IKAW AT ANG IYONG MASKARA

Sino ka ba talaga?

Ikaw ba ay matutukoy ng iyong pera?
O ng iyong katungkulan sa opisina?

baka naman ang pagkatao mo ay
binubuo ng mga ari-arian

Kotse, Bahay, kapangyarihan
at iba pa…

Paano kung itoy tangayin ng malakas
na hangin?

Mawala ng isang iglapan at iyong
estado’y manumbalik nung ika’y supling?

Walang pera o bahay ni ang iyong suot
na damit ang halaga ay katiting?

Mula dito iyong makikita kung sino
ka ba talaga?

Mapag bigay ka pa rin kaya
at makakaya mo pa bang maglakad na
nakataas ang iyong panga?

Tayong lahat may kanya-kanyang
maskarang ginagawa

May mga taong nakatanod habang
itoy kanilang nililikha

Samantalang marami ang walang muwang
kung ano itsura nito kapag inilagay sa kanilang mukha…
Walang masama sa maskara kung itoy ginagamit na gabay para sa pagunlad ng iyong sarili
ngunit kung itoy gagamitin para takasan ang totoong nangyayari

Sigurado na di maipaliwanag na sakit ang iyong dadamhin.

Di kaya ng kahit anung gamot pa ang iyong inumin

Malulunasan lamang kung iyong pagsisikapang ang katotohanan ay iyong harapin.

Ikaw at ang iyong maskara ay iisa…

Keh ginagamit sa lokohan o pagprotekta sa huli ang aral kapag iyong nakita

ito ang aakay sa iyo upang magkaroon ng buhay
na malaya…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: