MASWERTE SA BUHAY”.
Ngayon marami sa atin ang napaka
OKAY pagdating doon sa “MAHUSAY MAKISAMA”
pero medyo kulang o totally bokya
sa “DATING”.

Pagdating pa naman sa pag-aakit
ng swerte sa buhay eh ang unang
mahalaga ay yung “DATING” kasi kahit
sa paghahanap ng karelasyon hindi mo kayang gamitin
ang husay mo sa pakikisama para
akitin ang dalaga. Hindi mo masasabi
sa tadhana o sa isang dalaga na “mahusay
ako makisama” kaya maakit ka…

Ang pang-aakit eh sa pamamagitan ng
physical at karakter. may porma ka ba?
kamusta karakter mo? Smart ka ba o Torpe?

Yung sinasabing “DATING” nagsisimula
kasi iyan sa pagpili nung iisipin natin. Kung iniisip
mo na hindi mo kayang marating yung
narating ng kapwa mo eh guess what!
tama ka! Lahat tayo naniniwala ako
na may pantay-pantay na karapatan
bagaman sa mundong ibabaw pinipigilan
ito ng iba nating kapwa na mangyari
pero kamalaunan yung katotohanang
lahat tayo ay
may pare-parehong karapatan
ang siyang mangingibabaw.

Nasa sa iyo nalang kung gagamitin mo
ang iyong karapatan o sasayangin lang.
Yung mga karapatan na ito ay kailangan
natin para mabuhay, kasi yung mga karapatan
na iyan kabilang diyan yung pag-asa, pagiging
masagana at pag-ibig. Kung pinagdadamutan
mo ang sarili mo nung mga bagay na
may karapatan ka eh wag mong asahan
na madali kang tamaan ng swerte o datnan pa.

Love others as you love yourself.

Yung mga taong may “DATING” o malakas
ang DATING eh hindi nakakapagtakang
mga taong MAHAL ang kanilang sarili
dahil sigurado ang mga taong ito ay
ginagalang nila kung sino sila at
naniniwalang kagalang-galang ang kinatatayuang
estado. Kapag natutunan mo na na mahalin
ang sarili mo, nariyan na yung pagiging
kumpyansa sa sarili, pagkakaroon ng pag-asa
at positibong pananaw sa buhay mula dito
nagagawa mo ng akitin ang mga swerte
sa buhay.

Subjective ang paksa na “swerte” kasi may
mga nangyayari na sa una mukhang “malas”
pero kamalaunan “swerte” pala yun. Hindi
naman ito tatangaping paliwanag ng iba
kasi iisipin nila ay nagpapalusot ka lang
at nagiimbento ng istorya para wag magmukhang
kawawa. Hindi madaling bigyan ng konklusyon
dahil sa totoo lang para sa akin hindi mo
naman dapat konklusyunan ang isang partikular
na parte ng buhay mo para maging mismong symbolo
kung sino ka ngayon. Ang importante paano
mo hinarap at dinala ang mga pangyayari
nung nakaraan para maging kung sino ka ngayon.

Kone-konekta kasi ang mga pangyayari sa buhay
natin… hindi exclusive event ang mga naging
nakaraan mo, connected lahat yan and someday
it all make sense.

Kahit ako hindi ako umaasa o pinupuntirya
ang pagiging maswerte. Hindi naman sa pagyayabang
parte ng buhay ang pagiging maswerte, ngayon
kung sa tingin mo sa iyong buhay ay mailap
sa iyo ang swerte eh dapat mo siguro subukan ang
sinasabi ko sa artikulo na ito. Love yourself…

Sa maikling salita ko maibubuod ang aking
paliwanag kasi kung hahaba pa ito eh baka
mas lalong maging kumplikable.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: