LAGI KANG MAY PROBLEMA? NORMAL LANG YAN…ito’y isang Tula

 

Sino ba nagsabi na balang araw
problema ay mauubos?

Akala mo ngayon ika’y naka-menos
pero bukas ang laki pala ng gastos

Kahit yumaman ka pa tulad ni
Mark Zuckerberg

Sigurado na ikukwento mo ring
Mahirap rin palang patakbuhin ang
Facebook

Minsan ang pagdating ng publema
sunod-sunod

Pero minsan mababato ka kasi
madalang ang pag-pasok

Akala ko pera ang kasagutan
para publema mabawasan

pero para palang hindi
kasi lalo lang nadagdagan

wala sa kayamanan para problema
ay makayanan

kundi nasa pagdadala daw
ng tao iyan

Paano ba dalhin ang problema?
tanung ng ilan

May nagsabing dapat agad-agad
sulusyunan

Pero nasubukan ko na iyan
parang hindi naman

Kasi kapag inagad kung minsan
ang resulta kabaligtaran

Mas maigi pa talaga yung maingat
na dahan-dahan

Walang kwenta ang buhay kapag
walang problema

Totoo iyang sinasabi ko
dahil ang buhay ay isang drama

Kaya nga noon pa man pilit
ginagaya

ng mga direkto at artista
para makagawa ng pelikula

Pero iba parin ang totoo
walang halong arte

Puro, dalisay ang mga leksyon
dapat pahalagahan parang dyamante

Kung may dapat kang gawin iyon
ay kundi isulat sa iyong kwaderno

pero kung medyo sosi ka pwede
mo rin itype sa laptop mo.
Lagi kang may problema?
Ayos lang yan!

Ibig lang sabihin ganap
kang buhay kaibigan…

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: